26: Hindi Pwede

518 18 3
                                    

"Alam mo ba kung kanino ka kasal?"

"Anong sinasabi mo?"

"Rachel we are still married. Ako parin ang asawa mo at ikaw parin ang asawa ko. You are the real Mrs. Gomez, you're still my wife."

Sumabog na ang bombang matagal ko ng tinatago, after how many years nasabi ko rin ang totoo kay Dawn nasabi ko rin ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya at ngayong alam na nya ang totoo hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari sa kwento ng storya namin. Ilang minuto ang lumipas at walang nagsasalita ni isa sa amin nakatingin lang sya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Please say something Dawn gusto kong malaman ang iniisip mo ngayon gusto kong malaman ang nararamdaman mo. 

Nabasag ang katahimikan ng tumawa si Dawn yung tawang sarcastic hanggang sa humagulgol sya ng iyak at sinampal ako.

"Napaka selfish mo! Hindi ko alam na ganyan ka pala kasama!" Kitang kita sa mga mata nya na kinamumuhian na nya ako ilang beses ko lang nakitang ganito si Dawn at ngayon nasaksihan ko nanaman ito ng dahil sa kagagawan ko.

"Ano bang akala mo sa sarili mo? Na kontrolado mo lahat? Na lahat ng gusto mo masusunod noon pa man wala kang pakialam sa mararamdaman ko puro sarili mo ang iniisip mo!"

"Dawn hindi ko intensyong saktan ka, akala ko ito ang tama akala ko noon magkaka ayos tayo, akala ko panandalian lang ang paghihiwalay natin dahil ilang beses na ba tayong muntik na maghiwalay pero hindi naman nangyayari yun diba."

"Puro ka akala! Akala mo lahat ng bagay alam mo! Akala mo tama ka palagi! Akala mo laruan mo ako na pwede mong bitawan kapag nagsawa ka na at babalikan kapag gustuhin mo!"

"Kasalanan ko bang hindi ka bitawan kasi mahal kita? Kasalanan bang umasa na babalikan mo ako at magkaka ayos tayo? Kasalanan bang gustuhin kong makuha ka ulit na maging akin ka lang tulad ng dati? Kung kasalanan yun Dawn patawarin mo sana ako pero minahal lang naman kita ng sobra sobra kaya ko nagawa to."

"Hindi sapat ang pagmamahal Richard alam mo yan, kasi kung sapat lang ang pagmamahal sa isang pagsasama edi sana tayo ang nagkatuluyan."

"So anong gusto mong gawin?"

"Anong gusto kong gawin? Kapag ba sinabi kong ipapa annul mo yan ngayon din gagawin mo?"

"Yan ba talaga ang gusto mong gawin Dawn?"

"Huwag mo ng tanungin pa ang desisyon ko kasi mas susundin ko kung ano ang tama kesa gawin ang bagay na alam kong magpapagulo sa lahat ng to"

"Kung hindi ba magiging magulo ipapa annul mo pa?"

"Richard itigil na natin to, itigil mo na to"

"Sana nga Dawn ganon lang kadali sabihin sa puso kong itigil na ang pagmamahal sayo para di na ako masaktan pa"

Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay tinalikuran na ako ni Dawn at naglakad papalayo sa akin hanggan sa hindi ko na sya masilayan pa.




---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ma may problema po ba?" Nauna akong umuwi kaysa kay Richard pagkatapos ko syang iwan ay umuwi na ako sa tinutuluyan namin rito at makalipas naman ang ilang oras ay dumating na si Avery.

"Wala naman anak"

"Pero bakit hindi daw po uuwi dito si Papa mamaya?"

"Hindi ko alam wala namang sinabi ang papa mo sa akin kanina"

"Pero Ma kayo po ang magkasama kanina"

"May hindi lang kami napagkasunduan"

"Ma sana po wag na kayong mag away ni Papa, sana mo maayos nyo na yan"

"Sana nga anak"

Kinabukasan ay maagang bumalik si Richard sa apartment na tinutuluyan nina Avery at Dawn.

"Pa nag breakfast ka na po?"

"Oo anak. Siya nga pala mag empake ka na ng gamit mo sabihan mo narin ang Mama mo"

"Bakit po?"

"Lilipat na tayo"

"Okay?"

Pinuntahan ko sa kwarto si Mama gising na sya at mukhang malalim ang iniisip.

"Ma"

"Oh Avery kanina ka pa ba dyan?"

"Hindi naman po"

"Ahh pasunod narin ako tatapusin ko lang tong pagsusuklay"

"Ma sabi po ni Papa mag empake na raw po tayo"

"Nandyan na ang papa mo?"

"Opo kakarating lang po nya"

"Pero saan daw tayo pupunta?"

"Lilipat na raw po tayo eh"

"Ok sige mag eempake na ako"

"Ok po"

Matapos ang ilang oras ay nakapag empake na kami ni Avery matapos noon ay dinala na ito ni Richard sa sasakyan yung ibang gamit naman daw ay ibebenta nalang nya dahil kumpleto na raw ang gamit sa lilipatan namin. Nang magkita kami ni Richard ay hindi kami nag usap tanging sila lang ni Avery ang nag usap at matapos ang mahigit 30 minutes na byahe ay nakarating na kami sa destinasyon namin.

Bumungad sa amin ang isang napakataas na building naaalala ko ito dito kami bumili noon ni Richard ng bahay dahil napag usapan namin na kapag naayos na namin ang kontrata namin noon ay dito na kami titira at dito na kami bubuo ng sarili naming pamilya pero hindi nangyari ang lahat ng iyon ang akala ko noon ay ibinenta nya ang nabili namin rito pero mukhang nagkamali ako. Sumakay kami ng pang VIP na elevator pero nakapag tataka dahil hindi naman penthouse ang binili namin noon.

"Dahil matagal na akong kilala ng may ari nito ay napag pasyahan kong bilhin nalang yung penthouse at ibenta yung dating nabili natin."

So that answers my question alam kaya ni Lucy na binili ni Richard ang penthouse rito?

Pagdating ay namangha ako sa ganda ng lugar napaka ganda nito at mukhang bago lahat ng gamit.

"Dito na tayo titira at kapag uuwi na kami ng Mama mo Avery ay dito ka parin titira"

"Pero masyadong malaki yung lugar Pa"

"Lahat ay ibibigay ko para sayo Avery kaya kailangan masanay ka na"

"Mas masaya po siguro kung nandito sina Rachel at Rafael"

"Anak ginagawan na ng paraan ng tito at tita mo at hindi din kami papayag ng Papa mo na malayo sayo ng matagal ang mga bata"

"Thank you Ma, thank you Pa"

"Mahal na mahal ka namin anak, mahal na mahal kita" Nang sabihin ni Richard ang mga huling katagang iyon ay nakatingin sya sa akin. Mahal na mahal din kita, pero hindi parin pwede...






Sorry sa matagal na UD sobrang busy ko lang talaga graduating po kasi ako :-) Para sa mga nagpapa dedicate sorry nalimutan ko na comment nalang ulit kayo tapos sa next UD tsaka ko nalang  idedicate

Broken Home *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon