11: Grandparents

579 14 3
                                    

"P-papa?" Nagulat ako dahil nasa harapan ko ngayon si Richard Gomez oh my gosh! Tinawag nya akong anak hala baka nakikilala nya ako dahil makulit ako sa kanila ni mama dawn sa twitter at IG hihihi oh my gosh my fangirl heart.

"Anak pwede ba kitang makausap?"

"P-po?"

"May kailangan ka lang malaman"

"Pero may flight pa po kami Pa eh"

"Sandali lang anak kahit 5 minutes"

"Avery kilala mo ba sya?"

"Aba oo naman Noah si Richard Gomez sya yung sikat na artista na katambal palagi ni Dawn Zulueta"

"Pero bakit mo sya tinatawag na papa?"

"Well fan nila ako at kaming mga pengs mama at papa ang tawag sa kanila my gosh Noah na meet ko na  rin sya sa wakas."

"Mommy I'm hungry"

"Wait lang anak may kakausapin  lang si mommy"

"Rachel lika dito kay daddy sasamahan nalang kita bumili kasi may kakausapin pa si mommy. Avery sumunod ka nalang sa loob"

"Sige Noah"

Pumasok naman na sa loob sina Noah at naiwan ako dito sa labas kasama si Richard Gomez my gosh nananaginip ba ako sana wag na akong magising.

"umm Pa ano po bang pag uusapan natin? Tsaka paano nyo po ako nakilala na anak nyo ko I mean na fan nyo po hehe"

"Avery Chaine Lee right?"

"O-opo, Pa kilala mo ko? Oh my god my penguin heart"

"Avery hindi kita gustong biglain pero you need to know the truth"

"A-ano pong t-truth?"

"Anak kita Avery"

"Papa naman syempre anak nyo ko dami ko ngang kapatid Pa eh"

"No Avery. Hindi sa ganyang lagay hindi sa pagiging fan lang. Avery I'am your biological father."

"P-po?"

"Anak ka namin ni Dawn, anak kita sa totoong buhay"

"B-baka nagkakamali po kayo"

"Hindi anak, matagal ka na naming hinahanap ng mommy mo"

"Pero ang mga magulang ko po ay ang mga Chiu"

"Hindi sila ang totoo mong mga magulang dahil inampon ka lang ng mga Chiu kay Perla na syang dating maid ng mommy mo at noong manganak ang mommy mo ay napagdesisyunan namin na ibigay ka kay Perla at ipinaampon ka nga ni Perla sa mga Chiu"

"Umm mauuna na po ako baka hinahanap na po ako ng mga anak ko"

"Avery maniwala ka sakin, aantayin ko ang pagbabalik mo at mag uusap tayong muli anak"

Iniwan ko na doon sa labas si Papa dahil hindi ko na kayang iabsorb lahat ng sinasabi nya paanong anak nila ako ni Mama Dawn.

"Hey you look pale ayos ka lang ba Avery?"

"O-oo ayos lang ako Noah"

"Tara na nakahanda na ang private plane"

Pagsakay namin sa private plane ay tuwang tuwa ang mga bata nagising narin si Rafael at panay ang tingin nito sa bintana ng eroplano habang kami naman ni Noah na magkatabi ay parehong tahimik.

"Ang lalim ng iniisip mo"

"Ahh wala to"

"Avery asawa mo ko kaya pwede kang magsabi sa akin kung ano man ang gumugulo sa isip mo"

Broken Home *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon