28: Secret

483 17 3
                                    

"Pa, ilang araw ko ng hindi ma contact si Mama" Magkausap kami ngayon ni Avery sa cellphone at tulad ko ay hindi din nya ma contact si Dawn. Ilang araw na ang lumipas ng bumalik kami dito sa Pilipinas pero simula ng araw na umuwi na kami sa mga sarili naming bahay ay hindi ko narin sya ma contact.

"Baka naman busy ang Mama mo"

"Pa, kahit busy pa si Mama palagi naman nyang sinasagot ang mga tawag ko dati."

"Baka naman bumabawi lang sa mga kapatid mo alam mo naman isang buwan nyang hindi nakasama"

"Pa iba ang kutob ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kay Mama"

"Sige para mapanatag ka na pupuntahan ko siya sa kanila pagkatapos ay tatawagan kita"

"Sige Pa thank you po"

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Avery ay napagpasyahan ko ng puntahan si Dawn sa bahay nila, tulad ng anak namin ay hindi rin maganda ang kutob ko sa lagay ni Dawn.

"Saan ka pupunta?" Palabas na ako ng bahay ng biglang nagsalita si Lucy.

"Love, pupuntahan ko lang si Dawn sa kanila"

"Pupuntahan mo sya? Bakit? Isang buwan na nga kayong magkasama hindi ba? Namiss mo na ba sya?"

"Love, hindi sa ganoon. Hindi kasi sya ma contact ni Avery at masama daw ang kutob nya hindi sya mapalagay na hindi nya makausap ang mama nya kaya pupuntahan ko lang si Dawn at titignan ang lagay nya para msabihan ko si Avery. Saglit lang naman ako dun, ok?" Hinalikan ko sya sa noo at umalis na papunta sa bahay nila Dawn.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

"Nandyan ba si Dawn?" tanong ko sa kasambahay nila.

"Opo sir, teka lang po tatawagin ko si ma'am, pero sir bilisan nyo lang po syang kausapin baka po kasi dumating si sir Anton"

Bakit parang may hindi tama, sobrang tahimik ng bahay nila, wala ang mga bata at mas dumami ang bodyguards nila pati narin mga cctv cameras halos lahat ng sulok ng bahay ay mayrooon na. Maya maya ay dumating si Dawn naka long sleeves ito at naka pantalon mukhang pumayat din ito.

"Richard anong ginagawa mo dito?"

"Dawn, ano bang nangyayari sayo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin ng anak mo?"

"M-madami lang akong ginagawa"

"Hindi ka naman ganyan dati Dawn, may problema ba?"

"Wala, k-kailangan ko munang bumawi sa pamilya ko dahil ang tagal nating nawala diba"

"Dawn bakit ba parang takot na takot ka" hinawakan ko sya sa kamay at nakita ko ang pasa sa wrist nya. Nang makita nya na tinignan ko iyon ay agad nyang binawi ang kamay nya.

"Umalis ka na Richard"

"Bakit ka may pasa? Saan mo nakuha yan?"

"W-wala to"

"Sinasaktan ka ba ni Anton?"

"Ano bang klaseng tanong yan Richard. Alam mo mabuti pa umalis ka na"

"Hindi ako aalis hanggat hindi ka nagsasabi ng totoo"

"Wala akong sasabihin sayo kaya umalis ka na"

"Dawn baka nakakalimutan mong asawa mo ako, kaya karapatan ko paring malaman ang mga nangyayari sayo"

"Hindi kita asawa Richard! Ipa walang bisa mo na ang kasal natin, pwede ba!"

"Ano bang nangyayari sayo Dawn?"

"Umalis ka na Richard!"

"Ma'am! parating na po si sir Anton" 

Parang lalong nabalot ng takot ang mukha ni Dawn ng sabihin ng kasambahay nila na parating na si Anton.

"Richard please umalis ka na"

Kahit ayaw ko syang iwan ay sinunod ko parin ang sinabi nya, umalis na ako pero pinapangako ko na aalamin ko ang lahat ng tinatago ni Dawn sa akin.

Broken Home *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon