Chapter Three

39.1K 955 17
                                    

"Caloy ano na naman ba itong ginawa mo?"

Halos pabulong nalang na pagsita ang ginawa ni Esyang habang nakaupo silang magkapatid sa loob ng visitation room at may dalawang pulis ang nakabantay sa kanila. Kasalukuyan itong nakakulong dito sa Parañaque Station.

Disinuebe anyos na si Caloy. Kung saan saan ito tumutuloy at umuuwi lang sa kanya kung kailan nito gusto. "Kailangan ni tatay ng pera ate. Paano hindi ko 'yon gagawin?" Napahimalos siya ng mukha.

Ang huli niyang balita sa ama ay nakalaya na ito mula sa pagkakarehab. "At saan naman niya gagamitin? Sa pagtutulak na naman?"

Tumaas nalang ang sulok ng labi ni Caloy. "Pwede ba ate? Tigilan mo na nga 'yan! Matagal nang nagbago si tatay at tinutulungan siya ni nanay."

Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na may katotohanan ang sinasabi ni Caloy. Pero kilala niya ang mga magulang niya. Kilala niya ang tatay nila.

"At anong plano mo ngayon? Makakapagpiyansa ka ba daw ba?" Paglilihis niya sa usapan.

Nagkibit balikat si Caloy. "Hindi ko alam. Galit na galit sakin yung bebot na may ari ng sasakyan eh."

Nagtagis ang bagang niya. "Eh sa putang ina mo naman kasi! Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at sasakyan pa talaga ang binalak mong nakawin? Caloy pitaka lang ang kaya nating dekwatin hindi sasakyan!" May halong iritasyon sa sinabi niya.

Umirap lang ang kapatid niya. "Ano bang malay ko na mahuhuli ako sa operasyong yon?" Iritableng sagot ni Caloy. "Alam ko bang babalik agad ang may ari non?"

Bumugtong hininga siya. "Kailangang makausap ko ang sinasabi mong babae na nagpakulong sayo. Babalikan kita dito bukas. Kailangan ko munang bumalik sa ospital dahil malubha ang lagay ni edong." Tumayo siya at sumabay din ito ng tayo.

Nauna siyang maglakad at sumunod ito. Pati ang dalawang pulis na bantay kanina. "Nag aaalaga ka ng mga batang di mo kaano ano pero si nanay at tatay hindi mo man lang madalaw."

Tila may malaking batong bumara sa lalamunan niya matapos marinig ang pasaring ni Caloy sa kanya. Bahagyang lumabo ang paningin niya dahil sa mabibigat na likodong gusto niyong ilabas. Tumingala siya. Liwanag ng puting ilaw ang sumisilaw sa kanya. "Aalis na ako. Babalikan kita bukas para ayusin ang paglabas mo."

Tuluyan na niya itong tinalikuran. Babalik muna siya sa ospital bago bumalik dito sa presinto. Nasisisguro niyang bukas opisyal na sasampahan ng kaso ang kapatid niya. Kakausapin niya ang babaing nagpakulong dito. Umaasa siya na madadala niya sa konting arte at drama ang babae.

Dumeretso siya sa ospital. Pagkarating doon ay kinausap siya ni Badet. "Kailangan daw ni Edong sumailalim doon sa Endoskopi. "

Kumunot ang noo niya. "Ano ba 'yon?"

Umiling si Badet. "Hindi ko rin alam eh. Basta ang sabi ng nurse kanina. Titignan daw ang bituka ni Edong. Tingin ko sa loob ng tiyan ang sakit ni edong."

"Nasaan ba ang doktor? Kakausapin ko siya."

"Babalik daw siya mamaya. Esyang, nalaman kong mahal pala ang test na 'yon. May pera ka pa ba?" Naroroon ang pag aalala sa tinig ni badet.

Yumuko siya. "M-Magkano ba 'yon kung sakali?"

"Kulang kulang kinse Mil yata. Tapos may iba pang test na gagawin." Nanlumo siya. May naipon siyang sesenta mil. Nabawasan na yon ng nabawasan dahil nga sa pagkakasakit ni edong tapos nasa kulungan pa si Caloy. Hindi naman pwedeng wala siyang gawin. Kapatid niya iyon kailangang magawan niya ng paraang makalabas si Caloy.

"Pag nagtagal tagal masasaid ang pera namin." Dumantay sa likod niya ang palad ni Badet.

"May konting naipon ako sa bahay idagdag mo." ani nito.

"Salamat pero itabi mo na 'yon. Hahanap nalang ako ng raket pa." Aniya sa mababang tono.

Humarap si Badet sa kanya. "Yang raket mo ayos yan. Pero sana wag mong masubukan yung raket ni Jessa ha. Kung di itatakwil kita talaga."

Dahil sa sinabi nito ay nagkaroon tuloy siya ng ideya.






To be continued...





-----

Si esyang na muna po ang series 1. Si Lanie wag niyo muna hahanapin. Maglalamyerda muna siya. Hahaha

Happy reading.
Ai:)

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon