Chapter Forty Two

27.4K 663 22
                                    

"Pare, ikaw na kaya ang kumawala. Ang tagal tagal na kasi eh."

Umangat ang tingin niya kay VJ. Napadaan kasi ito sa opisina niya. "No. I won't stop hanggang sa makita ko siya. Pupunta ako dun sa ospital na pinagtatrabahuhan ng doktor na nakilala ni Sushi. Malakas ang kutob ko na siya 'yon."

"At paano kung hindi siya? Anong gagawin mo?"

"At paano kung siya? Pare, walong taon akong naghanap. At kahit kasal na kami ni Yana araw araw akong umaasa na babalik siya. Araw araw akong naghihintay na kakatok siya sa pintuan at sasalubungin ko." May namuong luha sa mga mata niya. Hindi naman siya tumigil diba? Hindi naman siya nawalan ng pag asa.

"Finally i found you!"

Bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok si Ciara. Dali dali itong lumapit sa kanya at umupo sa visitor chair na nasa tapat niya. "What's up brat? May kailangan ka na naman ba sakin?"

She crossed her legs. "You know me very well my dear cousin." May hinugot ito sa loob ng bag nito at saka inilapag sa lamesa niya. It's a red envelope. "Actually yes. I'm badly need you right now."

Dinampot niya ang sobre. "Party? Why you giving me this?"

Ciara rolled her eyes. "Because you are invited? Com'on Onie, escort me."

Nilapag niya ang papel matapos mabasa iyon. May mas mahalaga pa siyang dapat gawin kaysa ang makipagparty. "I'm sorry but No."

Namilog ang mga mata nito. "What?"

He removed his eye glasses. "Ciara look. Marami akong dapat gawin i have to see my private investigator to---."

"So hindi ka pa rin sumusuko sa paghahanap sa babaing iyon. Why don't you try to play spirit of the glass and ask Dayana to do you a favor. Sabihin mo sa kanya ay tulungan kang hanapin ang kinahihibangan mo." She sarcastically said.

"Ciara this is not a joke. And I'm not wasting my time para lang mauwi ito lahat sa wala. And if i will. Then, yeah! Tatawagin ko si Yana paratulungan akong hanapin si Marie." He pissed.

"You are crazy! Nababaliw kana! Umaasa ka sa taong babalik pa kahit alam mong baka hindi na! Why don't you focus on your children? Sila ang dapat unahin mo." Ciara was been good to his children kahit pa nga ba naiinis ito kay Dayana at nagalit sa kanya ng pakasalan niya ang babae. Dayana was Ciara Ex best friend. Kaya nauunawaan niya na naiinis ito. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil mahal nito ang mga anak niya.

"I love her that's why I'm doing all of these." Halos bulong nalang.

Naramdaman niya ang palad ni Ciara na humawak sa kamay niya. "Unlove her. Mas mabuting kumawala kana. Dahil hindi ka naman sigurado kung mahal ka din niya. She wouldn't leave you kung mahal ka niya. And she wouldn't hide your child to her kung may pagpapahalaga siya sayo. Accept the truth, Onie. It's hurt but it's better than to live with your pathetic dreams." She lectured.

Ciara has a point. Pero hindi ganoon kadali iyon. Hindi ganoon kadaling balewalain ang lahat. Tumayo si Ciara. "Tomorrow night ang party. I'm expecting you to my doorstep seven pm tomorrow night. Proxy ako ni daddy. Kaya kailangan samahan mo ako. I'm sure mageenjoy ka. Mas mabuti 'yon baka sakaling may makilala ka doon. I'll be happy kung magaasawa ka ulit. But please, No more Marie anymore. Masyado na kong nasasaktan sa mga pinaggagawa mo." At saka ito lumabas.

Ang pinipigil niyang pagluha ay kusang nagmalibis sa mga mata niya. Sino ba ang ayaw kumawala sa masakit na nakaraan? Sino ba ang ayaw maging masaya? Pero paano kung si Marie ang kaligayahan niya?





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon