Chapter Twenty Nine

28.6K 721 21
                                    

Takot ang mga matang tumingin si Esyang sa babaing nasa harapan niya. Nanlilisik ang bilugan nitong mga mata na napaparisan ng malalantik na pilik mata. Parang si barbi lang.

"You stupid bitch!" Halos mapaatras siya sa lakas ng galit nitong tinig. Pati mga empleyadong naroon ay napatayo sa kanya kanyang pwesto. "Look what you did to my dress?" Napapalunok na niyuko niya ang kulay puting damit nito na nababahiran na ng tsokolateng kulay.

Mabilis niyang hinugot sa likod ng pantalon ang panyo niya at pinunasan ito. "S-Sorry po." Natataranta niyang sabi.

"Aargh! Don't touch me!" Tili nito sabay tulak sa kanya. Natumba siya sa sahig at mula sa makintab na semento ay kita niya ang pagkapahiya sa sarili niya. Hindi siya napayag ng ginaganito siya ng kahit na sino.

Mariin niyang ikinuyom ang mga kamao at akmang babangon para sapakin ang talipandas na babaing tumulak sa kanya nang mula sa gilid niya ay narinig niya ang isang pamilyar na tinig. "Marie!"

Humahagos na tumakbo si Onie papalapit sa kanya at dinaluhan siya. "What happened?" Puno ng pag aalalang tanong nito. Niyuko niya ang sarili. Puro tsokolate ang damit niya at naamoy din niya ang amoy niyon sa katawan niya. Mukha na nga siyang basahan nagmukha pa lalo siyang basahan. Pero mas maganda ka pa rin sa doormat bes.

Nang tignan niya ang babaing tumulak sa kanya ay nakataas lang ang kilay nito. "Why are you allowing street vendor here, Onie?"

"Ciara stop!" Narinig niyang saway ni Onie sa babae. Tumaas lalo ang kilay nito. "Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa empleyado ko." Kulang nalang ay tumalon ang puso niya sa pagtatanggol na ginagawa ni Onie para sa kanya.

"Then, fired her!" Hiyaw ng babae. "She ruined my dress!" Bahagya itong lumapit sa kanya."Alam mo ba kung magkano itong suot ko? Baka kahit magtrabaho ka ng limang taon dito ay di ka makakabili ng ganito!"

Nagyuko siya ng ulo. Walang saysay kung papatulan niya ang babae lalo pa't may kasalanan din siya. Kung saan saan kasi siya nakatingin. "S-sorry..."

"Kung bakit ba naman kasi ang tanga tanga mo! Hindi ka ba marunong tumingin sa daan? O boba ka---."

"Ciara stop! She said sorry already. Tama na. Damit lang 'yan!" Binitiwan siya ni Onie at hinawakan sa kamay ang babae.

"Sorry isn't enough Onie! Fired her! You don't need stupid employee here!" Ani nito. Di niya maiwasang maluha. Siguro hindi nga siya nakapag aral pero hindi naman siya bobo at tanga. Aksidente lang naman ang nangyari.

Humarap sa kanya si Onie. "Beverly." Lumapit dito ang babaing kasunod nito kanina. "Please take her to my office." Tumingin siya kay Onie. Tinanguan siya nito na tila inuutusang sumama sa babaing tinawag nito.

"Right away Sir!" Lumapit ang babae sa kanya at inalalayan siya. "Let's go."

Tumalikod na sila at naglakad papalayo pero dinig pa niya ang galit na tinig ng babae. "You're unbelievable!"

Binigyan siya ni Beverly ng isang pares ng damit. Maong pants ulit at bagong puting blouse. "Here's the bathroom. Pwede ka nang magpalit." Sumunod siya sa sinabi ng babae.

Mabilis siyang nagpalit ng damit. Mukhang bago naman ang damit dahil amoy pa niya iyon. Paglabas niya ng banyo ay nag aabang na doon si Onie. Kinipkip niya sa dibdib ang damit na hinubad at saka lumapit sa sofa kung saan nakapatong ang bag niya at isinilid iyon doon. "I'm sorry for what happened." Paninimula ng binata.

Mapaklang ngiti ang binigay niya. "Ayos lang. Kasalanan ko din naman eh."

Lumapit si Onie at hinawakan siya sa balikat. "Pero hindi ka dapat pinagsalitaan ni Ciara ng ganoon. I already talked to her. Pagpasensyahan mo na siya. She's sometimes really hard and brat."

Ngumiti na siya. Nahihiya din naman kasi siya sa binata. "Ayos lang. Wag ka nang mag alala."

"Pagpasensyahan mo na si Ciara. Ganoon lang talaga 'yon pero mabait naman siya." Ani ng binata sa kanya.

Nahihiyang tumingala siya kay Onie. "A-Akala ko noong una siya yung---."

Pinutol nito ang sinasabi niya. "She's my cousin. Anak siya ng tito ko, my dad's brother."

"P-Pinsan mo?" Nagtatakang tanong niya.

Tumango ito. "Daddy Jorge niece. Actually akala ko nga noong una ay magkapatid kami. I thought tito Jeremy was my father. Naging Boyfriend kasi ni Mommy si Tito Jeremy when mom is in Canada. She met him there. Pero hindi pala. So, kahit ganoon naging malapit pa rin kami ni Ciara. She's almost like a sister to me. Just like Virgo. My younger sister."

Nakakaunawang ngumiti nalang siya. Iiwasan nalang niya na magkabangga muli sila ni Ciara para mapigilan niya anh sariling wag ihampas ito sa lupa.





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon