Chapter Thirty

29.1K 747 35
                                    

"Spicy spareribs ang gusto ni Sir. Bakit ito ang binili mo?"

Nakataas ang kilay na tanong ni Beverly kay Esyang. Padalawang araw palang niya bilang Personal assistant ni Onie kaya inaalalayan pa siya ni Beverly na sekretarya naman ng binata. "H-Ha? Ang sabi kasi niya ibili ko siya ng tanghalian."

Umikot ang mga mata ni Beverly. "Oo nga. Pero kapag lunch 'yun ang palagi niyang ipinabibili. At saka saan ka namang turo-turo nakabili nang mga binili mo?"Umpisa palang ng dumating siya sa building na ito ay dama na niya ang disgusto ni Beverly sa kanya. Hindi nalang niya pinapansin dahil wala naman siyang pakialam dito.

Nasa meeting pa kasi ang binata at pananghalian na'y hindi pa natatapos. Nag aalala na nga siya dahil alam niyang kape at biscuit lang ang kinaing agahan ni Onie. "Sinasayang mo lang ang pinapasweldo sayo. Puro ka nalang palpak." Tumikom ang bibig niya. Wala naman siyang nakikitang mali sa trabaho niya. Tingin naman niya'y nagagawa niya ng maayos kahit mahirap.

"What's going on here?"

Sabay silang napalingon ni Beverly ng bumukas ang pinto at pumasok si onie. Nagkatinginan sila ng sekretarya. "N-Nothing Sir. Bini-brief ko lang po si Ms. De Leon." Gusto niyang magtaas ng kilay sa ipinapakita ni Beverly. Kanina lang halos ipamukha nito sa kanya na wala siyang alam tapos ngayon naman nagpapanggap na mabait sa haraoan ng boss nila.

Lumapit si Onie sa lamesa nito. Nanatili sila ni Beverly na nakatayo sa harapan ng binata. "What do we have for lunch?" Tanong nito habang nakatingin sa plastic bag na hawak niya.

Niyuko niya ang dala. Ngayon siya nahihiya na pagkaing kanto ang binili niya. "B-Bumili po ako ng---."

Sumabat si Beverly. "Sir i can order your food to your favorite resto. Mga five minutes sir." Na sinabayan pa niya ng ngiti. Kung di lang niya nakitang nakipaghalikan ito doon sa parking nang may sumundo ditong lalaki na nalaman niyang nobyo nito, iisipin niyang may gusto ito sa boss nila.

"Beverly si Marie ang tinatanong ko. And i have some documents that i need you to present to me. Kailangan ko 'yon today, so work on it." Natameme ang babae.

Lumapit naman siya kay Onie. "Sir bumili po ako ng ginataang langka na may kasamang hipon ay sinaing na tambakol. Pero tama po si Ms. Beverly, kung ayaw niyo po nito pwede naman po akong---."

"No. Gusto ko 'yan. Ganyan ang ipinapakain sakin ni Manag Cora kapag nasa San Agustin ako." Nabuhayan siya. Ang akala niya ay sisigawan siya nito at tatawaging tanga. Pero nagkamali siya. Bagkus ay nakangiti ito sa kanya at tila masaya pa sa ginawa niya.

Muli nitong tinawag ang sekretarya. "Arrange all my meetings today. By five pm ay aalis kami ni Marie."

Napaisip siya kung saan sila pupunta. "O-Okay Sir."

Humarap si Onie sa kanya. Muling sinilip ang pagkaing binili niya. "Mamaya ko na 'yan kakainin. Maghanda ka na ng mga gamit natin. Aalis tayo mamaya."

"H-Ha Saan tayo---este Saan po tayo pupunta S-Sir?" Nakalimutan niyang nasa trabaho nga pala siya.

"May business conference ako sa Palawan. And i want you to be there too dahil kakailanganin kita doon. Ituturo sayo mamaya ni Beverly ang mga trabahong gagawin mo. Alam kong magagawa mo." Masama ang pagkakatitig ni Beverly sa kanya nang humarap siya.

Hanggang sa nakalabas na muli ng opisina si Onie ay masama pa din ang tinging ipinukol ni Beverly sa kanya. "Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Sir sayo at ikaw ang kinuha niyang assistant. Obvious naman na mukha kang tanga. Kung nandito lang si Ms. Dayana I'm sure sasang ayon siya sakin." Parungit nito sa kanya. Konti nalang masusungalngal na niya ang babaing ito. Sobra na kung lait laitin siya.

Pero pinipigilan niya ang sarili. Hindi maganda na patulan niya ito dahil may respeto siya sa Boss nila maging sa lugar kung nasaan sila. Bakit nga ba kung sino pa 'yong may matataas na pinag aralan ay parang sila pa ang mga walang modo at respeto sa ibang tao? Ganoon na b ang edukasyon ngayon? Babaluktot ang utak mo kapag nakapag aral ka? Tutubuan ka ng kayabangan sa katawan kapag nakatapos ka? Lalaki ang ulo mo kapag nasa maganda kang trabaho? Baliktad pala kung ganoon. Dahil aminin man niya't hindi, kung sino p ng kinulang sa edukasyon ay sila pa ang may mga mabababang loob.





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon