Chapter Fourteen

29.5K 800 25
                                    

"Esyang sino ang kasama mo?"

"Uy sino yung naghatid sayo?"

"Esyang sa kanya kaba rumaket kaya ilang araw kang nawala?"

Nilampasan lang niya ang kumpol ng mga tsismosa sa tabing daan papasok sa bahay nila. Ito ang kinakatakot niya. Ang may makakita sa kanya na bumababa sa magarang sasakyan. Hindi nakatakas sa paningin ng mga tsismosa niyang kapitbahay ang ginawang paghahatid ni Onie sa kanya.

Bagkus sagutin ang mga ito ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay. "Mga tsismosa... " Pabulong na sabi niya.

Sumandal siya sa likod ng pinto at tiitigan ang calling card na iniabot ng binata. Tila mahalagang bagay iyon na dinala pa niya sa dibdib. Ang matatamis na ngiti sa mga labi niya ay agad na napalis nang makita si Pochi.

Mabilis niya itong nilapitan. "Pochi!"

"A-Ate... " Umiyak ito sa mga balikat niya. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Bakit ngayon ka lang ate?"

Hinimas niya ang likod nito para patahanin. "Ssshh.. Tahan na. Nandito na ako." Hinawakan niya ito sa balikat at hinarap. "Kamusta kayo? Si Edong anong balita sa kanya?"

Imbes na sagutin siya ay umiyak lang ng umiyak si Pochi. "Kinakausap kita. Anong nangyari?"

"S-Si kuya J-Jojo ate.. Nagpunta siya dito. G-Galit siya saming lahat." Lihim siyang napamura. Sinasabi na nga ba niya na idadamay ni Jojo ang mga bata laban sa kanya.

"Anong ginawa niya sa inyo?" Nagtatagis ang bagang na tanong niya.

"S-Susunugin daw niya itong bahay natin kapag di namin sinabi kung nasaan ka. A-Ate di naman namin alam eh. T-Tapos si Kuya J-Jopet pinagtatrabaho niya. Pabalik balik din siya sa ospital kasi akala niya nandun ka." Naikuyom niya ang mga kamao dahil sa sinabi ni Pochi.

"S-Si caloy? Di ba kayo pinuntahan ni kuya caloy mo?"

Hilam ng luha ang mga mata ni Pochi. "P-Pumunta si kuya caloy pero binugbog lang siya ng mga kasamahan ni Kuya jojo."

"Tarantado---."

"Sige sunugin niyo na ang bahay na 'yan! Matitigas ang mga batang 'yan!"

Agad siyang bumitiw kay pochi nang maulingan niya ang mga tinig sa labas ng bahay nila. Kasabay ng mga kahol ng aso. Mabilis siyang sumilip sa siwang ng dingding. Naroon si jojo at may tangan na sigarilyo. Nakikilala niya ang mga lalaking kasama nito. Ang mga iyon ang kasama noong dukutin siya.

Tang'ina!

Mabilis niyang kinuha ang nakasabit na sombrero at isinuot. Pagkatapos ay hinila niya si Pochi. "Ate! Saan tayo pupunta?"

"Ssshh.. Wag ka nang maingay. Susunungin ni Jojo ang bahay natin. Kailangan nating makalabas dito kung di magiging lechong manok tayo." Nilapat pa niya ang hintuturo sa labi. Agad na sumunod ang bata sa kanya papasok sa kusina. Pagdating sa banyo ay binuksan niya ang yerong binata at lumiban doon. Patingkayad  silang lumayo sa bahay nang makalabas. Mabuti nalang at nasa harapan ng bahay nila ang mga tsismosang kapitbahay. Ilang metro palang ang layo nila nang tuluyang umapoy ang bahay. Mabilis silang nagkubli sa mga matataas na damo.

Di kalayuan ay mga tinig ng kapitbahay nila.

"Siraulo ka Jojo. Nariyan si Esyang kadarating lang!"

Dahil sa sinabi ng isa sa kapitbahay nilang may matabil na dila ay mabilis silang pumuslit ni Pochi. Tinawid nila ang maputik na daan pababa sa ilalim ng tulay.

Ingat na ingat na walang makakita sa kanila. Pagdating sa ilalim ng tulay ay may maliit na daan paakyat sa highway. Kita pa nila ang nagliliyab nilang barung barong.

"Pochi bilisan mo!" Hinawakan niya ang bata sa baywang paakyat sa ibabaw ng tulay. Mabibilis na sasakyan ang sumalubong sakanila. "Ate wala na tayong bahay." umiiyak na sabi ni Pochi.

Hinawakan niya ito sa kamay. "Hayaan mo na. Maghahanap tayo ng ibang malilipatan."

Pagkasampa sa kalsada ay akma silang tatawid sa kabilang kalsada nang malakas na busina ang halos magpatilapon sa kanila pabalik sa ilalim ng tulay.

Nakaligtas nga sila sa sunog dulot ni jojo pero mukhang sa kalsada naman sila mamamatay. Huminto ang sasakyan sa harapan nila at mabilis na bumaba ang driver niyon. Dahilan para panlakihan siya ng mga mata.

"Marie..."





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon