Chapter Eighteen

29.3K 855 36
                                    

A/N:
Uulitin ko na naman po ULIT. Ang bawat kwentong isinusulat ko ay UNEDITED lahat. At aminado po ako na marami dito ang lumiliko na ang landas pagdating sa proper grammar. Nauunawaan ko ang correction ng iba. At naappreciate ko po iyon. Sa katunayan lahat ng binibigay niyong correction ay nakared line na para sa editing eh mas madali na. Kaya maraming salamuch po.

Ang hindi ko lang maunawaan ay bakit kahit ipaunawa ko ng isang daang beses eh may mga readers pa rin na walang modo at pakundangan sa pagbibigay ng error correction?

Uulitin ko po ulit. WAG MONG BASAHIN ANG MGA KWENTO KO KUNG DI KA KOMPORTABLE! Marami pa pong ibang stories ng ibang otor ang may mas sense basahin kaysa ang mga BASURANG GAWA KO. Kaya nakikiusap po ako wag nalang basahin. Mas maaappreciate ko po kung di kayo mastress kesa naman nagrereklamo kayo na nakaka-stress.

Happy reading.
Ai:)


He was amazed and he was proud. Hindi niya alam pero tila natutuwa siyang malaman na may gaya pa pala ni Marie. Isang babaing handang gawin ang lahat para lang sa mga batang hindi naman nito kaano-ano.

"Hindi ko sila mga kadugo pero para sakin pamilya ko sila. Sila nalang ang mayroon ako. Nang kalimutan ako ng mga magulang ko. Sila na amg naging pamilya ko. Kaya mahal na mahal ko ang mga batang 'yan. Alam mo bang noong sa kalsada pa ako natutulog, sila ang unang naging pamilya ko. Tinulungan nila ako sa kabila ng kamusmusan nilang lahat. Kung hindi nga lang talaga magkasakit si edong. Sabay sabay sana silang papasok sa eskwela ngayong darating na linggo." Humahangang tinignan niya ito. May mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata nito.

Sabay silang bumaba ng sasakyan at magkaagapay na pumasok sa loob ng General Hospital. Alam nito ang patutunguhan kaya nanatili lang siyang nakasunod dito. Mula sa ikalawang palapag ay kumaliwa sila sa isang pasilyo. Hilera ng mga ward rooms ang naroon. Sa dulong bahagi sila pumasok.

"E-Esyang?"

Mula sa kinatatayuang pintuan ay nakita niyang tumayo ang isang babae na sa tingin niya'y hindi nalalayo kay Marie ang edad. Limang hospital bed ang naroroon. Ang pasyenteng nasa kama'y batang lalaki. Tulog ito at tila pagod na pagod. Napabuga siya ng hangin. When marie said that she want to visit Edong. Strange but the first thing he think---ay isang lalaki na kasing edad niya. He felt relieved.

"Saan ka ba naglalaging babae ka? Nag aalala na ako sayo. Alam mo bang sinabunutan ko si Jessa dahil ayaw niyang sabihin kung saan ka niya dinala." Tila nakalimutan na siya ng dalaga dahil abala na ito sa pakikinig sa babaing nasa harapan nito.

"Ikukwento ko sayo lahat. Pero sa ngayon, kamusta na si Edong? Hinahanap ba niya ako?" Nararamdaman niya kung paano ito mag alala. Naroroon ang takot. Takot na baka huli na siya.

Napatitig siya sa kausap nito. Pagkatapos ay napatingin ang babae sa kanya. Nagsalubong ang kilay nito at bahagyang nanlaki ang mga mata.

"S-Si... S-Siya yung sinasabi mo sakin na kra---."

Lumingon si Marie sa kanya habang nakapatong ang mga palad nito sa bibig ng kausap. "A-Ah.. Pasensya kana dito kay B-Badet."

Ngumiti lang siya. "No it's okay."

Binitiwan nito ang babaing tinawag na badet at saka muling humarap sa kanya. "S-Si badet nga pala. Kaibigan ko." Lumapit ito sa kamang kinahihigaan ng bata. Ngumiti siya kay Badet na namumula ang pisngi habang nakatitig sakanya.  "Ito naman si Edong." Kumislap ang mga maya nito habang hinahaplos ang ulo ng batang nahihimbing.

Tila may mainit na palad na humaplos sa puso niya.

Lumapit si badet kay Marie. "Mauna na muna ako. Lalabas lang ako para bumili ng kape."

Tumango si Marie. Ganoon din ang ginawa niya. He sat across the bed at tumitig kay Marie. Bulag ang lalaking hindi makakakita ng mga bagay na nakikita niya dito.

He suddenly remembered yana. Pole opposite sila ni Marie. Yana is sophisticated and classy. Kabaliktaran ni Marie. Yana always find his sister Virgo as brat and stubborn.

Noon, madalas na magkasama si Ciara at Yana at kapag isasama ni Ciara ang kapatid niya ay nagagalit si Yana. Maldita daw kasi ang kapatid niya. At naniniwala siya.

Pero si Marie? Iba ang nakikita niya dito. The way how she care about the kids. Ibang iba kaysa sa mga ordinaryong babaing nakilala at nakikita niya.

"Kung okay lang sayo iwan mo na muna ako dito. Hihintayin ko pa kasi ang doktor na nasuri kay Edong. Magtatanong ako kung ano nang balita." Nawala ang daloy ng isip niya nang maulingan niya si Marie.

Umiling siya. "Like what i said. Wala naman akong gagawin today. Kaya sasamahan kita."

"P-Pero... " Nagpalinga linga ito sa paligid. May mga kapwa pasyente din ang naroroon. "B-Baka mahawa ka ng sakit dito."

Nakakatuwang isipin na mas iniisip pa nito ang ibang tao kaysa sa sarili niya. Na mas uunahin nito ang kapakanan ng iba kaysa ito. "Don't worry about me. I'm strong as a bull." Pinisil niya ang kaliwang palad nito.

"S-Salamat." mahinang tugon nito.

"Again, smile. " And a very shy smile appeared on her lips.





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon