Chapter Forty Four

26.1K 775 51
                                    

Now playing:
Kunin mo na ang lahat sa'akin---rendition of Angeline Quinto

Play the song para dama ang agawan. Hahaha!

-----------

Chapter Forty Four

"Nakikiusap ako sayo. Wag mong sasabihin sa kanya na nagkakausap tayo."

Umupo sa gilid ng convenience store si Esyang. Umalis siya sa Condo ni Onie at hindi niya alam kung saan ngayon siya pupunta. Ang sakit sakit na umasa siya na okay sila ng binata. Na okay ang lahat sa kanila.

Binitiwan niya ang bote ng mineral water at saka isinubsob ang mukha sa mga palad niya at doon umiyak ng umiyak. Hindi niya akalain na ganito ang kakahantungan niya. Paano na sila ng anak niya? Ano na ang mangyayari sa kanila? Hindi niya alam. Paano kung tuluyan nang piliin ni Onie si Dayana at ang magiging anak nito doon?

"T-Tessmarie?"

Mabilis siyang nag angat ng tingin. Bumulaga sa kanya si Dayana. Simple lang ang suot nito kumpara sa una at pangalawang beses niya itong nakita. Wala rin itong make-up o kahit ano. Mukha rin itong maputla. "A-Anong kailangan mo?"

Kinakabahan siyang tumingin sa likod nito. Akala niya ay kasama nito si Onie. "I-I came here to see you.. G-Gusto kitang makausap."

Pinunasan niya ang pisngi at saka tumayo. "T-Tungkol saan?"

Hunakbang ito papalapit sa kanya. "Tungkol kay Onie."

Tumigas ang pagkakatayo niya. Namuo ang luha samga mata niya. "H-Hindi ko siya aagawin sayo. Hindi---."

"Pero ikaw ang mahal niya. He loves you enough para talikuran kami ng anak niya." Napatitig siya dito. Hindi niya ito naiintindihan.

"I-Ikakasal na kayo. M-Mag kakaanak na kayo." Tila may malalaking bato sa lalamunan niya dahil nahihirapan siyang unawain ang lahat.

"Na tinanggihan niya. Handa siyang panagutan ang anak namin pero h-hindi ako." May tumulong luha sa mga mata nito.

Humakbang pa ito papalapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "Nakikiusap ako sayo. Layuan mo si Onie. Iwan mo siya."

Kumunot ang noo niya. Kung siya ang pipiliin ng binata, wala siyang dapat ikatakot. Mabubuo ang pamilya nila. Magkakaroon ng ama ang anak niya. "B-Bakit ko gagawin 'yon?" Tumigas ang anyo niya. Nakaramdam siya ng inis at poot dito. Paano nito nagagawang maging makasarili gayong anak lang pala nito ang gusto ni Onie?

"D-Dahil konting oras nalang ang natitira sakin. Kaya nakikiusap ako sayo tessmarie. Ipahiram mo muna siya sakin."Tuluyan na itong umiyak sa harapan niya.

"Hindi siya gamit na pwede nating pagpalit palitan." Bulong niya.

"Konting oras lang ang hinihingi ko. Gusto ko lang magkaroon ng ama ang anak ko. Nakikiusap ako sayo. N-Nakikiusap ako sayo." Nadudurog ang puso niya dahil sa mga sakit na nararamdaman niya. Pero mas durog na durog na ito dahil sa pakiusap ni Dayana. "Alam ko kapag nagkita kayo. Kapag nalaman niya kung nasaan ka. Hahanapin ka niya. Ikaw ang lalapitan niya at ikaw ang pipiliin niya. Konting oras lang tessmarie. Hindi ko siya aagawin sayo. Wala akong hihingiin na kahit na ano. Hindi ko siya kukunin sayo.. Hihiramin ko lang anh konting oras niya para sa konting oras na natitira sakin. Mas sakit ako tessmarie.. Cancer."

"I saw him..."

Maurice patted her shoulder. "Nagusap na ba kayo?"

Pinahid niya ang luha. "H-Hinahanap niya si L-Lance."

"Ang anak natin? Nasaan siya? Kilala ba niya ako?" hinila niya anh brasong hawak nito.
Hindi si Lance ang hihingiin nito s akanya. May anak na ito. May bagay na matitira dito. Pero sa kanya? Kapag kinuha nito si Lance wala ng matitira sa kanya.

Matigas siyang tumitig dito. "W-Wala na siya. P-Patay na."

Hinawakan siya ni Maurice sa balikat at itinayo. "You've done so much for me. For my family. Sapat na ang walong taon na pinatunayan mo sakin na may silbi pa ako."

"M-Maurice..."

"It's long overdue. Gawin mo na ang kailangan mong gawin." Hinaplos nito ang pisngi niya at saka siya niyakap.



To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon