Chapter Seventeen

29.3K 869 20
                                    

"You're leaving?"

Bahagya pang napakislot si Esyang nang pagbukas niya ng pinto ay si onie ang bumungad sa kanya. Lihim niyang napagmasdan ang hitsura nito. Naka-white long sleeves Polo ito na bukas ang dalawang butones habang nakarolyo hanggang siko ang mga manggas.

Itim na pants naman ang suot nito at leather shoes. Mukha itong bagong ligo at naaamoy niya ang mabangong mahimuyak nito. Pati ang hanging lumalabas sa bibig nito ay mabango din. Sa lahat yata ng lalaking nakita niya ito ang pinakagwapo sa umaga. "H-Ha? Oo."

Hawak niya ang kamay ni Pochi. "With him?" Sabay turo sa bata.

Kahit naman hindi siya nakatapos ng sekondarya ay nakakaunawa naman siya ng mga ingles na salita. "M-May pupuntahan sana kami. Pupunta kami ng ospital."

Kumunot ang noo nito. Sabay pasok ng mga palad sa bulsa ng suot nitong pants. "Why? May kamag anak ka bang nasa ospital?"

Tumango siya. Kahit hindi niya kaano ano ang mga batang ito ay para sa kanya---pamilya niya silang lahat. Mga kapatid na dapat alagaan at wag pabayaan. "S-Si Edong kasi nasa ospital. G-Gusto kong malaman kung ayos lang siya."

Tumango tango ang binata sa kanya. "Wala naman akong gagawin today. Sasamahan nalang kita."

Doon nanlaki ang mga mata niya. "H-Ha? A-Ah eh hindi na kailangan. Kasama ko naman si Pochi eh." Tanggi niya. Sobra sobra na ang tulong na ibinigay nito sa kanya. Sa kanila ni Pochi.

"I insist. At isa pa, duda ako kung papasukin sa hospital yang si Pochi. Bata pa siya. Sasamahan nalang kita para in case na magkita kayo ng jojo na 'yon. I'm there." Gustong umalpas ng puso niya sa rib cage nito at magtatalon. Sa bawat pagmamalasakit at pag aalala nito ay kakaibang saya ang nararamdaman niya.

"Gagawin mo 'yon?" Tila hindi pa rin siya kumbinsido. Sino ba naman kasi siya para pagtuunan nito ng pansin?

Ngumiti ito na halos ikalaki lalo ng mga mata niya at saka tumango. "Of course. Don't worry about Pochi. Darating si Manang Cora. Tinawagan ko siya para dito tumuloy since may ipinagagawa din naman ako sa kanya. Pwede nating iwan si Pochi sa kanya."

"B-Bakit mo ako tinutulungan?" Wala sa sariling naitanong na niya.

Nagkibit balikat ito. "Because you need my help kaya ginagawa ko ito."

Sa lahat ng taong pwedeng tumulong sa kanya ay ito pa. Ito pa na nasa panaginip lang niya.

"S-Salamat sa lahat lahat. Hindi ko alam kung paano pa ako makakabayad sayo. Sobrang laki na ng nagagawa mo para sakin." Sinserong sabi niya.

"Just smile."

"H-Ha?" Napatulala siyang muli.

"Just smile everyday. Smile when I'm around at bayad kana."

Pigil pigil ni Esyang ang ngiti sa mga labi dahil sa palagi niyang naaalala ang huling sinabi ni Onoe sa kanya kanina bago dumating si Manang Cora.

Just smile everyday. Smile when I'm around at bayad kana.

Tila nagkaroon ng libo libong paruparo sa tiyan niya. "So where is your parents? Bakit ikaw ang nagaalalaga sa mga kapatid mo?"

Bumaling siya kay Onie na nakatutok ang mga daan habang nagmamaneho. Napahawak siya sa strap ng seatbelt niya. "H-Hindi ko sila mga kapatid." Tipid na sabi niya. Bumaling agad si Onie sa kanya.

"Kung ganoon kaano ano mo sila?" Naroon ang kuryosidad sa tinig nito.

"Hindi ko sila mga kadugo pero para sakin pamilya ko sila. Sila nalang ang mayroon ako. Nang kalimutan ako ng mga magulang ko. Sila na amg naging pamilya ko. Kaya mahal na mahal ko ang mga batang 'yan. Alam mo bang noong sa kalsada pa ako natutulog, sila ang unang naging pamilya ko. Tinulungan nila ako sa kabila ng kamusmusan nilang lahat. Kung hindi nga lang talaga magkasakit si edong. Sabay sabay sana silang papasok sa eskwela ngayong darating na linggo." Kusang tumulo na pala ang mga luha niya. Mabilis niyang pinahid ang mga iyon at nang lumingon siya kay Onie ay nakatitig pala ito sa kanya.

"You may not look like a Superhero. But you are a perfect example of Wonder Woman."




To be continued...





Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon