Chapter Fifty One

28.5K 689 28
                                    

"Excuse me, i have to take this call."

Tumango si onie kay Marie ng magpaalam ito. Sumunod lang siya ng tingin. Naiwan silang mag ama sa lamesa. Pagkatapos nilang magkatagpo tagpo sa clubhouse kanina. Hindi niya parin mapaniwalaang narito na sa harapan niya anak niya. Nagtagpo na sila noon, kaya pala hindi ito mawala-wala sa isip niya. Kaya pala ganoon nalang ang pagtibok ng puso niya unang kita palang niya dito. Lukso ng dugo. Totoo nga marahil iyon.

Nakakatawa dahil hanggang ngayon ay naluluha parin siya. "You still crying 'tay." Sobrang umaapaw ang saya sa dibdib niya lalo na ng tawagin siya nitong tatay.

"Don't mind me Son, I'm just happy that you're f'nally here." Ngumiti siya. Kaya pala pamilyar ito sa kanya. Lance was Marie male version. Noong una ay umaasa siya na kamukha niya ang anak niya. Pero ngayon, mas nangibabaw ang saya. Ang sarap isipin na kamukha ng babaing pinakamamahal mo ang anak niyo.

"Tay, do you still love mama?" Halos magkanda samid samid siya sa tanong ng anak niya sa kanya.

"Paano mo n-nasabi 'yan?" Bata pa si Lance pero ang dami na nitong alam sa mundo. Hindi marahil nagkamali ng pagpapalaki si Marie sa anak nila.

Lance chuckled. "Because, ganoon tumingin si papa kay mama. The way how you stared at her. Ganoon na ganoon po si papa."

Natahimik siya. Nahuli na talaga siya. Huling huli na. "M-Mabait ba ang papa mo?" Tila nagkaroon ng bara sa lalamunan niya ng itanong niya iyon.

Sumubo muna ng spaghetti si Lance bago sumagot. "Opo. He is the best papa in the world. Palagi niya po akong sinasamahan kapag maglalaro. Tapos every Sunday po sumisimba kami. Si papa din po ang sumasama sakin sa bookstore kapag may kailangan akong bilhin. At love na love niya po si mama."

Hindi niya alam kung selos o pagkainggit ba ang nadarama niya o ano. Dahil sa mga maling panahon, ang laki ng naging pagkukulang niya kay Lance. "Babawi si tatay sayo pangako ko 'yan."

Nakakaunawang tumitig si lance sa kanya. "Hindi niyo naman po kailangang bumawi 'tay. Masaya na po ako na nandito kayo. Palagi po kasing sinasabi ni papa na wag hihingi ng kahit na anong kapalit."

Tumulo ang luha sa mga mata niya. Maswerte ang asawa ni Marie dahil naranasan nitong maging ama sa anak niya. Naranasan nito ang mga bagay na dapat siya ang gumagawa. Mga bagay na siya dapat ang nagbibigay.

Sinulit nalang niya sa pakikipagkwentuhan kay Lance ang oras na mayroon sila. Sinubukan niyang kilalanin ito. Hindi man husto at least, masasabi niya sa sarili niya na may bagay siyang alam tungkol dito.

Muling umupo si Marie sa tabi ni lance na nasa harapan niya. "Ma is that papa?" Napatingin muli siya kay Lance. "Is he coming home for my birthday?"

Sumabat siya. "When is your birthday Son?" Ngumiti siya. Nakikia niya kasi ang lungkot sa mga mata nito. Alam niya, hindi niya mapapalitan ang halos walong taon na kasama nito ang kinikilala nitong papa kaysa sa tatlong oras na kasama niya ito ngayon.

"On the 15th of July tatay." Tumahimik na ito.

Humarap si Marie sa kanya. "Pasensya kana. Humiling kasi siya kay Maurice na magsecelebrate kami sa birthday niya. But Maurice has to attend some businesses in San Francisco kaya hindi siya makakarating. Sadly, this is Lance first birthday na hindi makakarating ang papa niya."

Naiintindihan niya kung bakit nalulungkot ang bata. Nakayuko lang si Lance sa pagkain nito. Nadarama niya ang lungkot para dito. Mula sa bag ni Marie ay may iniabot ito sa kanya. A blue squared card. Binuklat niya iyon. "My husband and i are has planned for Lance birthday. May Beach house party kami, mas magiging masaya si lance kung nandun ka. So please, join." ang mga ngiti at titig nito ay kagaya pa rin noong una. Noong mga panahon na palaging hiling niya ay nakangiti ito palagi.

"Sure.." Masayang sabi niya. Siguro namana 'yon ni Lance sa kanya. He loves beach too.

"Wag monh sasabihin yan sa kanya. It's our top secret. Surprise para sa kanya." He suddenly got enchanted by her smile. Mga ngiting umabot sa mga mata. Kung sana pwede niyang hawakan ang mga kamay nito. Kung sana pwede niyang yakapin ito. Kung sana pwede niyanh ibulong dito na mahal niya ito. Nagawa na niya. Nagawa na sana niya. Pero hanggang sana nalang siya.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon