Chapter Forty Nine

27.2K 739 31
                                    

"Can i come in?"

Nakasungaw lang ang ulo niya sa pintuan ng silid ni Lance. Mabilis na bumaba sa kama si Lance at nilapitan ang pinto. "Sure 'Ma. Come in."

Hinawakan siya nito sa kamay at inakay siya sa kama nito. Nagkalat sa kama ang iba't ibang coloring materials nito. "Are you busy?"

Umiling ito. "No 'ma. Why? Do you want us to talk?" Gabi na kasi ng dumating siya. And she promised him na sasamahan niya ito bumili ng mga art materials na kakailangan nito sa sasalihan nitong art contest. And she broke it.

"Oo sana. Kaya lang mukhang may ginagawa ka pa." Nag usap na sila kanina over the dinner. And she said sorry already. Mabait si Lance, naunawaan nito ang dahilan niya. Ang hindi niya maintindihan ay ang sarili niya. She can easily affected sa mga nangyayari sa paligid niya. Especially, sa nangyari kanina sa pagitan nila ni Onie. She's still remember his tears. His bitter smile and his words.

"Ma.. I already forgive you. At saka ayos lang naman sakin kung hindi niyo ako nasamahan. Sinamahan naman ako ni Lola." Naluha siya. Sa kabila ng mga paglilihim niya dito. Lumaki pa rin itong mabait at maunawain.

She cleared her throat. "May gusto sanang sabihin si Mama sayo."

His innocent eyes stared at her. "What is it 'ma? Are we moving in to San Francisco that's why papa can't be home in my birthday?"

Nagulat siya. "How did you know?" She was questioning about Maurice. He can't be home next week, may inaasikaso pa daw ito. Kasama sana yun sa sasabihin niya sa bata. Pero mukhang alam na nito.

"Narinig ko kayo ni papa sa video chat. He were saying sorry dahil di siya makakabalik agad. Bakit di nalang po tayo sumunod sa kanya doon?" Nabakasan niya ng lungkot ang tinig nito. Sobrang attached talaga si Lance kay Maurice.

"Actually anak, hindi tungkol doon ang sasabihin ko sayo." She was heavily breathing. Nalilito siya kung tama ba ito o hindi. "D-Diba tinanong mo ako dati kung nasaan na ang t-tatay mo?"

Tumango si Lance. "Yes, and you said that he is busy and soon we will have our time together." Nasaktan siya sa sakit na nakikita niya sa mga mata nito. Lance was five years old nang ipaunawa nila dito ang totoo. That's why Maurice did everything para kay Lance. Dahil pareho silang natatakot na baka kapag nalaman ni Lance na nasa malapit lang ang tatay niya ay iwan sila nito.

"H-He actually... Want to s-see you---."

Namilog ang mga mata nito. "Really 'ma?" He asked. "Gusto na po akong makita ni tatay? Is he not busy anymore?"

Nakangiting tumango siya. Mabilis itong yumakap sa kanya. "Thank you 'ma! That's the best gift you've ever given to me." Lance was so excited and happy. Nakikita niya iyon. "I have to call papa. Gusto ko pong sabihin sa kanya na magkikita na kami ni tatay."

Inawat niya ito. "A-Anak.. Pwedeng secret muna natin ito sa papa mo? G-Gusto ko sanang ako ang magsasabi sa kanya."

Nakangiting tumango ito. "Alright 'Ma."

Yugyog sa balikat ang nagpagising kay tessmarie. "Lance.. Go back to your room. I'm still sleepy." She's sleepily said.

"Mama wake up! Wake up mama!" Patuloy pa rin siyang niyuyugyog ni lance.

Napabuga siya ng hangin. She filed a two weeks vacation leave kaya gusto sana niyang sulitin iyon. Isa pa, they're preparing something for Lance's 8th birthday. "Anak.. Maaga pa.. So back to sleep." Nakapikit na mga matang sabi niya.

"Mama, sabi mo absent ako today sa school. Sabi mo you will introduce me to tatay
C'mon mama.. Wake up!" Doon siya nagmulat ng mga mata. Saka lang niya naalala ang napagusapan nilang mag ina kagabi. Nilingon niya ang orasan sa tabi ng kama. Pasado alas nuwebe na. Alas-diyes ang usapan nila ni Onie. Napabalikwas siya ng bangon.

"Let's go mama!"

She just rolled her eyes. He's not excited. Isn't he?





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon