001

718 22 6
                                    

"Huy, nakatulala ka nanaman dyan. Ilang minuto nalang mag-uumpisa na yung live broadcast, kinakabahan ka ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jisoo.

Mag-iisang taon narin kaming nagdebut at naghahanda na kami para sa comeback stage namin, pero heto ako natutulala nalang bigla.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ba naalala ko nanaman siya---yung lalaking nang-iwan sa akin sa han river, nakipagbreak sa akin nang walang dahilan.

"Ay nga pala! Mamaya narin yung first episode ng produce 101! Nood tayo ha!" Ngiting ngiti pang sabi ni Rosé habang hawak hawak niya yung portable fan niya.

Halatang halata sa mga mukha nina Rosé at Lisa ang excitement para sa comeback namin. Ilang buwan din naman kasi kami nagprepare para sa araw na ito at para makita narin namin ulit ang Blinks--ang mga fans namin.

Hindi naman talaga ako kinakabahan usually, pero hindi ko alam kung bakit ganito nalang yung kaba ko ngayon. Lalo na nung may isang lalaking pink ang buhok ang dumaan sa harap namin, at kasama pa si Samuel--yung nagpapicture sa amin sa isang award show noon.

"Samuel! Goodluck! Ikaw ang fixed pick ko!" Nakangiting sabi ni Lisa, nagbow naman yung ibang trainees sa amin pero nanatili ang mata ko sa kanya.

Naalis lang ang titig ko sa kanya nang tawagin na kami dahil kami na ang susunod na magpeperform. Inalis ko ang lahat ng iniisip ko sa utak ko para makapagconcentrate sa performance namin.

"Yung titig sayo nung pink haired kanina para bang kilalang kilala ka niya." Bulong sa akin ni Jisoo, hindi ko siya pinansin ang finocus ko nalang ang sarili ko sa pagtatanggal ng make up.

"Mga unnies! Bilisan niyo mag-uumpisa na!" Sigaw ni Lisa galing sa sala. Napairap nalang ako sa ere nang marinig kong nagtakbuhan na sina Rosé at Jisoo papunta doon.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa sala habang nagtutuyo ng buhok. Panay ang sigawan nila pero tahimik lang ako...hanggang sa natulala nalang ako nang makita ko nanaman yung lalaking pink ang buhok kasama ang mga kapwa trainees niya mula sa MMO.

Wala paring pagbabago, ang fluffy parin niyang tignan kahit medyo nagmature na ang itsura niya.

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ko noong narinig ko ulit yung cute niyang satoori (dialect). Ilang taon na nga ulit simula noong nakita ko siya?

Ah! Five years ago..

Oo tama, pero hindi ko naman alam na mag-aartista rin pala siya. At hindi rin naman niya alam na may plano rin akong mag-artista noon.

Pikit mata akong nagdadasal habang nanonood ng produce. Pinapanalangin ko na sana makakuha man lang siya ng A na grade or B. Deserve naman niya iyin dahil magaling siyang mag-sayaw.

At nung nakakuha nga siya ng B na grade, gustong gusto kong tumalon, sumigaw at magpapapalakpak pero pinigilan ko dahil baka magtaka ang mga members ko. Ayokong malaman nila na may past kami--dahil alam kong may chance na ikasira namin parehas iyon.

Lalo na ngayon na nasa isang survival show siya. Alam kong kailangan niyang kuhanin ang loob at puso ng national producers.

"Ang galing nung Kang Daniel!" Nakangising sabi ni Lisa habang nagbobrowse siya ng internet, siguro sinesearch ka na niya ngayon o kaya naman ay magvovote na siya.

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now