040

187 7 0
                                    

Malungkot na napangiti si Jennie habang pinapanood nila ni Lisa ang huling episode ng produce, pareho din silang naiyak nang hindi masama sa top 11 si Jonghyun.

Alam niyang dapat ay masaya siya, pero dahil kasama na sa top 11 si Daniel, alam niyang mas lalong lalabo ang chance na magkabalikan sila.

Lalo na't nasa kanila ang atensyon ngayon.

"Unnie, nag-usap na ba kayo ulit?" Tanong ni Lisa kay Jennie pero napayuko lang ang huli. "Bakit hindi mo kausapin?"

"Hindi madali Lisa, kasi nung huling nag-usap kami bumalik lang lahat ng feelings ko sa kanya. Baka pagnag-usap kami ngayon baka lalo lang hindi maayos ang kung anong meron sa amin." Sa totoo lang, awang awa na si Lisa sa unnie niya, kahit alam niyang mahal parin nito si Daniel ay hindi sila pwede dahil sa dating ban at dahil isa naring ganap na idol si Daniel after niyang maging part ng wanna one.

"Pero unnie, bakit hindi mo itry? Malay mo mahal ka parin talaga niya." Natulala lang si Jennie sa phone niya. "Sige unnie, maiwan muna kita ha." Tinapik ni Lisa ang balikat ni Jennie at saka ito pumunta ng kwarto niya.

Naiwang mag-isa sa living room si Jennie habang nakatitig parin ito sa phone niya.

"Pero paano kung hindi siya magreply?"

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now