022

203 8 0
                                    

"What the hell?" Bulong ni Jennie nang mabasa niya ang isang article na tungkol kay Daniel and his alleged foul play.

Hindi siya makapaniwala na nang dahil lamang sa apat na pusang emoji na nilagay ni Daniel sa IG account nito ay napagbintangan pa ito ng foul play.

Alam niya kasi kung gaano kahilig sa pusa ang binata kaya nagulat siya ng bongga nang dahil sa apat na pusang emoji na yun.

Gustuhin man niya na i-message agad si Daniel para kumustahin ito ay hindi niya magawa dahil nasa kalagitnaan siya ng photoshoot.

"Unnie okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Lisa sa dalaga nang mapansin niyang balisang balisa ito habang nakatingin sa phone.

Agad naman tinago ni Jennie ang phone niya at hinarap ang takang takang si Lisa. "Ah oo.. okay lang ako." Nginitian pa niya ito kaya napakibit balikat nalang ang nakababata.

Pero hindi parin maalis kay Jennie ang matinding pag-aalala dahil habang tumatagal ay mas maraming nambabash kay Daniel at maraming nagsasabi na sana ay umalis nalang ito ng Produce.

Gustuhin man niyang ipagtanggol ang binata sa mga bashers nito ay hindi rin niya magawa dahil may sarili rin siyang image na iniingatan.

Untitled | W1 • KDNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon