038

194 7 0
                                    

Jennie's POV

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko yun nasabi kay Daniel kahit na alam ko naman sa sarili ko na mahal ko parin siya, siguro dahil natatakot lang talaga ako masaktan kaya ganun.

"Unnie." Tawag sa akin ni Lisa pero hindi ko siya pinansin, alam kong dapat hindi ko siya dinadamay pero nainis lang talaga ako. We both know how strict YG is pagdating sa dating and stuff, natanggal nga si Miyeon sa line up nang dahil don eh.

At syempre I can't afford to see Daniel being hate again lalo na ngayon na nagnumber 1 na siya sa ranking at mas lumaki pa ang fanbase niya.

"Sino nga pala yung pumunta dito kanina?" Nagtatakang tanong ni Rosé kaya nagkatinginan kami ni Lisa. Hindi ko alam kung may hidden camera ba dito sa dorm namin o kaya sa labas or sadyang may nakakita lang sa pagpasok nina Daniel dito.

"Sajangnim called manager kanina habang nasa shooting kami, may bumisita daw sa dorm sabi nung guard. Pinatignan ni Sajangnim yung cctv and they saw two guys with Lisa."

Shit shit shit. Sabi na nga ba!

"Okay fine, ako nga ang nagpapasok sa kanila, pero they're just my friends." Pagtatanggol ni Lisa kaya napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako.

"Lisa naman, alam mong hindi maganda sa image natin kapag may nakaalam na may nakakapasok na mga guys sa dorm natin." Naiinis na sabi ni Jisoo, naiintindihan ko naman siya dahil bilang pinakamatanda sa aming apat parang naging responsibility narin niyang alagaan kami at i-make sure na hindi kami mapapahamak.

"Sorry mga unnies, hindi na mauulit."

"Talagang hindi na dahil pinadagdagan ni sajangnim ang guards sa baba, pati magkakaroon na raw tayo ng tig-i-tig-isang managers." Napasimangot nalang kami ni Lisa dahil sa inanunsyo ni Jisoo. Pero ano pa nga bang magagawa namin diba, si sajangnim na mismo ang nag-utos.

Pagkatapos namin kumain, dumeretso agad ako sa kwarto ko at nahiga.

Bigla ko nanaman siyang naisip, what if hindi kami nagbreak?

What if sabay naming inabot ang pangarap namin ng magkasama?

What if hindi kami nagkasakitan?

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pintuan ko. Pagbukas ko nakita kong si Lisa lang pala iyon kaya pinapasok ko siya sa kwarto.

"Unnie sorry talaga." Malungkot niyang sabi. Ginulo ko yung buhok niya at natawa ng mahina.

"Kasalanan ko rin naman na hindi naikwento yung past." Malungkot kong sabi kaya niyakap ako ni Lisa. "Sa tingin mo ba deserve parin ako ni Daniel after ng lahat nang nasabi ko sakanya?"

Hinampas niya yung likod ko kaya humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ya Lalisa!"

"Alam mo unnie, hindi ko alam yung past niyo pero alam kong deserve niyo naman ang isa't isa eh." Nakangiti niyang sabi. "Hayaan mo munang magpaliwanag siya ha? Sige na unnie, lalabas na ako. Magpahinga ka narin baka bumalik pa yung lovenat mo." Natatawa niyang sabi at lumabas na ng kwarto ko.

Deserve parin kaya niya ako?

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now