054

178 6 0
                                    

"Oppa you're are so handsome." Nakangiting sabi ng fan kay Daniel habang hawak hawak nito ang kamay niya.

Hindi na niya mabilang kung ilang fanmeetings na ba ang nagagawa nila sa loob ng isang taon nila bilang wanna one, pero hindi niya maipagkakaila na ito ang pinakamasarap na feeling sa lahat. Alam niyang isa talaga ito sa pinakahindi niya makakalimutan at gusto sana niya ay hindi na matapos ang panahong iyon.

Kahit pa ang kapalit nito ay ang pinakamamahal niya.

Nasabi sa kanya lahat ni Hyunbin ang nangyari noon, sinubukan niyang kausapin si Jennie pero hindi na niya ito macontact, wala narin itong SNS accounts bukod sa SNS ng blackpink. Nagpalit din ito ng number kaya wala na talaga silang contact sa isa't isa.

Hindi niya magawang magalit kay Jennie dahil alam niyang ginawa lang ito ng dalaga dahil gusto nitong protektahan siya. Naiintindihan niya kung bakit nagawa iyon ni Jennie, ngunit syempre may mga panahon parin na iniisip niya na sana pinaalam nalang iyon ni Jennie sa kanya para sabay nilang haharapin kung sino man ang namblackmail na iyon.

Tanggap naman na niya, tanggap na niya kung hindi man na si Jennie ang makakatuluyan niya balang araw. Pero mas gusto niya kung ito parin ang babaeng ihaharap niya sa altar.

Aaminin niyang mahal parin niya si Jennie at alam niyang lahat ng timing nila ay mali. Kaya ang tanging paraan na naiisip niya ay ang hintayin ang tamang oras para sa kanilang dalawa.

Yung walang huhusga, walang eepal, walang hahadlang sa pagmamahalan nilang dalawa.

Balang araw, alam niyang magtatagpo ulit ang landas nila. Hindi bilang sina Jennie ng Blackpink at Kang Daniel ng Wanna one. Kundi bilang isang ordinayong mamamayan na sina Jennie at Daniel.

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now