014

207 12 0
                                    

"Kwon Hyunbin!!!!!!!!" Sabay sabay na napatingin sina Ong sa apat na babaeng tumatakbo papalapit kay Hyunbin na mangiyak ngiyak parin dahil siya ang nakakuha ng 1st place sa team nila.

"Noona!" Nakangiti rin bungad ni Hyunbin kina Jisoo. Habang si Daniel naman ay hindi mapakali dahil nasa harap niya ngayon yung babaeng pinakamamahal niya.

"Ehem. Hyunbin. Ehem." Napalingon sila kay Yongbin na nakaabang din sa gilid nila.

"Super fan niyo po ako!" Sigaw ni Yongbin at nilabas niya pa yung notebook niya at iniabot niya iyon sa members ng blackpink.

Nagkatinginan nalang sina Hyunbin at hindi makapaniwala sa kinilos ni Yongbin.

"Ah, noonas diba sabi ko sa inyo wag na kayo pumunta dito? Alis na kayo." Nakangising sabi ni Hyunbin pero inirapan lang siya ni Lisa.

"Hindi kami pumunta dito para sa'yo. Ang totoo niyang pinanood talaga namin sina Jonghyun oppa." Naningkit ang mata ni Daniel nang makita niyang nginitian ni Jennie si Minhyun na tahimik lang na nanonood sa kanila.

"Oppa deul, super fan niyo po kaming apat!" Nakangiting sabi ni Rosé, hindi naman maiwasan ni Hyunbin na napakamot nalang sa batok niya dahil sa kinikilos ng mga sunbaenim niya sa YG.

"Noona, hinahanap na kayo ng manager niyo!" Pag-epal ni Hyunbin at tinuro pa niya yung paparating na manager ng blackpink.

Wala tuloy nagawa yung apat kundi ang magpaalam nalang sa kanila.

"Fighting!!" Huling sigaw ng blackpink bago sila tuluyang makaalis ng venue.

"Sumakit ulo ko sakanila." Napapailing na sabi ni Hyunbin habang hinihilot hilot niya ang sentido niya. "Pasensya na kayo sa kanila, ganon talaga sila kahit nung mga trainees palang sila."

"Kailan mo pa sila nakilala Hyunbin?" Curious na tanong ni Ong bago niya tinignan ng makahulugan si Daniel.

"Simula palang nung unang pasok namin sa YG." Nakangiting sabi ni Hyunbin. "Kaya super close narin namin."

Inirapan nalang ni Daniel si Ong at bigla nalang nagwalk out kaya nagtaka sina Jonghyun dahil sa mga kinikilos ng kaibigan nila.

"May tinatago yun no?" Taas kilay na tanong ni Minhyun kay Ong pero nagkibit balikat lang siya.

Untitled | W1 • KDNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon