052

177 7 0
                                    

"Saan ka pupunta Jennie?" Tanong ni Jisoo kay Jennie na papalabas ng dorm nila. Nakahoodie ito at parang kagagaling lang sa pag-iyak.

Alam na niyang may hindi magandang mangyari kaya bago pa man nakasagot si Jennie ay agad na niya itong niyakap. "Gusto mo samahan kita?" Marahan niyang tanong sa kaibigan.

Pumunta sila sa isang cellphone shop, nagulat si Jisoo nang malaman niyang magpapalit ito ng cellphone at nunber. Kapapalit lang din kasi nito ng number bago sila magdebut at wala pang isang taon ay magpapalit nanaman ito.

"Bakit ka magpapalit?"

"May nagtetext and tumatawag sa akin na hindi ko kakilala." Maikling sagot nito pero natunugan na agad niya na baka may hindi nanaman magandang nangyari.

Naglalakad na sila pauwi nang pareho silang napahinto sa paglalakad nang may makita silang pamilyar na lalaking papalapit sa kanila. At dahil may pagkaninja tong si Jennie, ay nakaiwas agad sila ni Jisoo. Doon palang ay nakasigurado na agad si Jisoo na baka may nangyari nanaman sa kanila ni Daniel.

Oo alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa. First day nila pareho ni Jennie noon sa YG nang magpaalam ito na pupunta lang ng han river, pero dahil dala ng curiousity, sinundan niya ito at nakita nito na may kasamang lalaki si Jennie at umiiyak ito. "Jennie, alam mo naman na pwede mong ishare sa akin kung may problema ka ba." Pagkasabi palang niya noon ay naiyak na agad si Jennie sa balikat niya.

Hindi ito ang unang beses na umiyak si Jennie sa kanya, pero nakakasigurado siyang sobrang nasaktan si Jennie.

"Nakipagbreak ulit ako kay Daniel dahil lang sa nambablackmail sa akin. Ayokong masira ang career niya nang dahil sa akin." Wala na siyang ibang nagawa kundi icomfort ang kaibigan.

"Everything will be alright, okay? Everything will be fine so stop crying." Nginitian niya ito ngunit lalo lamang naiyak si Jennie.

"Oh Daniel, bakit hindi ka mapakali dyan?" Tanong ni Jaehwan kay Daniel na panay ang tingin sa cellphone niya.

"Hindi ako nirereplyan ni Jennie, nakablock ako sa fb niya at cannot be reached yung phone niya. Kahit sina Lisa ay hindi ko rin macontact." Nag-aalalang sabi ng binata.

Halos mabitawan niya ang phone niya nang mabasa niya ang huling message ni Jennie bago siya iblock nito.

"Oh, anong nangyari dyan kay Niel?" Gulat na tanong ni Jisung. Nagulat sila nang bigla na lamang binato ni Daniel ang phone nito at isinubasob ang mukha sa mga unan sa sofa nila.

Untitled | W1 • KDNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon