018

199 8 0
                                    

Agad tinago ni Daniel yung picture ni Jennie sa ilalim ng kama niya. Inis na inis siya kay Ong dahil feeling niya ay nakalimutan nitong sa kama niya nakatutok yung camera.

"Hyung naman eh!" Inis na inis na sabi nito pero pinagtawanan lang siya ni Ong.

"Fan ka pala ni Jennie ha." Pang-aasar naman ni Woojin sa kanya. Inirapan lang niya ito kaya naman sabay natawa sina Ong at Woojin.

Dahil wala na silang ginagawa masyado dahil natapos agad nila yung choreography ng get ugly performance nila, naisipan niyang magbrowse muna ng internet pampalipas oras.

Pero hindi niya namalayan na sa IG account na pala siya ng Blackpink napunta. Gustuhin man niyang maglike ng mga post ay hindi pwede dahil may ban sila sa paggamit ng SNS, pero dahil pasaway siya, hindi siya nagpapatinag.

Nanlaki ang mata niya nang bigla nalang niya mapindot yung like button sa kadahilanang tinulak ni Ong si Woojin at si Woojin naman ay natulak siya.

"Anak ng tinola naman!" Inis na inis na saad ni Daniel habang tatawa tawa lang yung dalawang sanhi ng galit ni Daniel.

"Balikan mo na kasi." Bulong ni Ong sa kanya kaya sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Shut up."

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now