013

216 12 0
                                    

"Sigurado ba kayong walang makakapansin sa atin dito?" Nag-aalala kong tanong. Nakapila na kasi kami para makapasok kami ng venue ng group evaluation.

"Sus! Unnie naman, pwede naman natin sabihin na susupportahan lang natin yung mga YG kplus trainees!" Nakangising sabi ni Lisa. Nangunguna sila ni Jisoo sa paglalakad habang nasa likod naman kami ni Rosé.

Pare-parehas kaming nakadisguise para wala masyadong makakilala sa amin. Kaso mukhang fail din dahil nakilala kami nung isang staff ng produce.

Nakalimutan kong half pala sa kanila sa YG na nakasign ngayon.

"Blackpink is here!" Pag-aannounce nung isang staff kaya naglingunan sa side namin yung iilang staff na nag-aayos sa labas. Buti nalang nakapasok na yung mga fans kaya hindi rin nila kami nakita.

May iilan ding trainees ang napasilip sa amin, yung iba nga parang gulat na gulat pa at nagtatatakbo.

"Sabi niyo walang makakakilala sa atin." Bulong ko kina Lisa. Napakamot nalang sila sa ulo nila at sinundan yung staff na nagguide sa amin papasok ng venue.


Kang Daniel

"Nasa labas yung blackpink guys!" Tuwang tuwang sigaw ni Yongbin nang makapasok siya ng waiting room.

"Ang gaganda nila." Hindi makapaniwalang sabi ni Gunhee habang nakatingin dun sa monitor. Napatingin din tuloy ako doon at narealize ko na nakatutok sa kanila ang mga camera ngayon at nagkakagulo rin yung ibang fans dahil sa biglang pagdating nila.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Ong sa likod ko at nginitian ako. "Pupuntahan mo ba?" Agad akong umiling sa kanya.

"Baka may makakita." Bulong ko at tinuon nalang ulit yung tingin sa monitor.

Punong puno ng bulungan yung waiting room namin habang tinitignan nila sa monitor ang blackpink, pinag-uusapan pa nga nila kung gaano kaganda yung mga members.

"Selos na siya." Pang-aasar ni Ong sa akin.

Hindi narin naman nagtagal ang pang-aasar niya dahil nag-umpisa narin yung recording.

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now