036

192 8 0
                                    

"Are you sure na pupunta ka sa dorm ng blackpink?" Nag-aalangan na tanong ni Seongwoo kay Daniel.

Tumango lamang ang kaibigan niya kaya napapailing nalang siya. Naitanong din niya sa sarili niya kung bakit nga ba sinamahan niya si Daniel.

Una nilang pinuntahan yung mga ads na nakita nila sa twitter (yep, they're stalking their fans on twitter). Pero hindi nila makita agad yung mga ads kaya nagtanong tanong sila doon, but it turns out na hindi rin alam nung fan nila kung nasaan yung ads kaya nagtatakbo sila.

Buti nalang may isang fan na nakapagturo sa kanila kung nasaan yung ad kaya nagmamadali silang magpicture doon.

"Annyeong haseyo! Tupyohae juseyo!" Sigaw nilang dalawa at nagtatakbo palayo sa mga fans nila.

"Bakit ba tayo tumatakbo?" Nagtatakang tanong ni Seongwoo, pero natawa lang din si Daniel kasi hindi niya alam kung bakit nga ba sila tumatakbo.

"Sasama ka ba hyung?" Tumango nalang si Ong at sinundan si Daniel. Nagsuot sila parehas ng mask at hat para walang makapansin sa kanila.

Nagulat sila parehas nang makita nila si Lisa sa lobby, maski si Lisa ay nagulat din dahil sa biglang pagdating nung dalawa though inaasahan naman talaga niya ang pagdating nila.

"Tulog parin si unnie." Nahihiyang sabi ni Lisa. "Fan niyo nga pala ako."

"Whoa, ako rin, fan nyo rin ako. Whipadam padam padam~" napaface palm nalang si Daniel dahil sa kahihiyan na ginawa ni Seongwoo sa harap ni Lisa.

"Pasok muna kayo, bibili lang ako ng gamot. Don't worry nasa schedule sina Jisoo unnie at Rosé kaya wala rin yung manager namin." Sabi ni Lisa at iniwan niya yung dalawa sa living room nila.

Tahimik lang pareho sina Daniel at Seongwoo habang pinagmamasdan ang kabuuan ng dorm ng blackpink.

"Ganito ba talaga paggaling sa YG? Imagine Hyunbin." Natawa nalang si Daniel sa inaasal ng kaibigan niya. Natahimik sila pareho nang bumukas ang pinto ng isang kwarto at lumabas ang isang babaeng nakapanjama at malaking sweat shirt, nakabun din ang buhok nito at kahit nakatalikod ay alam na agad ni Daniel na iyon si Jennie.

"Si Jennie yan diba?" Bulong ni Seongwoo sa kanya kaya napatango nalang siya.

Gusto niyang matawa dahil hanggang ngayon ay hindi parin sila nito nakikita.

Pabalik na sana ulit ng kwarto si Jennie nang may mapansin siyang dalawang pigura ng lalaki na nakaupo sa couch nila.

Nanlaki ang mata niya nang marealize niyang si Daniel iyon..

Narinig niya ang malakas na tawa nang dalawa kaya napatalikod siya bigla at tinakpan ang mukha niya. Super bare face kasi siya ngayon at halos kagigising lang niya.

"Ya!!!! Anong ginagawa niyo dito?!!!" Sigaw niya habang nakatakip parin ang mga kamay niya sa mukha niya.

Nanlaki ang mata niya nang lumapit sa kanya si Daniel. Agad naman siya napalayo rito. "What the hell? Anong ginagawa niyo dito paano kayo nakapasok?"

Napalingon sila pareho sa kapapasok lang na si Lisa. "Ya! Lalisa! Ikaw ba nagpapasok sa kanila?!!" Nakangisi nalang si Lisa dahil sa reaksyon ng unnie niya. Kadalasan kasi wala naman iyong pakielam kapag pumupunta sa dorm nila si Sorn o kaya sina Jihyo.

"Hehe." Nagpeace sign lang si Lisa at nagtatatakbo papunta sa kwarto niya.

Napahawak nalang si Jennie sa sentido niya dahil sa mga nangyayari. "Ya, wala bang nakakita sa inyo? How can you be so careless?"

"Shh, okay lang Jen. Bumisita lang kami sayo dahil nalaman ko kay Lisa na may sakit ka." Pinakita pa ni Daniel ang chat nila ni Lisa at nanlaki ang mata ni Jennie nang makita niyang ginamit pala ni Lisa ang phone niya.

"Okay na ako. Hindi ba kayo hinahanap? Hindi kayo pwede magtagal dito, sige na alis na." Natatawa nalang si Daniel dahil sa pinapakitang reaksyon ni Jennie.

Gusto man niya yakapin si Jennie ngayon ay hindi niya magawa dahil natatakot siya sa magiging reaksyon ni Jennie.

"Fine fine. Magpagaling ka." Nginitian nalang niya si Jennie at saka naglakad paalis.

Pagkasarang pagkasara ni Jennie ng pinto ay agad niyang sinugod ang kwarto ni Lisa.

"LALISA!!!!!!!!! WHAT HAVE YOU DONE?!!!!"

"MIANHAE UNNIE!!!"

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now