044

180 8 0
                                    

With my usual disguise again (black mask and cap) nakapasok ulit ako dun sa store nang walang kahirap hirap.

Agad kong nilibot ang mata ko sa buong shop hanggang sa nakita ko siyang nakaupo doon sa isang gilid habang nakayuko at hawak ang phone niya.

010-xxx-xxxx
Asan ka na? -Daniel.

Napangiti ako nang mabasa ko ang text niya. Agad ko siyang nilapitan at kinalabit. Natawa pa ako nang nagulat pa siya dahil sa pagkalabit ko sa kanya.

"Jen.." nakangiti niyang sabi at ako naman ang nagulat nang niyakap niya ako.

"Baka may makakita sa atin." Bulong ko sa kanya pero nanatili parin siyang nakayakap sa akin.

Oo na, aamin na ako, namiss ko ang yakap niya. Namiss ko yung pabango niya---na hindi parin pala niya pinapalitan kahit limang taon na ang nakakaraan.

"Jen, thankyou for coming." Nginitian ko nalang siya at inaya ko siyang maghanap ng makakain namin. Atsaka hindi rin naman ako pwedeng magtagal dito dahil baka may maghinala.

"Yun parin ba ang gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya nang mapansin kong wala parin siyang pinipiling pagkain dahil nakatitig lang siya sa akin.

Hindi niya ako sinagot kaya kumuha nalang ako ng dalawang kimbab at dalawang can ng soda. Wala parin siyang imik habang pinapanood niya akong magbayad sa cashier.

"Hindi ako magpapaliguy-ligoy pa." Sabi ko nang ibinaba ko sa harap niya yung mga pagkain namin. "Gusto kong malaman ang totoo, Daniel."

Matagal kaming nagkatitigan bago siya niya kinuha yung coke at ininom iyon. "Una sa lahat, sorry."

"Sorry dahil bigla nalang kitang iniwan noon, natakot kasi ako noon na baka mawalan na ako ng oras sa iyo pagkanaging trainee na ako. Sabi ko pa sa sarili ko na baka doon din naman tutungo ang relationship natin kaya inunahan ko na." Gustong gusto kong magalit sa kanya kaso pagod narin ako.

Limang taon na puro galit lang ang naramdaman ko simula nung iniwan niya ako. "Ayokong masaktan kita dahil lang nawawalan ako ng oras sa iyo, kaso mas nasaktan kita nung iniwan kita."

"Alam mo bang dapat nung araw na iyon ko sasabihin sayo na natanggap akong bilang trainee sa YG? Natanggap ako sa pinapangarap kong kumpanya." Malungkot akong napangiti. "Hindi ko matanggap noon na ganun ang kinahinatnan ng relasyon natin dati. Ikaw ang first boyfriend ko eh, ikaw rin ang first heartbreak ko."

"Sorry Jennie. Babawi ako, promise babawi ako. At ngayon hindi ko na hahayaan pang mawala ka sa akin. I love you so much Jennie Kim, at handa akong iwan ang lahat para sayo."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at agad akong napailing. "No Daniel, hindi mo iiwan ang lahat dahil lang mahal mo ako. Alam kong matagal mo na tong hinihintay kaya hindi ko hahayaan na basta basta mo lang bibitawan ang pangarap mo. Mahal din kita Kang Daniel, at hindi ko hahayaan na mawala ang pangarap mo nang dahil sa akin."

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now