025

187 7 0
                                    

"Bro, wag kang magpaapekto sa haters mo okay?" Nag-aalalang sabi ni Ong sa kaibigan lalo na nung makita nito na sobrang down na down na habang pinapagalitan ng mga PD at ng manager from MMO.

"Kasalanan ko naman talaga, I shouldn't update my profile pero anong ginawa ko?" Nagtakip ng mukha ni Daniel dahil nahihiya rin siyang harapin ang mga kapwa trainees niya na inaalo alo din siya ngayon.

"Hyung.." nilingon ni Daniel si Woojin na tumabi sa kanya at humawak sa mga kamay niya.

"Hindi kami sanay na ganito ka. Cheer up baby~" binatukan lang nina Minhyun si Ong dahil sa kalokohan nito. "Pero seryoso pre, kanina pa nagmemessage si Jennie." Bulong nito sa kanya.

Halos maiyak siya nang makita niya ang messages nito sa kanya.

Pero wala siyang lakas ng loob na magreply dito. Kahit kay Jennie kasi ay nakakaramdam siya ng hiya dahil alam niya kung gaano kalaki ang supportang binibigay nito sa kanya.

Untitled | W1 • KDNWhere stories live. Discover now