055

230 9 0
                                    

"Bro may nagpadala ng fan letter pala sayo nung nakaraan. Nakalimutan kong ibigay." Sabi ni Seongwoo sa kaibigan at inilagay nalang nito sa ibabaw ng computer table nila ang letter.

Hindi na bago ang mga ganung letter para sa kanila, dahil halos araw araw nakakatanggap sila ng mga sulat ng mga fans nila. At ito rin naman ang nagsisilbing lakas nila para malampasan ang mga stressful moments ng career nila.

Habang nagpupunas ng pawis si Daniel, kinuha niya ang sulat at napaupo nalang siya sa kama niya nang makita niya kung kanino iyon galing.

[BEFORE ANYTHING ELSE, PAKINGGAN NIYO YUNG UNTITLED NI GD NA NASA MULTIMEDIA. ISIPIN NIYO SI JENNIE YUNG KUMAKANTA NIYAN HABANG BINABASA NI DANIEL YUNG SULAT. ]

To my dearest Kang Daniel,

Ya, niel. My Niel, kamusta ka na? Galit ka parin ba sa akin? Alam kong sobrang mahirap patawarin ang kasalanan ko sayo, alam kong mahirap tanggapin na bigla nalang kitang iniwan noon. Sumulat ako sa'yo ngayon hindi bilang ex girlfriend mo, kundi bilang isang fan mo.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko to uumpisahan. Hindi ko nga alam kung may karapatan pa ba akong sulatan ka lalo na't sinaktan kita ng sobra sobra. Gusto ko rin sanang pakinggan mo yung kantang nasa usb na kasama nitong sulat na ito. Siguro yan yung nagpush sa akin na sulatan ka.

Niel, sorry kung nasaktan kita. Sorry kung naging selfish man ako sa naging desisyon ko. Siguro by now alam mo na ang lahat, nasabi na siguro sayo ni Hyunbin ang lahat. Pero sana wag kang magalit sa kanya or kahit kanino man dahil sariling desisyon ko naman na protektahan ka. Ayoko lang na mabalewala ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan mo nang dahil lang sa akin, ayokong masaktan ka nang dahil lang sa akin. Naiintindihan mo naman diba? Mahal na mahal kita to the point na kaya kong masaktan para lang maging masaya ka.

Hindi na ako aasa pa na sana magkita ulit tayo sa future, siguro talagang hindi tayo ang para sa isa't isa. Siguro talagang hanggang doon nalang talaga yung "tayo". Siguro nga nakulong lang talaga tayo noon sa idea nang tayo. Hindi ko alam kung ilang beses ko na naulit ang salitang sorry, pero siguro kahit na magkita ulit tayo, iyon parin ang sasabihin ko sayo.

I hope you'll be happy, I hope you'll find the right girl for you. But I'm still praying that you'll comeback. I'm sorry for everything.

I love you, Kang Daniel.
I will always love you.

With so much love,
Jennie Kim

"I will always love you too Jennie Kim. Always had, always will."

Untitled | W1 • KDNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon