KUNG SAAN NAGSIMULA ANG LAHAT

3.3K 129 35
                                    

Dedicated to: ElenaYsabelParks at Purplelovebykrxs

PROLOGUE

MULI NIYANG sinulyapan si Craig. Mahimbing pa rin ang tulog. Hindi naistorbo sa kanyang pagkilos. Mabuti at hindi ito nagising.

Nahigit ni Clarisse ang kanyang hininga. Mabigat sa loob niya na iwanan ang minamahal pero kailangan niyang gawin. Hindi niya pwedeng pakawalan ang magandang offer na dumating sa kanya. At ang ganoong oportunidad ay di na dapat pinalalampas pa.

Nai-imagine na niya ang magandang pupuntahan ng kanyang acting career sa Hollywood.

Kagabi pa lang ay napag-usapan na nila ang tungkol doon. Nagalit ang binata. Alam niyang hindi ito papayag. Katwiran nito ay maganda naman ang trabaho nito sa isang private company. At siya naman ay bankable star na. Kahilera na ng mga bigating artista. Hinahangaan ng mga kabataan. Epitome of a modern girl. Bakit kailangan pa niyang maghangad ng career sa America?

Craig doesn't understand what she really wants. May gusto pa siyang patunayan sa sarili. para sa kanya ay hindi pa sapat ang kanyang estado. Gusto pa niya na malayo ang kanyang marating. Mas sumikat pa ang kanyang pangalan sa larangan ng pag-arte.

Nawala lang ang galit ni Craig ng lambingin niya. sabihin dito na mas mahalaga sa kanya ang kanilang relationship kaysa sa kanyang career.

Napaniwala niya ang binata. Kaya nga nauwi sa mainit na make love ang kanilang lambingan. Which is a normal thing na para sa kanilang dalawa. Hindi pa man sila kasal ay ginagawa na nila ang para sa mag-asawa. Bakit naman siya magpapakipot. Mahal nila ang isa't-isa. Kasal din naman ang tutunguhan nila someday...

Someday, na kung sa kanyang pagbabalik ay tatanggapin pa siya ni Craig.

Iniipit niya ng maliit na angel figurine sa ibabaw ng takip ng aquarium ang sulat na ginawa niya para sa binata.

Napailing siya. Sumilay ang mga luha sa mga mata. Pikit-mata niyang nilisan ang suite. Sana'y mapatawad siya nito sa desisyon na pinili niya.

"I'm sorry Craig... I'm sorry pero mas mahalaga sa akin ang aking pangarap." Usal niya.


SIKAT NG araw na lumusot sa blind curtains ang nakapagpagising sa mahimbing na natutulog na si Craig, Nakahubad at kumot lang ang tumatabing sa katawan. Itinaas niya ang isang braso at itinakip ng bahagya sa kanyang mata na hindi pa gaano dumidilat para hindi masilaw.

Kumilos ang isa niyang bisig, kumapa sa kabilang side ng kama, nagtaka siya ng malaman na wala siyang katabi. Tuluyan na napadilat. Napabalikwas siya ng bangon.

"Clarisse?" Tawag niya sa Nobya

Pero walang tumugon sa tawag niya.
Bumangon ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi na alintana ang hubad na katawan at umalis siya sa kama, tinungo ang comfort room pero wala doon ang pakay. Sinilip niya ang labas ng kuwarto kung saan tanaw ang saktong lapad ng salas. Wala rin.

Saan nagpunta si Clarisse ? Sa isip-isip ni Craig.

Napatingin siya sa aquarium na nasa sulok ng room. Nakita niya ang isang maliit na papel na nakapatong sa ibabaw. Agad niyang kinuha. May hinala na siya pero pilit niyang inaalis sa isipan.

Dearest Craig.
I'm Sorry, because i'm leaving, i need to pursue my dreams, Alam mo naman na matagal ko ng hinintay ang break na'to di ba?abot-kamay ko na ang pangarap ko at di ko na hahayaan pang mawala, minsan lang dumating ang ganitong opportunity, please understand I Love---

Hindi na niya kinaya pang tapusin. Nilamukos niya ang sulat, Nagtagis ang kanyang mga bagang habang napaupo sa kama, para siyang nawalan ng lakas at gana. Bagsak ang mga balikat.

Akala niya ay okay na ang lahat after nila mag-usap at magkaunawaan na nauwi pa nga sa mainit nilang pagtatalik. Alam niya ang kagustuhan ni Clarisse na mapabilang at makilala bilang sikat na personalidad sa hollywood, dahil hindi ito kuntento sa itinatakbo ng career sa local showbiz, bagama't sikat ay nais pa ng greener pasture.

Ilang beses na nga nilang napagtalunan ngunit hindi sinukuan ng nobya.

Agad niyang kinuha ang celfone sa bulsa ng pants. Sinubukan tawagan ang nobya. Makailang ulit puro ring lang. Hindi siya sinasagot ni Clarisse.

Hanggang sa ipinasya na niyang itigil. Sa inis ay ibinato niya ang celfone. Nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng gadget!

Ngayon, alam na niya na mas mahalaga sa nobya ang sarili nitong mga pangarap. Kahit kailan pala ay hindi siya naging sapat rito, maging ang pagmamahal niya. Balewala rito ang magkalayo sila.

Napasabunot siya sa sarili. Gusto na niyang sumigaw at magwala pero di niya magawa. Naisip niya , puro branded ang mga gamit ng nobya. Walang FAKE! sayang kung masisira lang.

Impit na iyak at hikbi ang pumuno sa kuwarto mula kay Craig.

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESOnde as histórias ganham vida. Descobre agora