ATTACK OF THE BABY BRA WARRIORS

1.2K 71 0
                                    

                 
                  Dedicated to: Desiree Encontad

Chapter Four
    

          "Sheeet! Hindi na tama to!" Mangiyak-ngiyak na bulalas ni Angel.
         
         Hindi ingay ng bungangerang kapitbahay na kumakanta sa videoke ng  "Halo" ni Beyonce Knowles ng mga sandaling iyon ang nakapag windang at tuliro sa dalaga.
     
         Kundi ang makita sa Facebook na  ngayon ay dinudumog pa rin siya ng fanatics ni Craig, para i bash. matindi ang galit sa kanya dahil sa pag sampal niya rito.
   
           Isang linggo na siyang ginugulo at mukhang di siya titigilan. mga walang kapaguran. talagang di pa rin naka-move on. Nabuhay ulit ang mga keyboard warriors at mga baby bra warriors na-invade na naman ang kanyang privacy. Nagawang makapag post sa kanyang timeline.
    
             Kinabukasan, Mula nang insidente. Sa unang araw hanggang ikalimang araw ay umuulan ulit ng foul words, lait, insulto at mga pagbabanta sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya dahil sa pagsampal daw niya kay Craig.
    
           Ngayon, pang-anim na araw ay umabot na sa point na pati mga pictures niya ay kinukuha mula sa kanyang album sa Facebook para i-edit at babuyin. Nilagyan na nang tagline at caption. Hindi niya lubos maisip kung paano nagagawa ng mga fans ni Craig ang ganoon, private account na siya. So stressful!  hindi na nawala ang sakit ng ulo niya. Ginawa rin siyang pulutan sa iba pang threads at groups.
     
             Tulad ngayon. Nanlumo siya sa nakita. Paano'y picture naman niya na kung saan  naka-two piece siya na white at red polka dots ang kulay.  Naka-posing pa siya habang nakahiga sa brown sand ang pinagdiskitahan ngayon. kuha iyon ng mag outing silang mag-anak sa Puerto Gallera. Naka-tagged sa kanya mula sa anonymous Fb profile. Malamang ay isa ito sa mga friends naka-add sa kanya na nagpalit ng profile upang di niya makilala. 
     
               Nilagyan ng caption na "Iniwan mo ako noon, Tigasan ka ngayon!"
     
              Kailangan niya ng Hustisya! Sobra na! Tama na! Nasisira na ang kanyang reputation. Hindi siya Pornstar! Wholesome ang kanyang image.
    
              Ang dami ng comments at sari-saring reaction. Mula sa kanyang friends at kaanak.
 
             Forever na yata ang ginagawang pag-bashed sa kanya. Noong una'y natitiis pa niya na wag pansinin. Isa lang ang naisip niyang solusyon!

            Si Craig Ethan. Ang patron ng mga baby bra at jeje warriors!
 
             Handa na niyang ibaba ang kanyang panty este pride!
   
      

                     Laging maganda ang araw ni Craig. lalo pa kapag nababasa niya sa social sites na maganda ang feedback at evaluation ng wide readers sa kanyang bagong release na aklat. Paano pa kaya kapag sold out na ang first printing? Gaya ngayon, isang Linggo pa lang matapos ma-i launched at booksigning ay ini-inform na agad siya ng publishing house na on-works na ang second printing ng "Finding Memo"
     
               Halos mapahiyaw siya sa tuwang nararamdaman. Worth ang pagod at hirap niya sa pagbuo ng aklat.
  
               Kaya nararapat din na pasalamatan niya ang kanyang mga loyal readers at fanatics.
      Napakurap siya ng may mag-pop up na notification mula sa kanyang Fb profile.
  
             Galing kay Angel.
 
            His lips twitch lalo na ng mabasa niya ang message nito.
 
           "Hello Craig, regarding on what happened last sunday, Sorry sa nangyari. Hindi ko dapat ginawa yun sa'yo. Sana mapatawad mo ko sa kamalditahan ko."
     
             Suko na ang Malditang Anghel. Sa isip-isip niya. Malamang ay di na nito nakayanan ang mga pinaggawa ng kanyang mga fanatics rito. Nakikipagbati na sa kanya. Well sino ba siya para tanggihan ang apology nito? Pero exciting ang idea na kumislap agad sa kanyang isip.
      
              Agad niyang sinagot ang chat convo nito. "You want my forgiveness? Madali lang,first---" Bitin niya rito.
 
             "First what?" Reply nito sa kanya. Wala pang five seconds.
     
            "Make an apology for what you did to me, then post it on your timeline." Mala-joker ang kanyang ngisi ng i-send niya.
   
             "Ano?" Reply nito. Nilagyan pa ng emoticon na gulat ang reaction.
   
            "Ayaw mo? madali ako kausap." Sagot niya.
  
           "Wait!  ok i understand, ano pa gusto mong gawin ko?" With a shocked emoticon again.
    
           Alam niyang madaling mag-panic ang dalaga. 
     
         "Give me your number. I'll call you and tell you the details." His message sounds like giving an order to her.  Na hindi ito dapat tumutol sa gusto niya.
  
        "Bakit di pa dito?"
   
       "I said, your number." Mabuti na lang mahaba ang pasensya niya ngayon. in good mood siya.
      
        "Okay, 09362392810" reply nito sa kanya
  
       "Wait, just hold on." sabi niya. Nag-hide muna siya ng messenger apps.
    
         

               Napapitlag si Angel ng tumunog na ang cp nya. Alam na niyang si Craig ang tumatawag, but somehow nakaramdam siya ng excitement? hindi na siya nag dalawang-isip na sagutin ang call.
  
             "H-hello, C-craig, ano ba yung gusto mo sabihin?" Nautal pa siya sa kaba.
  
            "Wow first name basis na agad tayo. Mukhang sanay ka nang banggitin ang name ko. I like it." He chuckled.

            "Ano ba kasi sasabihin mo?" Usisa niya. Ang ganda ng boses ng binata kahit sa phone. Pang bedroom.

               "Uhmmm... Let's have a date." Anito.
   Muntik na niya mabitiwan ang celfone.
 
            "Still there?" Nagtataka nitong tanong sa kanya.
  
            "O-Oo nandito pa 'ko." Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Bigla siyang na-tense.
  
               Napaisip siya tuloy. bakit kailangan pa siyang ayain ng binata na mag-date? Nag-uusap na rin sila sa celfone. Ano ang balak nito o gustong mangyari?
  
             Baka balak siya paglaruan?

        

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESWhere stories live. Discover now