NALILIGAW, NANLILIGAW

1K 68 5
                                    


      Dedicated to: Myra binuya

Chapter Seven
          
                  True to his words, tinupad ni Craig ang pangako sa kanya na ito na ang bahala sa mga panggulo sa kanya ng mga fanatics nito. Bumalik na ulit sa normal ang kanyang social media account.
              
                  Nawala ang mga umaaway sa kanya, ang iba pa nga ay humingi ng apology sa kanya na agad niyang tinanggap.          
            
                 Masarap pa ang pagkakahiga niya sa kama ng katukin siya ng Ina sa kanyang kuwarto. Naputol ang muni-muni niya sa nangyari sa kanila ni Craig ilang araw na rin ang lumipas, hindi niya talaga makalimutan. Lagi pa rin niyang naaalala.

                Hindi na ito nakapaghintay pang buksan niya ang pinto.
       
              "May bisita ka, guwapo! Mukhang yayamanin. Babain mo na agad. Dali, Kilos na!" Dungaw ng kanyang ina sa pinto.
          
              "Saglit lang Mother dear, Magpapaganda lang ako." Aniya habang nag iinat-inat siya.
        
            "Bilisan mo ha?" Anito at isinara na ang pinto.
         
            Tumingin siya sa relo. Eight O' Clock pa lang ng umaga. Masyado naman maaga para mag-abalang bisitahin siya ng isang kaibigan, O baka naman importante kaya naman di na nagpalipas pa ng oras kaya pinuntahan siya agad.
   
               Lumabas siya ng kuwarto at tinalunton ang hagdan. May nakita nga siyang pigura na nakaupo sa sofa nila pero di na muna niya pinansin dahil sa pagmamadali. Hindi niya ma-take na haharap sa bisita na may muta pa o hindi nakapag ayos ng proper hygiene. Tinungo niya ang lababo sa kanilang kichen.
  
                Matapos makapag-sepilyo ay paghihilamos naman ang kanyang haharapin. Pero pagpihit niya ulit ng gripo ay hangin na lang ang narinig niya na lumabas.
  
                 "Mamaa! wala na ba tayong ekstrang ipon ng tubig? Walang tulo tong gripo."
  
                  Sumungaw ang kanyang ina sa kurtina na nakatakip sa pinto ng kusina nila. Nasa salas ito. Malamang ay kausap ang kanyang bisita.

                 "Wala rin tubig yung banyo. Hindi nag-ipon 'yung magaling mong kapatid. Kabilin-bilinan ko kagabi bago ako matulog. Inuna pa pag-mamaktol."
 
                 "Paano na? May bisita ako." panic na sabi niya.
 
                 "Aba nakapagsepilyo ka na naman. Mag-alis ka nalang ng muta. Suklayin mo muna ng mga daliri mo 'yang buhok no. 'Yang mineral water sa dispenser. Kuha ka ng isang baso panghilamos mo."

                "'Ma naman, ang konti nun." Angal niya.

                 "Bilisan mong kumilos! Nakakahiya sa bisita mo at kanina pa naghihintay. Binigyan ko na ng softdinks at wafer."

                  "Susunod na po." aniya, nakakunot-noo. Nag-iisip kung paano pagkakasyahin panghilamos ang isang baso ng tubig.

  
           
                 "Good morning my Angel." Nakangiting bungad sa kanya ng bisita pagkalabas niya ng kusina. walang iba kundi si Craig. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa kanilang sofa.
   
                 Napaka-pleasant ang hitsura at pananamit ng binata. Iyon bang kahit nasa malayuan kang distansya ay makikita mo na malinis at mabangong tingnan.  Napasinghap siya. Parang di niya pagsasawaan na amuyin.
   
                Namangha siya ng mamasdan ang dala nito. Hindi pumpon ng roses, sa halip ay puro Ferrero chocolates ang nakalagay. Naka-arrange ng tulad sa bouquet ng mga bulaklak. Ang mga stem ay gawa sa mga papel na binilot upang maging kasing tigas ng stick. Naka-wrapped sa isang espesyal na balot.
   
                Iniabot sa kanya ni Craig ang bouquet ng ferrero.
  
               Atubili pa siyang abutin. Nakakatuliro ang halaga ng ilang piraso at dosena ng ganoong brand ng chocolate. Paano pa kaya kung gaya na ng bouquet na ibinibigay nito sa kanya.
 
               "T-thanks, Ganito ka rin ba sa mga babaeng nagustuhan mo dati?" Inilapag niya sa tabi ang pumpon ng ferrero.
     
              "Hindi. Chocknut lang sila."
     
             "Hmmm, Ang aga mo naman dumalaw, hindi pa nga ako gaano nakakapag-ayos ng sarili. Naghihilamos pa ako." Buti na lang nauna na siyang nakapag-sepilyo.
    
                "Maganda ka pa rin naman kahit bagong gising and I think, you smell nice too."
  
               "Ang aga-aga mo rin mambola," Ismid niya rito.
   
              "Everything I say... I mean it." Sumeryoso ang binata. Tinitigan siya.
       
              Napipilan siya. "Ah okay, sabi mo eh."
  
             Naupo sila ni Craig.
     
             "Let's talk about us, 'yong nangyari sa atin noong nakaraang gabi---"
   
             "Oh, It's just a kiss, wala 'yon sa akin." Putol niya sa iba pa nitong gusto sabihin. Alam na niya ang tinutukoy nito. Mind boggling intense kiss na ipinaranas nito sa kanya.
  
              Hindi naman sigurong halata na siya ay defensive.
   
             "I can't believe na nasasabi mo yan." Gilalas na wika nito sa kanya.
       
             "Totoo naman. anyway, Craig, please don't bring me flowers." Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib.
     
            "Hindi naman bulaklak ang ibinigay ko sa'yo di ba?"
   
            "... or anything,"
  
           "B-bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" bahagyang lumungkot ang binata.
   
            "Nagustuhan ko,  pero okay na sa akin 'yong ikaw lang, sarili mo nalang ang dala mo. Sapat na sa akin."
  
              "So, are you insinuating that----"
  
             "I Like you? Siguro. Nabibilisan ako sa pangyayari, pero basta't alam ko lang, Gusto rin kita na laging nakikita, nakakausap," aniya. hindi niya lang masabi rin na, kapag hinahawakan mo'ko nandoon yung feeling na para akong nakukuryente. Pinabibilis mo ang pintig ng puso ko.
   
                 "Di ba nga sabi ko...Tayo na." Kaswal na wika nito.
  
                "A-agad? Teka, Sandali, ang bilis mo naman, kagabi ka pa."
   
              "Doon rin naman tayo papunta. PatatagaIin pa ba natin? I  want you. Gusto mo rin naman ako. Nahirapan ako makatulog kagabi. I can't forget the sweet taste of your lips. the warm and minty fresh breath of yours." Lumapit ito sa kanya. dangkal nalang ang espasyo nila. hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
     
                   Nag-Listerine ako 'no! Natitilihang sabi ng kanyang isip. "Paano landi ka ng landi sa akin kagabi."
    
                 "Kinikilig ka naman, lalo na nang hinalikan kita." Tudyo nito sa kanya.
   
                  Pinamulahan siya ng pisngi. "hindi kaya!" kaila niya. "saka ayoko sa chickboy at maraming extra curricular activities."
   
                "Loyal naman 'to. Tingnan mo. Nandito na agad name mo." Binuksan nito ang polo at lumitaw ang malapad na dibdib. May tattoo sa kanang bahagi ng dibdib nito ng isang heart na may dalawang lovebirds, nasa ibaba ang name niya.

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESWhere stories live. Discover now