CLARISSE BELTRAN

1.1K 65 6
                                    

    Dedicated to Maymay Valdez-Tapia

    
Chapter Eight
            
               Oh my! Aniya sa isip. Hindi pa nga sila ng binata pero lagi na lang kung maka the moves ito. Nakakatangay! Para siyang tubig na sunod sa agos. Na-conscious siya, ano ba dapat nya isagot kay Craig? I miss you too? Hindi nya alam. Nahihiya siya.
   
                Pero heto ulit siya at hindi na naman mapakali. Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso tulad ng madalas na nangyayari sa kanya kapag kasama ang binata.
  
              Craig standing infront of her, looking haggard, ruggedly but still handsome. Halatang galing sa puyatan. But he manage to handle himself. Naka bull cap ito na kulay black, white shirt at black shorts. Kipit nito sa armfit ang laptop. conscious siya, ano ba dapat nya isagot kay Craig? I miss you too? Hindi nya alam. Nahihiya siya.
    
           "Magtititigan na lang ba tayo. My Angel."
        
           "H-ha?" Para siyang natauhan mula sa saglit na paglipad ng kanyang utak.
      
            " I said, i miss you so much... para naman di mo ko na miss." Anito, nahaluan ng pagtatampo ang boses.
   
             "Na-miss din kaya kita." Relieved ang pakiramdam niya ng sa wakas ay masabi niya. "'Yong three days kitang hinihintay lagi na bumisita, naghihintay ng paramdam mo sa messenger at tawag sa phone." Sinalubong niya si Craig, nang hawakan niya ang kamay nito ay parang gusto na rin niyang yumakap rito.
    
              "Really? I'm please and gladly to hear that, magtatampo na'ko sa'yo sana. I've been thinking of you always." Anito sa kanya habang malagkit ang tingin. "My heart misses you, Angel."
   
              Kinilig ang buong sistema niya. Parang lovesong ang bawat salita ni Craig sa kanyang pandinig. Napakasarap pakinggan. At hindi nakakasawang paulit-ulit na marinig.
   
             Inaya niya ang binata papasok. Napansin niya ang medyo mabuway na paglakad nito.
   
            "Okay ka lang ba, Craig?" Nag-aalala niyang tanong rito.
   
            "Yes, medyo puyat lang ng konti, don't worry." Assure nito sa kanya.
  
             "Buti, nakaya mo mag-drive papunta dito? Please next time, be careful, kung di mo kaya, wag ka muna tumuloy." Nag-aalala pa rin niyang sabi.
     
             "Ipinagmaneho naman ako ng dati naming family driver." Paliwanag nito.
  
              Tumango si Angel. Marahil yung mamang nakita nya kanina mula sa kotse ang tinutukoy nito. Tama nga siya. Kotse nga ni Craig yun. Pero bakit hindi niya nakita na bumaba sa kotse ang binata?
  
              Para namang nahulaan ni Craig ang iniisip niya. "Nauna na ko, bumaba at naglakad ng ilang metro para ma-surprise ka." Nakangiti nitong wika sa kanya, sabay pisil ng tungki ng ilong niya.
    
            Hindi nga ito nabigo na i-surprise siya.
      
            Pagpasok ng bahay at pagkaupo pa lang nila sa sofa ay humilig na agad ito sa kanyang balikat. Payakap sa kanya na para bang naglalambing. Hinayaan lamang niya. Gusto niya ang gesture ni Craig. Para itong batang paslit na nangangailangan ng atensyon. Nang pagmamahal.
     
              "Craig," aniya. Sa mahinang boses, habang hinahaplos ang buhok nito. Pero walang narinig na tugon mula sa binata.
              "Hoy, Craig!" Ulit niya pero wala pa ring tugon na ipinagtaka niya.
      
               Nang i-check niya ay tulog na!
        
               Dahan-dahan siyang kumalas at inihiga ang binata sa sofa. Inilapag niya sa mini-table ang laptop nito. Hinubad niya ang suot nitong flip flops na kulay blue.
      
              Nagulat pa siya ng may malaglag na maliit na object sa sahig mula sa bulsa ng shorts ng binata.  Usb flaskdrive.
     
                Hindi na siya nagtaka kung bakit meron sa bulsa ng binata. Malamang, kailangan nito lagi para sa mga isinusulat nito.
      
              Napamata si Aling Martha nang makita sila.
       
              "Oh, nandiyan pala si Craig."
   
              "Kadarating lang 'Ma. Nakatulog nga e."
       
              "Ano ba kasi ang nangyari sa kanya? Lasing ba?" usisa ni Aling Martha ng makita si Craig na mahimbing ang tulog sa kanilang sofa.
        
             "Hindi 'Ma, Napuyat po yata at pagod." Aniya.
        
              "Pagpahingahin mo muna maige dyan sa sofa. Di pa tapos ang arroz caldo. Maige na makakain siya paggising niya mamaya eh may mainit na mailalaman yan sa sikmura."
        
               "Sige po 'Ma thanks. Babantayan ko lang siya."
        
              Iniwan muna siya ni Aling Martha.
        
              Minasdan niya si Craig habang mahimbing na natutulog. Para siyang namamagneto sa karisma nito. Hinaplos niya ang buhok nito. Mabuti at ligtas na nakarating ito sa kanila, hindi niya mapapatawad ang sarili kung malagay ito sa kapahamakan.
   
                Sa isang banda, humahanga siya sa binata. Hindi pa man sila at kelan lang naman sila nagkakilala ng personal, pero ipinaparamdam na agad nito sa kanya kung gaano ito kaseryoso sa pagkakagusto sa kanya.
       
              Samantalang siya mismo. Hindi na niya maikakaila pa sa sarili ang nararamdamang affection at pagmamahal para kay Craig, pero mas nangingibabaw pa rin ang takot niya. Takot para tumbasan at sumugal na suklian ang ipinararamdam sa kanya ng binata.
     
            Pero sa ginawa nitong pagpupursige, wala na sigurong dahilan para tanggihan at pahirapan pa. Aalisin niya ang nararamdaman na negativity. Gusto niyang maramdaman kung paano magmahal si Craig.
      
               Nag-flash sa isip niya ang halik na ibinigay nito sa kanya. It was so sweet, so passionate, na kahit di niya natugon ang paghalik nito. Napukaw ng halik at haplos ang kanyang pagiging babae. Alam niya na kung nagtagal pa ang halik nito sa kanya ay bibigay na siya.
    
               Gusto niya ulit na maranasan. Masarap humalik ang binata. Nakaka-adik. Daig pa ang tama ng shabu. Bumaba ang mga labi niya sa labi ni Craig. Idinampi niya ng marahan. Iniingatan niya na wag ito maistorbo sa mahimbing na pagtulog.
      
             "Hoy!" Narinig niya ang boses ng kanyang Ina. Kasabay ng batok nito sa kanya.
   
              "M-ma!" aniya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Nahuli siya sa isang nakakahiyang sitwasyon. Matalim ang tingin nito sa kanya. Parang isa siyang kuto na nais tirisin.
  
              "Ano ka ba? Hindi ka man lang nahiya at ikaw pa unang tumutuka sa lalake. Aba mahiya ka Angelique! hintayin mo yang si Craig ang unang humalik ano." Pinandilatan siya nito. Labas ang mga litid sa leeg.
    
                Napayuko siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil sa hiya. Namumula siya.
  
               "Gayahin mo 'ko. Yung tatay mo ang unang humalik." Proud na sabi nito. "Ano, di ka makapagsalita dyan?" Untag nito sa kanya.
    
               "Tama po kayo 'Ma, May tama ka." Tumatango niyang wika sa Ina. Nakayuko pa rin siya.
  
                "Oh siya. Tumakbo ka muna sa labas. doon sa tindahan ni Ka Iska, ibili mo 'ko ng paminta. Naubusan tayo." Dumukot ito ng pera sa bulsa ng daster.
   
               Mabilis ang kilos ni Angel. takbo agad palabas.
         
    

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon