ECHOSERO

1.7K 90 12
                                    

        Dedicated to: Divinapastora Cunningham and Cynthia lyn Arthur.

        Chaper two
  Prime bookstore
   
             "Angel! " Tawag sa kanya ni Ms. Sofie nang makita siyang paparating. Nasa labas ito ng bookstore. Niyakap siya agad. "Mabuti't dumating ka na. kanina pa kita hinihintay. Ayoko naman  magsimulang pumirma nang wala ang aking beloved supporter." Nasa boses nito ang matinding pananabik para sa booksigning.
   
           Ms. Sofie's dress made her glamourous in her  sleeveless dress na mayroon disenyong horizontal stripes. Tinernuhan nito ng black na panda. Pixie ang style ng hairdo na hanggang sa leeg nito. May dangling earings sa magkabila nitong tainga at Naka-necklace naman na maraming palamuti. Ang alam niya'y nasa 40's na ito ngunit hindi halata dahil palaayos at conscious sa sarili. Asset nito ang perfect smile. Napanatili nito ang taglay na ganda. Ang sikreto ay ang Peace of Mind.
   
              Nakaramdam naman nang pagkahiya si Angel para sa kanyang hinahangaan na writer. Naturingang hamak na fan lamang siya pero pinaghintay niya ito.
    
             "Naku Miss. Sofie, Sorry po talaga at naipit ang sinasakyan kong green cab sa traffic. Mabuti't hindi ako na-late dito sa booksigning." apologetic niyang wika.
   
            "Wala 'yon,  Ano ka ba? Hindi ka na iba sa akin, doon tayo sa loob at excited na rin ako." Dinala siya nito sa loob ng store kung saan di magkamayaw ang mga wide readers na namimili ng mga books sa bawat eskaparateng naroon. May ilan ng pocketbooks na ang sold out.
      
             Tinungo nila ang table nito. Nakalagay roon ang pangalan ng Pamosong manunulat. Meron isang pumpon ng roses at ilan na pang give-aways. May gifts din na nakasalansan galing sa mga ibang supporters ni Ms. Sofie, katunayan na maraming nagmamahal rito. Paano ay grabe rin ang hands on at dedication ng pamosong writer sa pag-cater nito ng mga fans.
     
             Sa katunayan ay may group page ito sa Facebook, kung saan marami ang miyembro, kabilang siya. may mga admins pa ang group kaya well-organized. Nagkakaroon sila ng mga piling events.
     
            Nilibot niya ang tingin. May hinahanap. Alam niyang nandito na rin sa bookstore si Pia. Lagi itong present at maagang dumarating sa event.
   
            Nakita niya ang kaibigan na nakikipagsiksikan sa iba pang mga namimili. May gusto itong libro at ayaw maunahan ng iba.
    
           "Piaa!" Sigaw niya.
    
          Lumingon sa gawi niya ang kaibigan at ng makita siya ay mabilis siyang nilapitan. Bitbit ang mga napiling pocketbooks. Kumustahan agad at chismisan ang inatupag nila. Para bang di nag-uusap sa phone lagi.
      
            "Nandiyan na siya!" Humahangos na wika ng isang dalagita papasok ng store. Puno ng excitement ang hitsura. Nakipag umpukan ito sa ibang teens.
     
            Makahulugan ang ngiti nina Angel at ng kaibigan nito. napatingin sa lugar kung saan nagkakagulo at nagkakaingay ang mga kadalagahan pati na ang teeners.
      
           Paano ay dumating na ang pinakahihintay ng mga ito na favorite writer.
     
           Tulala ang mga kadalagahan na fans nito. Nangingislap ang mga mata sa sobrang saya. Ang iba ay parang pusang naliligalig at nanginginig sa kilig!
      
        As if naman na di niya alam na kalahati ng mga fans nito ay di naman talaga nagbabasa ng mga gawa ni Craig, kundi bumibili lang dahil sa may hitsura ang nagsusulat.
   
         Napatili rin ang kaibigan niya ng makita si Craig pero natigilan ng pasimple niya sikuhin sa braso at irapan.
     
         Guwapo? Saan banda? At mukhang feel na feel ng mokong ang atensyon na ibinibigay rito ng mga fans na hindi magkandaugaga. Mayroon yumayakap sabay tili. Kuha ng pics, meron pang pa selfie sa binata na Todo ngiti at parang wala ng bukas.
     
           Kulang na lang ay gawin na ng mga fans nito si Craig na isang Hearthrob Idol.
    
         "We love You Craig!" Sigaw ng isang grupo na puro teenagers. Na lalo pang nagtilian na parang kiniliti sa tumbong ng suklian ito ng kaway at kindat ng binata. Hanggang sa makarating ito sa katabi na table ni Ms.Sofie.
       
         May isa pang agaw-eksena ng mahimatay.
     
         Umismid sya. Hindi niya talaga ma-take ang nakikitang over-acting ng crowd. Super duper! sabagay, Birds of the same feathers are Birds! teka, tama ba 'yon? Ah basta, iyon na! aniya sa sarili.
      
           Samantalang kung guwapo lang ang pag-uusapan marami namang male writer sa wattpad na mas bagay pag-aksayahan ng affection.
  
         -Masira sana ang mga celfone ninyo! Sa isip-isip niya. Tuwa lang niya, kapag nangyari ang kanyang wish.
      
          Bakit nga niya i-stress ang sarili sa asar at inis? kaya naman siya nagpunta sa book signing ay para suportahan si Ms. Sofie, hindi para kay Craig.
           
            "Oo nga pala. Ipapakilala muna kita sa kanya." Untag sa kanya ni Ms. Sofie. "Alam kong pamilyar ka na sa kanya. Trending sa facebook kasi famous at maraming fans, pero mas maige na makilala mo siya nang personal. makakasundo mo siya."
    
            "P-po? naku! Ma'm, huwag na po." Alanganin niyang sabi. Napangiwi siya. Di niya feel maka-meet ang maangas.
    
            Dinala siya nito sa katabing table.  Saglit na kinausap nito ang binata.
    
          "Craig meet Angel, Ang pinaka-maganda kong fan." Pakilala sa kanya ni Ms. Sofie. Maaari ba naman niyang makalimutan ang nakaaway nya sa facebook, last week.
    
           Binitawan muna nito ang librong hawak. Napakunot-noo ito nang makita siya.  Kung tama ang hinala niya'y di rin siya nakalimutan nito.  Paano ay pinagkaguluhan ang mainit na sagutan nila sa facebook. Dinumog rin siya ng mga supporters nito.
    
          Well the feeling is mutual. Kung asar ito sa kanya eh asar rin siya rito!
   
          "Hello Angel, Finally, nagkita rin tayo," Sumilay ang matamis ngiti sa labi nito. Matamang nakatitig sa kanya. Ang pagkakatingin nito sa kanya ay para bang tagusan, na sinusuri ang kanyang pagkatao. Nakadama siya ng pagkailang. Never pa nangyari sa kanya ang matitigan sa ganoong uri pamamaraan.
    
             Inilahad niya ang palad para makipagkamay. Kahit ayaw niyang gawin ay hindi siya pwedeng magmaldita. Nakakahiya para sa kanyang fave writer at sa mga naroon.
     Isa pa'y baka makuyog siya ng mga fanatics ng binata. Nasa tabi-tabi lang.
    
           Napapitlag si Angel nang mahigpit na hawakan ni Craig ang kanyang palad. Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti na dumaloy sa buong pagkatao.  Gusto niyang bawiin ang palad pero mahigpit ang hawak nito. Nakangiti si Craig pero kakaiba ang ngiti nito. Tingin niya, may pinaplano itong kalokohan na puwedeng gawin.
    
             Lalo siyang naasiwa.  Pinigil ang sarili na magpa-apekto rito. Hindi guwapo ang tingin niya kundi antipatiko ang dating nito sa kanya at  hindi malubos maisip kung ano ang nakita ng mga fans nitong halos sumamba na sa pagbabasa ng mga isinulat nito.
  
             For a brief moment, para bang tumingil ang ikot ng mundo sa kanilang dalawa,  Na para bang sila lang ang naroon.
    
            Binitiwan lang nito ang kanyang kamay ng sabihin ni Ms. Sofie na magsisimula na ang event.  Nagtilian ang mga tagahanga ng dalawang manunulat na naroroon sa sobrang pananabik.
   
          Nakahinga siya nang maluwag.
         
         Kumuha muna siya nang dalawang book na papipirmahan Medyo kapos sa budget kaya iyon na lang muna at sa ibang araw na lang siya bibili ng iba pang books. Pumila, Hindi porke malapit siya sa kanyang idol ay magpapaka VIP na. 
   
          Tamang-tama naman na magkasunod sila ng kaibigan na si Pia.  Sunod ito sa bilang niya na pang-sampu.  Madaming bitbit na books na papipirmahan nito. Nainggit siya.
    
           It's her turn na para magpa-sign. Lalong napangiti ang fave Author niya nang makita siya. Relieved ang pakiramdam niya. Nawala ang inaalala niya kanina dahil sa saglit na chikahan nila.
   
          Sinimulan na nito na lagyan ng dedication message ang kanyang book.
   
          "Hi Miss Angel..." Narinig niya ang boses na malambing at nakakakiliti sa pandinig. Tipong bedroom voice.
   
           Alam na niya kung sino ang tumawag sa kanya. Well, Learn the art of dedma. Kunwari wala siyang narinig. Tinawag siya ulit.
     
         "Ms. Angel, Akala ko ba mapera ka? Bakit yan lang 'yong pinapa-sign mo na book ni Ma'm? Magpapa-donate pa naman ako sa'yo para magkaroon ako ng mga books niya." sabi nito na kahit may pinipirmahan ay nakatingin sa kanya.
    
         Napatingin na siya dito... Ang walanghiya!  nang-aasar ang hitsura ng mukha nito. nanunudyo ang tingin. Nagtama ang kanilang mga mata . Eh ano naman kung dalawa lang ang binili niya. Pakialamero talaga! Sa isip aniya.
   
         "Nawawala ang pakialam ko. Baka nakita mo?" irap niya. Gigil siya. Gusto na niyang tirisin si Craig  na parang isang garapata. Naalala na naman niya ang sagutan nila sa social site. Nangangamoy tensyon na sa pagitan nila ng binata.
        
           Nakaagaw na sila ng atensyon. Sinenyasan sila ng ilang employee ng bookstore para umawat. pinigilan ni Craig at sinabing ito na ang bahala sa kanya.
    
           Nakatitig ang binata sa kanya. Parang sinusubukan siya. Bagama't ang ngisi nito ay puno ng kapilyuhan may nakikita siya sa mga mata nito na kakaiba. Hindi niya gusto malaman kung ano man iyon.
   
         Hindi niya alam ang iniisip ng binata tungkol sa kanya at wala siyang balak alamin.
    
         "You told me on Facebook that you're willing to donate, five books, written by Ms. Sofie... para may collection ako. Di ba?" Tumingin pa ito sa mga fans. Para humingi ng suporta. Gusto pa siyang pagkaisahan ngayon!
      
           Sinungaling ang loko! Wala naman siyang sinabing ganoon. 
         
           Pinagkrus niya ang mga bisig sa tapat ng kanyang pader este dibdib. Matalim ang tingin niya.
     
         "Ang sabi ko, problema mo na kung wala kang pambili at collection ng mga books ni Ms. Sofie. Echosero ka kasi."
     
         "Miss, sa ating dalawa, ikaw ang echosera, ilan ba ang released books ni Ma'm, di ba Five? bakit dalawa lang yan binili mo?"
      
        Namutla siya!
       
        Eh ano naman kung dalawa lang ang binili niya. iyon lang ang kinaya ng budget niya.
   
            "Wala kang pake okay!?" asik niya rito. Kung baga sa Volcano, mayroon na ng usok. Malapit ng sumabog!
    
          "Paano pa 'ko magpapa-donate sa'yo ng books, eh isa lang pala yung kaya mong bilhin?" anito.
  
          Sa kanilang dalawa na nakatingin lahat..
    
         Narinig pa niyang naghagikgikan ang mga kadalagahan na followers nito. Ang mga iba'y mga teenager na kasama pa ang mga Nanay.
        -Mga malalandi ha! Sigaw nang utak nya. Tingnan natin!
   
         "Huwag mo nang patulan Angelique, lumabas muna tayo dito sa Shop."  Pabulong na sabi sa kanya  ng kaibigan.
     
          Sinensyasan na rin siya ni Ma'm Sofie, pero nanatili pa rin siyang gigil na nakatingin kay Craig na gwapo daw pero may sungay na ang tingin nya.  Nanunudyo pa rin ang mga titig at ngisi nito.
     
          "Di ka na nakasagot? mag-donate ka na ba nang books sa akin o ako nalang ang magbibigay sa'yo?"
     
          Sagad na siya. Heto naaa! Puwes handa siya.
        Hinarap niya ang kaibigan. "Pia, akina muna yang mga books please. " Inilahad nya rito ang isang palad.
      
        "Ha? " maang na sabi nito.
      
         "Ibibigay ko sa HAMPAS LUPANG FEELING GWAPO! " pasaring niya.
       
        "Whoaaa!! Tsk tsk tsk! " Palatak na wika ni Craig.
       
           Ibinigay naman sa kanya ni Pia ang mga book, anim na piraso at tig 144 pages bawat isa. Ilang hakbang lang siya papunta sa table ng kaaway na lalake.
      
          "Hayan! Isaksak mo sa baga mo!  Baka kulang pa yan." Hinampas niya sa dibdib ni Craig ang mga libro . Napa Ouch ang binata. Ang mga librong hindi nito nahawakan ay bumagsak sa table.  Lumikha iyon ng ingay.
      
         "Thank You Miss! Dahan-dahan naman... baka magaya ako sa'yo. Maging pader din ang dibdib ko. " Sarcastic na wika ni Craig.  Kinuha nito ang mga books na ibinigay niya. Matapos ay hinarap na ulit nito ang fan na magpapa-sign.
      
          -OMG! Ang kapal ng face! Kinuha na nga ang mga books. Nilait pa 'ko! Hindi ako flat chested! Hindi ito pader!  Natitilihang sigaw ng isip niya. Napasulyap pa siya sa kanyang dibdib.
      
           Pumihit na siya paalis. Kuyom niya ang mga kamay. Nangangatal na ang tumbong niya sa matinding inis. Pero naisipan na bumalik ulit.
 
          "Aay! wait meron pang kulang."
    
           Nag-angat uli nang tingin ang si Craig sa kanya. Matamis pa rinang ngiti nito, kung para sa kanya man yun o sa isa sa mga kiri nitong fans.  Wala siyang pake!
   
        "May nakalimutan ka pang i-donate?" Tanong nito.
   
        "Wala" kaswal niyang sagot rito.
  
         "Eh ano pang kailangan mo?"  Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Ikinatang nito ang mga kamay sa mesa. "Ah alam ko na, gusto mo ng kiss?" Nagpa-cute ito sa pamamagitan ng pamumungay ng mga mata.
     
           Dumampot siya ng isang libro mula sa mesa ng binata,'yong medyo makapal. Siniguro niyang hindi ito makakaiwas. Lumanding ang palad niyang may hawak na pocketbook sa pisngi nito.
    
        "Kiss ka dyan, Etong sa'yo, bastos!!!"
   
        Tumataginting na "paaak" ang narinig. Bumaling sa kanan ang pisngi ni Craig.
    
         Napa "ohhhh" ang lahat ng mga naroon.

    

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESOù les histoires vivent. Découvrez maintenant