TURNING POINT

1.1K 54 18
                                    

    Dedicated to: Devy

                Chapter Nine
     
                Procopio Lazaro Building, Studio Four, Moon Creatives Presscon.
     
             "It seems that i came just in time. Perfect!"
   
             Napatingin ang lahat sa nagsalita. Napako ang kanilang atensyon. Nasorpresa dahil sa di inaasahan na pagdating ng sikat na personalidad.
         
             Clarisse gave a sweet smile. Her eyes twinkled.  Lalo na nang magsipaglabas ng camera at celfone ang mga nasa crowd para kunan siya. Nag-pose na pang-model. Nagkislapan sa paligid dahil sa flash ng bawat Camera.
      
              "She looks so Elegant, Like a Princess!" Buong paghangang sambit ng isa sa mga photographer na kumukuha ng shot.
     
              "I am!" sagot niya rito. Napakatamis ng kanyang ngiti.
   
               Gusto niya lagi ang ganitong atensyon. Pinagkakaguhan at Center of Attraction. Ramdam niya ang pinaghirapang kasikatan. Hindi siya papayag na wala siya lagi sa limelight. She's a real biatch. But who cares? Naglakad papunta sa kinalulugaran ni Craig na abalang ini-interview ng reporter.  Nahinto ang dalawa sa pag-uusap ng makita siyang parating. Nakamata lang sa kanya ang binata.
      
              Nag-excuse kay Craig ang kausap nito para mag-give way sa kanya.
  
              Silang dalawa na ngayon ang kinukunan ng camera. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga reporters ang naging relasyon nila.
  
              Sumenyas sa mga media men at crowd ang handler ni Clarisse na nasa tabi nito. Para matigil pansamantala ang pagkuha ng mga videos at pictures.
    
       
     
                 "Hello Honey, aren't you happy or surprise to see me? I missed you so much." Inihaplos niya ang malambot na palad  sa pisngi ng binata. Hahalikan niya sana pero umiwas.
    
                 "Why are you here? Ang alam ko busy ka sa mga projects mo ." Anito. Pero ang atensyon ay nasa librong hawak.
  
               "Well i'm here for the important matters, napaka-importante, at para din magbigay ng support sa'yo because isasapelikula na ang novel mo."
 
                "Thank You." Matabang na wika ng binata.
 
              "I think, mag-usap muna tayong dalawa bago magsimula ang presscon...sa function room. May ilang minuto pa naman."
    
             "I'm busy, at isa pa, nandito ang girlfriend ko. Makikita mo siya mamaya."
   
            "Please kahit saglit lang." Samo niya. Alam niya na hindi siya nito matatanggihan.
   
            "Alright."
  
      

                    "Mula ng bumalik ako. Ikaw agad ang naisip ko puntahan pero hindi ko alam kung paano haharap sa'yo. Marami tayong dapat pag-usapan Craig,"
     
                  Craig took a deep breath. "Look Clarisse, Kalimutan na lang natin ang lahat. Okay na ako, matagal na ang two years. Nothing matters anymore."
    
                "No, I know, you're not okay, it's all my fault kung bakit walang relasyong tumatagal sa'yo." Lumarawan ang lungkot sa mukha ng dalaga. "Malaki ang kasalanan ko sa'yo. Umalis ako kahit hindi ka pumayag."
   
               "Clarisse." Hindi malaman ni Craig kung ano ang dapat sabihin.
  
               "Kahit naman nasa ibang bansa ako, di ka nawala sa dito puso at isip ko. Nakikibalita ako sa mga nangyayari sa'yo. Dahil alam ko naman na pagbalik ko... andyan ka pa rin  at hinihintay ako."
 
              "Wala akong hinihintay Clarisse, Noong time na umalis ka, it means, tinapos mo na rin ang ugnayan natin."
   
             "Let's give it a second chance. Nandito na 'ko. Hindi na 'ko mawawala ulit para sa'yo."
  
            "Sa iba na nakatingin ang mata ko Clarisse, Siya ang isa sa mga inspirasyon ko, ang dahilan ng bawat tibok ng puso ko. She drives me insane lalo na pag malayo sa akin. I want to be next to her."
 
               "No, hindi yan totoo Craig! You're lying. Ako pa rin ang mahal mo. Without me, you're incomplete!"
     
             "This is the last time we talk about our past. It's over." Ani Craig at tinalikuran ang dalaga.
  
               'I'm not done yet Craig, 'til i say it's over, You know that I'm a fighter. I can do anything just to win you back.  It ain't over!.'  Ani Clarisse sa isip. Pinahiran nito ng facial napkin ang mga matang namasa.
 
                Makikita mamaya ng babaeng minamahal nito kung ano meron siya na wala rito!
       
  

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon