NALILITONG PUSO

1K 68 4
                                    

          Dedicated to: stoutnovelist

Chapter Six
          

               Nasa kotse na sila ng binata nang maging okay na ulit ang mood nito.  Tinanong siya kung saan siya umuuwi sa Sampaloc para maihatid. Alam ni Craig ang lugar nila dahil may kamag-anak ito na tumira dati malapit sa street nila. Sa Lealtad.
         
               Habang nagmamaneho ay nagkwento ito tungkol sa pagsusulat nito. nakipag-biruan sa kanya.
       
                Gusto niya ang mga tawa nito. ang sarap pakinggan. Hindi na nila namalayan ang mga minuto at oras na lumipas sa byahe dahil sa masayang kwentuhan nila.
     
                Namalayan nalang niya na nasa tapat na siya ng kanyang tinitirhan.
    
              "We're here Angel." Anito.
   
             "O-Oo nga, Thanks Craig."
  
            "You're Welcome."
    
            "Tumuloy ka muna. Ipakikilala kita sa parents ko at kapatid."
     
             "Maybe some other time, may tatapusin pa 'ko kasi na manuscript."
     
              "Dadalaw ka dito?"
    
              "Kung pwede,"
     
              "Hmmm, Oo naman. Kahit anong oras at araw."
         
              "Goodnight my Angel," Anito.
         
              Natigilan siya ng marinig ang term of endearment nito sa kanya. "My Angel" pero pinawi niya ang isipin.
         
           "G-goodnight." Aniya. Binuksan niya ang pinto ng kotse. Pero natigilan siya ng hawakan siya sa braso ng binata.
        
            Nagtatanong ang mga mata niya na napatingin rito. Their eyes met. Nangungusap ang mga mata nito. May gusto ipahiwatig pero di niya malaman kung ano. Bahagyang bumuka ang mga labi na parang may nais sabihin pero nag-aalangan.
         
               Gumapang ang kamay nito sa palad niya. Pumisil ng marahan. Naramdaman niya ang init. Init na nagsisimula ng maging pamilyar sa kanya dahil tuwing hahawakan siya nito parang nakukuryente siya. May sparks. Nagsimula ng bumilis ang tibok ng kanyang puso sa ginawa ng binata. Tumayo ang mga balahibo niya sa batok.
        
             Lumapit ito sa kanya.
        
             "Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko, pero i think, di ako makakatulog mamaya, nang di ko nararanasan na mahalikan ka,"  Craig murmured to her. Ang mga labi nito na halos ay dumikit na sa kanyang tenga. Nakikiliti siya sa mainit na hininga nito.
       
               Pagbigyan na kaya niya? May gusto siyang malaman.
     
               "Right, just kiss me. " Aniya. Lakas-loob siya pero kinakabahan sa mangyayari. Idinikit niya rito ang katawan.
     
                 Craig did... hinawakan siya nito sa baba.
     
                 Ipinikit niya ang mga mata ng bumaba ang mga labi nito upang sakupin ang kanyang labi. Gusto niyang ma-feel ang moment. Sa una ay padampi-dampi na para bang tinitikman muna nito. Banayad at marahan
   
                 Umawang ang mga labi niya na nagsilbing imbistasyon rito upang laliman ang halik, naging mapang-angkin. His tongue touching the surface of her teeth, teasing every corner of her mouth. Parang may hinahanap pa at may gusto tuklasin.
      
               And he found what he's looking for.
  
               Their kiss lasted for a minute.
  
               Kapwa sila nanginginig ng tapusin nito ang halik. Malamig ang aircon ng kotse pero pinawisan sila. Bumaling si Angel sa bintana ng kotse. Hindi niya gusto makita ang emosyon na nasa mga mata ni Craig.
        
                Medyo nawala yata siya sa sarili dahil namalayan na lamang niya na nasa tapat na sila ng gate ng bahay. Nakababa na sa kotse. Mixed emotion pa siya.
   
                 "Paano ba yan... nag-date na tayo, kinilala natin ang isa't-isa, and we kissed, dapat... TAYO NA." basag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
    
               "Ha?!" Napanganga siya sa narinig. Bigla siyang natauhan. Ano daw? Sila na? Agad?
      
               "Sabi ko, tayo na... You're mine and i'm yours." Ulit nito sa kanya ng makitang para siyang sinasapian.
    
                Shocked siya! Nangatal ang laman niya. Pinanayuan siya ng mga balahibo. Gusto na niyang maihi sa kanyang underwear.

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon