LONELINESS ARISE

952 48 3
                                    


Dedicated to : Pak Readers corner

Chapter Eleven

Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Angel. Di na niya namalayan ang pagbalik ni Craig kung saan man ito nanggaling. Tumabi pa rin matulog ito sa kanya pero may distansya na.

Bumangon siya. Maingat ang kilos at galaw niya. Inihaplos niya ang palad sa pinsgi ng binata. Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? Hindi niya inaasahan na sa bakasyon pa nilang ito mangyayari ang matinding tampuhan. May takot siyang naramdaman na umusbong sa kanyang dibdib. Di niya mawari pero pakiramdam niya ay nawala bigla ang securement na nararamdaman niya para sa relasyon nila ni Craig. Bakit ganoon? Bakit nararamdaman niya ang ganoong takot at kaba? Tahimik siyang umiyak. Kailangan niyang pakawalan ang bigat na nararamdaman.

Wala silang kibuan ni Craig simula ng magising at makapag almusal sila. Kinibo lang siya para sabihin na babalik na sila ng Manila. Ramdam niya ang panlalamig nito sa kanya. Kulang na lang nga ay parang ituring siya nito na hindi siya nag e-exist.

Maging sa buong oras ng ibiniyahe nila pauwi mula Batangas. Wala silang usapan. Nagkapanisan na yata sila ng mga lawa nila. Gusto man niyang kausapin pero naisip niya na baka may masabi itong hindi maganda. Tahimik lang ito sa pagmamaneho.

Hanggang sa maihatid siya ng binata hanggang sa tapat ng bahay. Ni hindi man lang tuminag para bumaba ng kotse at maihatid siya sa loob ng bahay nila na dati naman nitong ginagawa. Nakatingin lang sa malayo. Alam na naman niya ang ibig sabihin. Siya na ang nagkusa. Pagkababa pa lang niya sa kotse at pagkakuha ng kanyang gamit mula sa backseat ay wala ng paalam na pinaandar nito ang kotse.

Kandaubo pa siya sa usok.

Inunawa na lang niya. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa kanila. Nasalubong pa niya ang kanyang Ina sa may hagdanan. Inusisa agad siya kung ano ang nangyari dahil mukhang pang Undas ang kanyang hitsura. Hindi na lang siya kumibo.

Ang gusto lang niya ay makapasok na agad sa kanyang kuwarto. Doon maglabas ng kanyang sintemyento de asukal y sama ng loob. Agad niyang ini-lock ang pinto. Sumalampak ng upo sa sahig. Sa paanan ng kanyang kama.

Napaluha siya. Kailangan niyang ibsan ang bigat sa kanyang dibdib. Sasabog na siya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari.

Sabagay hindi naman niya masisisi si Craig kung magalit man ito dahil sa pagkakabura ng dalawang manuscripts nito na dapat sana ay ipapasa na.

Pagod at utak ang pinuhunan nito ng ilang araw or linggo makagawa lang ng dalawang novel. Writer ito at kayamanan para rito ang bawat isinusulat.

Pero unfair naman yata na hindi siya mapaniwalaan nito na hindi siya ang nagbura ng manuscripts sa laptop nito.

Bakit siya? eh wala naman siyang nagawang mali. Oo hinawakan niya saglit ang laptop dahil ginamit nya saglit para mag update ng status sa facebook. Pero never niyang papakialamanan ang gawa nito. Tiningnan niya lang.

Napaluha siya. Mababaw lang talaga ang tingin at pati pagmamahal siguro ng binata sa kanya. Ganoon nga siguro pag mabilis nagka developan at na inlove sa isa't-isa. Mabilis ding mawawala ang feelings.

Hindi pa rin siya makapaniwala. Kailan lang parang Together Forever ang peg nila. Dinaig pa nila ang mga bakal na magkahinang at di mapaghiwalay. Ganoon sila. Pati asukal nahiya sa pagiging sweet nila.

"Kahapon lamang, tayo ay nag sumpaan, ang sabi mo pa, ako'y di mo iiwan." Tiyempo naman na umalingawngaw ang boses ng kapit-bahay na ng videoke na naman. "Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin, napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akiiiin------"

"Hapdi at kirot, ang dulot sa aking damdamin," para bang nakikinita-kinita pa niyang umaaksyon ang mga kamay at braso ng kapit-bahay na kumakanta.

Kung kanina ay hikbi lamang ang ginagawa niya. ngayon ay napaiyak na siya. Sinamahan pa ng pag-sinok.

Parang nananadya ang pagkakataon. Napangalngal na rin siya!


Days had passed, limang araw buhat ng matinding tampuhan nila ni Craig ay hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya. Noong una ay nauunawaan pa niya. Binigyan niya ng sapat na rason. Maaaring abala lamang sa pagbuo muli ng mga manuscripts na nabura. Sinubukan niyang i-message sa Facebook O kaya ay i-text pero wala siyang nakuhang reply.

Gustuhin man niyang puntahan sa bahay nito sa Bulacan pero hindi niya kabisado ang eksaktong lugar.

Hindi na okay para sa kanya ang lahat. Sobrang miss na niya si Craig. Hinahanap niya lagi ang presence nito. Ang kakulitan at pagiging malambing. Lalo na ang pagmamahal na lagi nitong pinapadama sa kanya. Umaasa siyang magiging maayos na ang lahat sa kanila. Iyon lamang ang tangi niyang magagawa.

Ang umasa at panghawakan ang pagmamahal nito sa kanya.

May ilang araw pa ngang puno na siya na pag-aalala dahil baka mauwi sa hiwalayan ang hindi nito pagpaparamdam sa kanya. May takot at kaba sa kanyang dibdib pero inaalis niya.

Tiwala lang!



Pero hindi pala siya dapat makampante, dahil ang kalungkutan na pumupuno sa kanyang puso sa mga nakalipas na araw ay madaragdagan pa!

"Teka nga ang pangit nitong pinapanood ko, mailipat nga ng ibang channel." Iritableng wika ni Aling Martha nang makita ang programang palabas sa telebisyon ay guest si Clarisse. Alam na ng kanyang Ina ang issue. Hindi siya naglihim.

Binitiwan niya ang binabasang pocketbook. Nasa kainitan na siya ng senaryo ng Hero at Heroine.

"H-hindi 'Ma, gusto kong makita, huwag po ninyo ilipat." Awat niya sa ina. Naupo siya sa tabi nito. Gusto niyang malaman ang mga sasabihin ni Clarisse. Kinakabahan siya na di niya malaman.

"Okay Clarisse thank you sa pag papaunlak mo sa programang ito."

"You're welcome Tito Doy, Alam mo namang love kita." Pa-cute na wika ng young actress.

"Okay let's begin.The fastspeak..."

"Your favorite movie."

"The Proposal."

"Trillanes or Cayetano?"

"Cayetano."

"Yes or No, Nagkabalikan na ba kayo ng sikat na writer na si Craig?"

"Yes" Clarisse answered without batting an eyelash. Ngiting-tagumpay ang nasa labi.

Tuluyan nang kumawala ang emosyon na pinipigil niya. Naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi.

... Kaya pala hindi na nagparamdam sa kanya. Ang sakit naman. Ganoon na lang ba? Nagkalabuan lang sila ni Craig, Ni hindi pa nga sila nag-uusap para magka-ayos pero heto at nakipag balikan na agad sa ex-girlfriend.

In-off ni Aling Martha ang television.

"Ang sakit 'Ma, nagmahal naman ako, hindi ako lumandi. Pero bakit ganito?" Naghihinanakit na sabi niya.

Niyakap siya ng kanyang ina. Mahigpit, ipinararamdam sa kanya ang pagdamay nito. Na bilang ina nasasaktan rin sa nakikita nitong pagluha niya bunga ng nangyari sa kanila ni Craig.

"Ganyan talaga ang Love, anak. Pakikiligin ka, patatawanin ka sa sobrang saya, pero may time din na pwede mong ikalungkot. ikaiyak pag nasaktan ka ng sobra," Hinaplos-haplos siya nito ang likuran niya.

"Pero ganoon talaga eh, nagmahal ka kaya dapat handa ka rin masaktan. Ang mahalaga, natuto ka sa nangyari at ngumiti kahit may luha pa rin sa mga mata."

Natawa siya sa sinabi ng ina, kahit naiiyak pa.

"Ang 'Ma naman, ang sakit na nga ng nararamdaman ko, humu-hugot pa," Napalabi siya.

"Gusto ko lang na wag mo masyadong damdamin ang nangyari anak, bata ka pa, at makikita mo ang para sa'yo sa tamang panahon at oras."

"Parang ayoko na rin 'Ma."

"Huwag ka magsalita ng tapos anak. at isa pa'y di pa rin naman kayo nagkaka-usap ni Craig, May pag-asa pa kayo na magkalinawan. Maniniwala ka ba agad sa napanood mo?"

"Hindi ko alam ang iisipin 'Ma. Kung gusto niyang magkausap kami. Nandyan ang Facebook, celfone or puntahan nya ako dito. Pero ilang araw na hindi man lang siya nagparamdam eh. 'Yun pala nakipag-balikan na siya kay Clarisse."

"Magiging maayos rin ang lahat, Angel."

Tumango siya. Nahiga siya sa kandungan ni Aling Martha. Ngayon lang ako iiyak 'Ma, ngayon lang ng dahil kay Craig, dahil bukas, sisimulan kong kalimutan siya. lahat sa kanya! Sabi niya sa isip.


Kinabukasan ay naging maingay ang kanyang notification at inbox sa facebook. Pagbukas pa lang niya ng account. Mga messages mula sa kanyang mga kaibigan at fanatics ni Craig na nagtataka kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ng binata. Pati celfone niya, nakisabay na rin. May mga text mula kay Craig pero hindi niya binabasa. Kung nagtatangka naman na tumawag ay kina-cancel niya agad.

Pagkatanghali ay nagpunta sa kanila si Craig, ang kanyang ina ang unang humarap dito at bahalang nag-alibi. Sa ilang minutong pinakikinggan niya ang usapan ng kanyang ina at ni Craig, ay narinig niya ang pakikiusap nito na makaharap siya. gusto na niyang bumigay at maawa rito, pero nagawa niyang pigilan ang sarili. Buo na ang loob niya na iwasan itong makausap. Umuwi itong bigo.

Para saan pa at pakikinggan niya ang mga gusto nitong sabihin? Dapat ay manahimik na lang ito dahil nakipagbalikan na kay Clarisse.

Makakalimot rin siya gaya ng sabi ng kanyang ina. At darating ang araw na "Hu-U" nalang si Craig sa kanya.

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon