ATTRACTION

1.2K 84 9
                                    


                    Dedicated to: Myna Santiago and Jhezzy.

         Chapter Five
         
               Two Years ago na mula nang itayo ang Venice GrandCanal Mall na matatagpuan sa Mckinley Hills, Taguig, pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon si Angelique na makita ng personal ang tinatawag na 'Romantic Mall'. Naririnig niya sa usap-usapan ng mga kakilala na sinasabing masarap pasyalan. Inspired ito mula sa sikat na scenery spots na makikita mismo sa Venice Italy.
    
              Ang Romantic Mall ay hinahati sa gitna ng isang malaking Canal kung saan pwede ka sumakay ng Gondola na meron naka-assist na boat paddler.Nakasuot pa ang mga ito ng traditional 'Gondolier Clothing'. Habang nasa bangka ay matatanaw mo ang mga kainan at shops na nasa magkabilang side. Dagdag atraksyon rin ang mga nakapalibot na nagtataasang mga Condo Units na punong-puno rin ng mga ilaw kaya naman lalong gumanda ang romantic ambiance sa paligid ng mall.
  
                Sulit na sulit ang halos isa't kalating oras na commute niya. Sa ganda ng tanawin na nakapag pahanga sa kanya.
        
               Mula sa masikip at mataong PNR hanggang sa Jeep, kaya naman pagbaba niya ng sinakyan ay pinagpapawisan na siya.
   
               Sinipat niya ang sarili mula sa compact mirror na kinuha niya sa dalang handbag na kulay brown at Coach ang brand mula sa Divisoria. Fresh pa naman ang kanyang hitsura. Mabuti naman.
   
            Naupo muna siya sa bench na may mga malilit na halaman sa paligid at tiningnan ang relo na nasa bisig.
  
            Ten minutes bago mag Seven O' clock pm. Sana ay sakto sa oras gaya ng usapan na makarating si Craig. Baka naman pag antayin pa siya.
  
                Sa totoo lang ay ginugulo pa rin siya ng alalahanin. Bago pa man siya umalis ng bahay. 
     Kung tama ba ang ginawa niyang pagpayag sa kondisyon ng binata na makipag-date rito. Hindi kaya inilalagay na naman niya ang sarili sa isang mas komplikadong sitwasyon?
 
             Na sa halip na mabalik sa tahimik ang kanyang buhay ay maging mas magulo pa?
    O hindi lang dahil sa nais niya na mawala ulit ang mga bashers kundi gusto talaga niyang makita si Craig.
   
               Imposible! Tutol niya. Hindi ito importante. Hindi ito ang lahat sa kanya.
  
              Tunog ng kanyang Celfone ang nakapag patigil sa kanyang pag-iisip. Tumatawag na sa kanya si Craig.
 
           "Hello Craig, Nasaan ka na ba?"
  
          "I'm here... nasaan ka dito sa Mall?"

          "Dito sa may bench, yung mga mga halaman at ilaw."
  
            "Okay...nakikita kita, listen i have an instruction for you. Medyo tinatamad ako pumunta sa gawi mo. Napagod ako mag-drive."
 
           "So? Anong gagawin ko?"

          "Ikaw ang pumunta sa lugar ko."
 
          "Eh nasaan ka ba? Sabihin mo sa akin kung saang establishment or resto, para madali kita mapuntahan."
 
           "Just do my instructions first ok."

            "Oo na. May pa-instructions ka pang nalalaman, baka maglolokohan lang tayo. Makikita mo!"
 
                 "Alright, ayoko ng reklamo ha? Listen---"
   
   
               Humakbang raw siya ng fifteen steps pasulong at ten steps pa ulit pakanan na ginawa naman niya. Pabulong pa siyang bumibilang habang naglalakad. Kaya naman pinagtitinginan siya ng mga taong nadaraanan niya at nakakasalubong.
   
              Gusto niyang lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan kapag nakikita niya ang mga ngisi at pagtataka ng mga nakakasalubong.
 
              Humanda ka ulit sa akin Craig, kapag natapos ako dito sa pinagagawa mo! Aniya sa isip. Nasa tapat na siya ng railings ng Canal
  
               Tumunog ulit Cp niya matapos magawa ang instruction ng binata.
  
              "Oh ano pa ang gusto mong gawin ko? Nasa harap na 'ko ng Canal. Tatalon na ba ko?" Sarkastiko na wika niya agad rito ng sagutin ang tawag nito.
    
              Narinig niya ang lutong ng tawa ni Craig. Pero siya naman ang hindi natutuwa. Tagaktak na ang pawis niya. Basa na ang kanyang kili-kili na nalimutan niyang pahiran ng anti-perspirant.
 
          "Malapit ka na sa akin. Umatras ka ng twenty-five steps ng hindi lumilingon at kumanan ka ng sampung hakbang." Anito.
    
           "Next time magdadala ako ng roller blades ha?" Gigil niyang wika rito. In-off ang call. Ang walanghiya! Gusto siyang nakikitang nahihirapan at nagmumukhang tanga. Naisahan siya.
      
            Gusto na niyang mag-maktol. Magpapadyak at sasamahan na rin niya ng iyak. Pinaglalaruan na nga siya ng Hudyo.

            Umatras siya ng lakad at bumilang. Pabalik lang siya sa pinanggalingan.
  
          "One, two. Three. Four fiveee ---eeeeeeeeeeek!" Ang lakas ng tili niya ng muntik ng madapa dahil naapakan ng suot niyang sandals ang empty bottle ng mineral water.
 
            Tinginan sa kanya ang mga naka tambay at shoppers na naglalakad. Tabingi ang ngiti niya. Sa huli ay nagawa niyang mag patay-malisya. Taas-noo na parang wala nangyari.
 
          Mabuti nalang nai-balance pa rin niya ang sarili. Kundi ay kahiya-hiyang sitwasyon lalo ang aabutin niya.Di niya ma-take ang magiging hitsura. Pwedeng paupo siya bumagsak o kaya naman ay naka-split. Sira ang poise!
Ipinagpatuloy niyang lumakad. Abala na siya sa pag-iisip na sampalin ulit ang binata ng dala niyang handbag. Hindi na bale na maeskandalo at magulo ulit ang kanyang buhay. Gaganti siya sa pagpapahirap nito sa kanya!
  
                Natutukso na siyang lumingon habang paatras maglakad pero nanaig pa rin sa kanyang sundin ang instruction ng binata.
 
                Pero nagulat siya ng sa pang-twenty na niyang bilang ay nabangga ang likod niya. Agad siyang napalingon.
   
              Si Craig Ethan...

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESWhere stories live. Discover now