WORD WAR

2.5K 99 21
                                    

        Dedicated to: Hilda Metin-Yaneza

Chapter One
    
After Two Years...
               
              Napataas ang mga kilay ni Angel habang nakatunghay sa monitor ng desktop pc niya.  Muli niyang pinasadahan ng tingin ang nabasang imbitasyon ni Craig Hidalgo sa Facebook, Kagigising pa lang niya mula sa pagkaka-idlip ng i-text siya ng kaibigan na si Pia para i-inform sa nabasang post mula sa lalake.
    
           Craig Hidalgo (Knight of the Bluemoon)
           Posted : 5 mins ago.
      
         "Hi sa mga babes kong pa-virgins Invite ko sana kayong lahat to support our upcoming booksigning sa Prime Bookstore branch sa Sm Dasma Cavite. Sunday, 2pm to 6pm.  Kasama ko rin ang FAVE WRITER AT IDOL ko rin na si Ms. Sofie Russford. First 10 girls na unang darating may kiss sa akin! Kiss lang pero pwede ring hipo! Hehee!"
25 comments.     98 likes.    70 share.
    
            Inis na sinimangutan niya ang desktop pc. Bakit ba laging nakikisawsaw tong lalaki na'to? kahit sinong sikat na writer ay dinidikitan. halatang 'user-friendly'  sa isip-isip niya.
    
           The Who si Craig?  Si Craig Ethan ay isa ring writer ng sikat na publishing company ng mga de-kalibreng romance tagalog pocketbook kung saan under din ng nasabing publishing ang hinahangaan niyang writer na si Ms. Sofie Russford.
    
          Marami siyang reason kung bakit asar siya sa binatang writer. Para sa kanya, isa na roon ang kaangasan nito. Pangalawa ay ang pagiging chickboy. Pangatlo ay kabastusan. pang-apat ay manggagamit. Sumasakay sa popularity ng ibang sikat na writers.
   
         Mag-type pa lang siya ng comment sa post ng tumunog ang kanyang celfone. Si Pia, close friend niya, marahil ay uususain siya nito tungkol sa reaction niya sa post, at gustong makipag-chikahan sa kanya.
    
           "Nabasa mo ba yung post?" bungad agad sa kanya ng kaibigan. Halatang sabik na makipag-tsismisan. Nakikinita-kinita pa niya ang hitsura nito. Naka pajama at magulo ang buhok habang nakaupo sa kama, nakaipit sa balikat at ulo nito ang celfone habang gumagamit ng laptop.
     
           "Oo, mag-type pa lang ako ng pwedeng i-comment ng tumawag ka ngayon," Aniya.
    
          "Grabe ano?  fan rin daw siya ni Ms. Sofie at hinikayat pa ang mga fanatics niyang pabebe at jeje girls na pumunta para suportahan ang fave writer natin."
 
           "Luh! ang kapal nga eh, daig pa yung Hardiflex dito sa bahay, anong akala niya, walang reader si Ma'm? Mahiya siya balat niya! if i know, gusto lang din niya makisakay sa popularity ni Ms. Sofie," May disgusto sa kanyang mukha habang magsasalita.
    
         "Korek ka dyan beshie," Sang-ayon nito sa kanya.
    
         "Ewan ko ba sa mga jeje fanatics niya, patay na patay dun sa taong yun eh ilang years pa lang naman nagsusulat. two years? tapos di naman kagandahan ang mga sulat. so cheeaap!"
  
          "Pero infairness friend. bestselling din siya. saka dagdag points sa mga jeje girls niya yung pagiging gwapo." Humagikgik ito sa kabilang linya.
  
         "Gwapo ba kamo? Saan banda? Gosh! Pia, don't tell me na crush mo yun? Eeewww! Kailan ka pa nagbaba ng taste?" Napataas ang boses niya. "Saka look, maaangas pa mag-post sa Facebook lagi! Pati sa fans rude rin!" Itinirik niya ang mga mata.
   
           "Ayy! Friend grabe ka ha? Sinabi ko lang na gwapo, crush na agad? Pero aminin natin, kahit maaangas yung tao eh mahal siya ng mga fanatics nya."
    
          "Oh edi wow! Siya na! anyways, later na tayo ulit mag-chika, wait mo ang comment ko sa post ni Craig Maangas. Mawindang ka!" Excited niyang wika sa kaibigan.
  
         "Oo na! K! Bye!" Pagpapaalam ng kanyang kaibigan.
   
     
             Binalikan niya ulit ang nakita na post ng kinaiinisan na writer sa Facebook.  Tingnan nya lang kung hindi ito maligalig sa gagawin niya. Ilulugar niya sa dapat sa dapat kalagyan.
    
         Nag-type siya sa comment box.
  
        "Talaga fan ka rin ni Ms. Sofie? Ows, di nga? kung talagang fan ka, ilang books ni Ma'm ang meron ka at ano ang pinaka-gusto mong nobela niya?" Excited pa siya habang tinitipa ang komento niya.  Abot-tenga ang kanyang ngiti.  Parang nakikita na niya ang magiging reaction ni Craig maangas, malamang ay hindi nito masasagot ang mga tanong niya. Mapapahiya ito tulad ng gusto niya mangyari.
    
           Habang wala pang reply ay nag-minimize muna siya ng window ng Fb, at nagbukas ng panibagong site. Soundtrip muna siya sa Youtube.
   
          Di pa man siya natatagalan makinig ng mga lovesongs ay nag-pop up na ang notification na nagsasabing "Craig Hidalgo replied to your comment on his post."  Agad niyang binalikan ang Fb para tingnan. Daig pa niya ang sinisilihan sa puwet dahil sa pagmamadaling makita ang sagot.
     
         "Pasensya na ha? Ilan lang ang mga books na collection ko na obra ni Ms. Sofie."
    
        Napapitik pa siya sa ere. Tama nga ang hinala niya! Hindi totoong fan ni Ms. Sofie si Craig. Napasimangot. Gigil mode siya.
   
       "Mga anim lang, wala kasi akong pera pambili. kung gusto mo pwede ka mag-donate sa akin, tutal mukha ka namang mayaman." With matching emoticon na kumikindat.
    
        Napa "whaaat!" siya. Hindi na maipinta ang hitsura ng kanyang mukha, parang luya na kulubot. reply agad ang ginawa niya. Maingay na ang tunog ng keyboard dahil sa bigat ng kanyang daliri sa pag-type dala ng inis.
   
        "Echosero ka ha! Bakit ako mag-donate sa'yo? Close ba tayo? hayan buking tuloy na di ka talaga fan ni Ms. Sofie. Huwag kasi magkunwari."
    
       "Miss Angel na ibinagsak ng langit at may tatlong sungay, walang basagan.  kung ayaw mo maniwala na fave writer ko rin yung fave writer mo, eh, problema mo na yan. Wag ako. okay?" sagot ni Craig.
  
        "Ang bastos mo talaga grabe! How dare You! Mukha ba akong demonyita? Eh ikaw, Feeling God's Gift to women?"  Nandidilat na ang mga mata niya habang pumipindot. Labas na ang kanyang mga litid sa leeg.
  
         "Proven naman, Gusto mo pati sa'yo iregalo ko ang sarili ko?"
   
        "Ewww kadiri ka! You're not my type! Ibuburo ko na lang sarili ko. " Nilagyan pa niya ng sangkatutak na emoticons na dumuduwal,  para ramdam ng kaaway niya ang pandidiri niya sa mga sinasagot nito. 
    
         "We'll see. Walang iyakan ha?" Anito. May emoticon naman na nag-flying kiss.
  
          Akala niya'y sa kanila lang iikot ang sagutan, nalimutan niyang sa comment box sila nag-aaway at sa mismong post nito. Kaya naman nakaagaw na ng atensyon lalo na sa mga fanatics ni Craig.
    
         Saglit pa ay siya na ang pinuputakti ng bashers, inulan na siya ng mga masamang comment at mga foul words. Gaya ng "di ka maganda!" "Wala kang ganda!"  "Butt hurt" "loser!" "Ang bitter mo! Iiyak na 'yan" "pakyu ka po ate ng mga bente!" at "Go to hill! beach!" na galing pa sa isang bisaya na fan nito.  kung ano-ano pang mga salita na kung pwede lang ipakain sa kanya ay malamang, kanina pa siya busog. may kasama pang dessert! ang walanghiyang Craig, pinabayaan siyang awayin ng mga jeje fanatics nito.
   
         Sa isip-isip niya.  Hindi marunong umawat. Sabagay, ano pa ba ang aasahan niya? sa mga fans ito kumukuha ng ikabubuhay.
   
        Dumami rin friend request niya, marahil ay kung hindi na-curious sa kanya ay nais na guluhin ang profile niya.
  
       Isang oras din na maingay ang Facebook niya. Ang iba'y kanya ng binlocked para di na makaporma ng away sa kanya.
   
      Namaltos na yata ang mga daliri niya sa hintuturo at hinlalaki kapipindot ng option na "block"  hindi maubos-ubos ang mga keyboard warriors. Isa lang naisip niya ng oras na iyon.
        
         Ayaw na niyang mag-Facebook!

        

           Bumukas ang pinto. Sumilip ang kanyang ina. Si Aling Martha. "Anak, bumaba ka na para makapag-almusal  at maligo. magbabantay ka pa sa shop. Pupunta naman ako sa palengke."
         
          "Sige  'Ma, saglit lang." aniya. Pinasadahan muna ng tingin ang sarili sa salamin na nakasabit sa kanyang room. Ipinusod niya ang  buhok na lagpas balikat.
          
          Araw-araw ganoon ang kanyang routine, babangon, sisilip saglit sa kanyang desktop para mag-online. mag-almusal at maliligo para magbantay nang kanilang Computer shop.
      
       Isang taon na mula ng makapagtapos siya sa kursong Tourism, pero nganga pa rin siya. Wala pang nangyayari sa kanyang paghihirap sa paghahanap ng work. Kaya naman sabi ng kanyang butihing ina ay tumulong muna siya sa managing ng kanilang netshop, para kahit paano ay may magawa raw siya sa buhay. 
   
        Siyempre may weekly allowance. Hindi naman buong araw ang pagbabantay niya dahil pinapalitan siya ng bunsong kapatid. Pagkauwi nito galing sa school.
     
       Bukod pa sa pag-aasikaso niya sa kanyang online business. Nagbebenta siya ng RTW. karamihan ay made from Taiwan at Korea. Na uso talaga sa mga kabataang tulad niya. may mga suki na siya na paulit-ulit umo-order sa kanya kapag may nagugustuhan.
         
        Pero hindi siya kontento. Ang gusto niya ay makapag-work. Kumita at makapagbiyahe sa mga lugar na pangarap niya marating.

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESWhere stories live. Discover now