WHEN LOVE IS NOT ENOUGH

955 44 0
                                    

                    Note: Matapos ang isang taon ay nagawa ko rin i-update itong story nina Craig at Angel. Humihingi ako ng paumanhin sa mga nainip maghintay ng update. Marami pong salamat sa patuloy na pag suporta!

                  Dedicated to adiks and Athena Marianne Guinto.

                 Chapter Ten.

                 Abala silang dalawa ni Craig sa panonod sa mga batang gumagawa ng Sand Castles. Kapag natapos ay puwede silang mag-selfie doon. May bayad nga lang pero malaking tulong iyon sa mga batang doon din nakatira.

                Two days na sila sa Balakbakan Resort. Marami na silang napuntahan at nakapag tour pa sa karatig na isla. Habang nasa bangka pa nga sila ay tanaw na tanaw niya ang ilang mga coral reef mula sa malinaw at mangasul ngasul na tubig dagat. Wonderful experience para sa kanya ang bawat magkasama nilang pamamasyal.

              Okay na sana ang lahat pero ilang oras pa lang mula sa pagdating nila ng resort ay siya namang sulpot ni Clarisse. Umukupa ito ng isang cottage malapit sa kanila. Ni wala silang ideya ni Craig kung paano nito nalaman ang where abouts nila. Samantalang ni wala itong sinabihan kung saan ang out of town nila. Even sa Social account ay pinangatawanan nitong manahimik. Pinigil ang sarili ng mag post ng bawat moments nila sa resort. Privacy nga naman.

                  Pero si Clarisse, wala itong pakialam sa privacy nila. Kulang na lang ay buntutan na nito ang binata. Di na siya magtataka kung makita nila itong umaaligid aligid sa cottage nila.

                 Tulad na lang ngayon. Malapit sila ni Craig sa dalampasigan. Naglatag sila ng sapin sa buhanginan. Mula kung saan ay biglang litaw ang pesteng Ex ni Craig. Naka two piece bathing suit na lavander ang kulay. Habang naglalakad ay sinadya pang igiling ang beywang. Alam na niya na may gusto itong akitin. Nahiling nga niya na sana ay maihipan ng masamang hangin si Clarisse.

                   Papayag ba siya na magtagumpay ito na guluhin ang masayang moments nila? Of course not! Buti na lang, naka bathing suit din siya. Scarlet red naman ang kulay na pinili niya. Medyo litaw na ang mga kuyukot niya. Sinigurado niyang luluwa ang mata ni Craig at sa kanya lang ang focus kapag nakita siya. Well, nagtagumpay nga siya. Balewala sa binata ang pang aakit ng Ex.

                  Kung di ba naman nananadya ay naglatag rin ng sapin ang pesteng Ex ng binata sa tabi nila.

                  "Tart, masakit kasi ang likod ko at balikat, pa massage naman please?" Lambing niya kay Craig. Pinapungay niya ang mga mata. Nang-aakit ang tinig niya. Iniabot niya ang lotion.

                "Sure, my Angel---"

                 "Hahaha! My Gosh! Kasing-edad pa lang kita pero may backpain ka na? Sign of aging yan darling. Iba talaga kapag ang beauty eh hindi na fresh." Pasaring nito. May himig pang-iinsulto ang boses ni Clarisse. Iniayos nito ang shades na nasa buhok.

               "Mukhang hindi naman Girl." Patol niya rito. "Nasobrahan lang kami ni Tart kahihiga. Ang sweet at ang lambing kasi. Gusto niya lagi kami nakahiga at nagyayakapan." Pinakilig niya ang boses at humagikhik. Para siyang pabebe maasar lang ang malditang ex ng nobyo, na pumapel pa.

                "Hay naku, we've been there, higit pa sa yakapan darling, baka pag nalaman mo. Magbigte ka sa inggit." Inihawi nito ang bangs at iniayos ang strap ng two piece.

              "Clarisse! Stop it." Saway ni Craig.

               Pilya ang ngiti sa labi ni Clarisse, ang tingin sa kanya ay nanghahamon.

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon