ALL OUT OF LOVE

1.3K 81 8
                                    

          
     Dedicated to: Sharmyn Lee Irving

         Chapter Three
     
       "Nahihiya po ako sa nangyari Ma'm, di ko dapat ginawa kanina." Wika niya rito habang namamasa na ang magkabila niyang mata. "I'm sorry Ms. Sofie, di ako nagpaawat,"
   
        Nasa isang Cafeteria sila, breaktime ng booksigning, pinuntahan siya ni Ms. Sofie makaraan ang ilang oras matapos ang mainit na eksena. Doon siya nagpalipas ng oras matapos na pakiusapan ng ilang staff sa event na lisanin muna ang event. Naiiwas siya agad sa mga fanatics ni Craig na gusto siyang sugurin.  Mabuti na lang at may guard na umeksena.
    
      Niyakap siya nito. "Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin, Pareho ninyong di nakontrol ni Craig ang isa't-isa, kaya mas mabuti, Mag-usap kayo after nitong event para maging ok ang lahat." Anito at kumalas ulit sa kanya para bumalik sa pag-inom ng frothé.
   
     "Baka po ma-banned na 'ko sa mga event?" Nag-aalalang wika niya.
  
      "Hindi yan, kaya nga dapat magkaayos kayo ni Craig, lahat ay nadaraan sa maaayos na usapan at kung anuman ang kahihinatnan ng usapan nyo, be ready, tanggapin mo." Malumanay na wika nito sa kanya.
    
      "Sorry po talaga Ma'm,"
     
      "Mabuti pa, umuwi muna kayo ng friend mo, mag-usap tayo sa messenger pag-uwi ko mula sa booksigning. Hindi kita pwedeng hayaan dito o pabalikin sa store. Mainit sa'yo ang mga jeje girls at Craignatics."
       
      "Sige po, okay lang naman po ako, wait ko na lang si Pia. Tapos uuwi na po kami."
   
      Tumango si Ms. Sofie. Hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya. Nasa mga mata nito ang concernment para sa kanya.
       
         "It's already 10 o'clock, Craig, masyado ka yatang na-late umuwi ngayon.  Bungad sa kanya ng inang si Mrs. Helen Hidalgo. Nakaupo ito sa sofa sa salas at nanonood ng showbiz balita habang nagkukutkot ng kropek na isinawsaw sa spicy vinegar.
     
        "Maraming books na pinirmahan 'Ma, tapos na-traffic pa 'ko doon sa may Litex,"  Hinalikan niya ang ina sa noo at naupo sa tabi nito. Hinubad niya ang rubber shoes at medyas. Itinabi sa shoe rack na kalapit ng sofa.
   
      "Successful ang booksigning mo lagi anak, Masaya ako para sa'yo. teka lang, Gutom at pagod ka.  Ipaghahain na muna kita para makapagpahinga ka ng maayos.  Favorite mo ang niluto ko." Nakangiting wika ng kanya ina. Pinisil siya sa pisngi.
    
       "Aaaww!" Daing ni Craig. Ang bahagi ng pisngi na nasampal kanina ng book ang napisil ng kanyang ina.
  
        Natigilan ang kanyang Ginang. Sinipat nito ang kanyang namumula na kanang pisngi. "Ano ang nangyari dyan anak?"
  
        "Uhmm... wala 'Ma, nabangga lang ako kanina sa bookshelf... 'yun nga, nabangga ako." Alibi niya.
     
        "Next time, be careful anak, sige na umakyat ka na sa kuwarto. Aasikasuhin ko na pagkain mo."
     
        "Thanks 'Ma, you're the best!" Niyakap niya ito ng mahigpit. "Paakyat na lang sa room ng foiod 'Ma, doon ako kakain. I'll take a quick shower first."
    
         Pumasok na siya sa kuwarto.  Pagkasara pa lang ng pinto ay agad na naghubad ng pang-itaas na long-sleeve polo checkered na itinupi ang manggas hanggang siko. Isinunod ang panloob ng white printed shirts. Kinalag ang butones ng dark maong pants at hinubad hanggang briefs na kulay black  nalang ang natira niya na saplot.
    
        Hinatak niya ang plastic drawer na nasa tabi ng kanyang bed para kumuha ng boxers. Matapos ay tumuloy na sa shower room.
   
        Ilang minuto lang ay nakatapos na agad siyang maligo. Sinigurado niyang natanggal lahat ng init at alikabok na nakuha niya mula sa pagbibiyahe. Kung tutuusin, hindi niya kailangang mag-commute dahil may kotse naman siya. Regalo iyon sa kanya ng Papa niya na isang OFW sa London. Pero dahil gusto niyang makatipid sa gas at energy ay nagdecide siyang magbiyahe. Pero sa halip makatipid ay pagod at gastos nga ang inabot niya.
   
           Napangiti siya paglabas ng shower room ng makitang may nakapatong na tray sa mini-table  na nasa paanan ng kanyang bed. May laman ang tray ng fave niyang ulam na kare-kare na may bagoong, kanin at isang baso ng Milk. Ganoon siya kaasikaso ng kanyang mother.
    
          Isinuot nya lang ang boxers at pagkatapos ay hinarap na ang pagkain. Sandali lamang ay naubos na agad dahil sa kanyang gutom. Itinabi muna niya sa tray ang mga pinag-kainan, mamaya nalang niya dadalhin sa kusina.
     
          Kinuha ang gitarang nakasabit sa may wall. Naupo sa may bintana. Kung saan tanaw ang mga katabing mga bahay na puro magaganda rin .Kapag di siya dalawin ng antok ay pagtipa ng gitara ang pampalipas oras niya at kanyang sinasabayan rin ng pagkanta.
  
         Wala naman siyang nabubulahaw na kapitbahay.
    
          Ipinikit niya ang mga mata, ninamnam niya ang pagkanta pero imahe ni Angel ang lumitaw kung saan kitang-kita niya ang reaksyon nito kaninang inaasar niya, which urged him to tease her more.
    
         Namalayan na lang niyang napapangiti na siya at nakayakap ng mahigpit sa gitara.
     
        "Oh no!" Usal niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Kanina nakakaramdam  din siya ng pagka-balisa at tuliro mula ng magkaharap sila ng dalaga.
    
         Minsan na niyang naramdaman ang ganitong pakiramdam, kay Clarisse. Pero ngayon mas masidhi. In-love na ba siya ulit?
     
        "It can't be!" Tutol niya sa isip. "Pero... she's so fearless." Sabi ng kabilang isip niya." Hindi siya nakaramdam ng galit ng sampalin ng dalaga,  instead namangha pa.
  
         Wala pang babaeng nakagawa ng ganoon sa kanya. Sinisigurado niyang head over heels sa kanya ang bawat namemeet na bawat babae. Eventually ay nagiging nobya. Yes he's a jerk pero mula ng iwan siya ng nobya. Natuto na siya. Nakikipag-relasyon siya pero hindi kasing-lalim ng pagmamahal na ibinibigay niya dati. Kaya palit-palit lang.
  
         Yakap pa rin ang gitara ay hinawakan niya ang celfone, nag-browse sa facebook para silipin ang profile ni Angel. Naka-private na ang profile ng dalaga di gaya dati na buong-buo pa niya nakita ang mga personal info at pictures nito. Natakot siguro ito na balikan ulit ng mga fanatics nya gaya noong unang sagutan nila.
   
         Mabuti na lang at hindi na-disable ng dalaga ang message option nito which is favor to him. I-message nya kaya si Angel? Ano naman sasabihin niya? Wait dapat ito ang mag-message sa kanya para man lang mag-apologize.  sa isip-isip niya.
  
         Ibinalik niya ang gitara sa sabitan nito at sumalampak ng higa sa kama. Inunan niya ang mga braso at bisig. Huminga siya ng malalim.
  
         Two years ago bago siya iwan ng nobya, he was just an ordinary guy. kahit na ba sabihin na sikat ang karelasyon niya at minsan ay nasasabit ang name niya kapag tinatanong ng mga reporter si Clarisse about their relationship ay nanatili pa ring private ang buhay niya. He value his privacy.
 
         There were times na may mga producers at agent na nag-alok sa kanya para mag artista o maging commercial model, dahil di lang siya gwapo kundi may karisma pa, ang sabi nila, but he manage to refused those offers. katwiran niya ay kontento na siya sa pinapasukan na advertising agency. hindi siya para sa pag aartista.
  
          Nabaling lang ang atensyon niya sa pagsusulat after relationship niya kay Clarisse. Devastated at that time, maliban sa kanyang ina ay wala siyang makapitan, para siyang nalulunod. Pinili naman niya itago ang saloobin sa mga malalapit na kaibigan.
   
         Minsan ay sinabi ng kanyang close friend na romance writer sa isang publication,  na tutal ay marunong siyang magsulat,  bakit di niya subukan rin, binanggit nito ang isang app sa android phone. Noong una ay pinag-iisipan pa niya, sinubukan niyang gumawa ng isang rom-com na novel pero two chapters pa lang ang ipinost niya.
  
         Hindi niya sukat akalain na matapos ang dalawang araw, nang buksan niya muli ang kanyang account ay binabaha na siya ng notification at mga feedbacks from readers na humihingi ng karagdagang updates sa kanya novel.
    
         Naengganyo siya, hanggang matapos ang isang nobela at nasundan kaya naman ng mabalitaan ito ng isang publication ay inalok siya na magsulat sa kanila. Nagpakita ng interest na mai-publish sa pocketbook ang mga gawa niya sa isang site.
  
        Masasabing nakatulong ang pag-iwan sa kanya ng nobya kaya naman madami siyang hugot sa bawat isinusulat.
    
         Suddenly, his phone vibrate. May tumatawag. Pero hindi naka-registro ang number kanyang contact list. Mula pa sa ibang bansa ang tawag.
    
       Without a doubt, pinili niya pa rin sagutin.
    
        "Hello?"
     
       Wala siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. Tanging ingay lang mula sa  background music ang narinig niya. Pamilyar pa sa kanya ang song. ALL OUT OF LOVE. maaari ba niyang makalimutan ang kanta. iyon ang lagi niyang kinakanta para kay Clarisse.
     
       Pinutol niya ang tawag. Alam na niya kung sino ang nasa kabilang linya. No need to use his instinct.
 
       Saglit pa lang niya nailalapag sa tabi niya ang cellphohe ay nag-vibrate ulit.
   
       "What do you want?" Di niya maitago ang pagkairita sa boses. Si Clarisse ang hindi niya gugustuhin na kausapin pa ulit.
  
     "I'm coming home, Craig. for Good. I missed you so much honey." Sabi ng nasa kabilang linya.
    
     Natigilan siya. Nagtagis ang mga bagang. Pinatay niya ang phone.
       
     
    
             Hindi mapakali si Angel sa pagkakahiga, hindi rin naman siya dalawin ng antok dahil sa patuloy niyang naiisip ang nangyaring gulo sa booksigning.  May guilt feelings siya, hindi naman siya bayolente pero nakagawa siya ng ganoong bagay. Na dapat ay hinabaan pa niya ang kanyang pasensya.
  
          Sa isang banda naman ay sinasabi ng kanyang kabilang bahagi na tama lang ang ginawa niya. Inasar siya ni Craig kaya dapat lang ang pagsampal niya rito. Tama lang ang leksyon.
   
        Pero sumagi sa kanyang isip ang mga napag-usapan nila ni Ms. Sofie Russford. Ang kagustuhan nito na magkaayos sila ng binata.
   
         Pag-iisipan nya muna kung makikipag-usap siya Craig.

NOW THAT I HAVE YOU-COMPLETED/ UNEDITED. Published SWEET HEART ROMANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon