CHAPTER ONE

18.6K 560 40
                                    

A/N: Dedicated to the first ever commenter.

**********

Six years ago...

"Ano ba Roselda?! Alam mo namang may menor de edad dito, e. Ang bunganga mo!" saway ng isang mamasan (pronounced as mamasang) sa alaga niya. Maharot kasi magkuwento si Ate Roselda. Pati posisyon nila ng customer niyang Hapon ay nilalarawan in graphic details. Ultimong nunal sa pinakaulo ng ano ng lalaki ay kinukuwento pa nang buong detalye. Kung marunong nga lang akong mag-drawing tiyak na maisasalin ko na sa papel ang hitsura ng itits ng pinaka-latest niyang parokyano.

"Ilang taon ka na ba, Pipay?" tanong ni Ate Roselda sa akin.

"Disinuwebe na po, Ate," kimi ko namang sagot.

"Nakow, disinuwebe na pala, e! Sigurado nakatikim na ng itits 'to! Aba, no'ng mga ganyang edad ako'y nakailang palit na ako ng boypren. Lahat sila natikman ko."

Hindi na nakatiis ang mamasan. Pinokpok niya ng nirolyong newspaper sa ulo si Ate Roselda at pinapasok ako sa silid ko. Ang mamasan na iyon ay walang iba kundi ang Tita Chayong ko.

Bunsong kapatid ni Mama si Tita. Simula't sapol ay sa Japan na ito nagtrabaho. Ni wala pa raw itong disiotso nang unang tumuntong sa Osaka. Ang dahilan no'n ay ang unang kabiguan sa pag-ibig. Hindi raw kasi pumayag sina Lolo't Lola na makipag-boyfriend ito sa isang jeepney driver lang kung kaya pinaglayo sila. Sa galit ni Tita, sumama siya sa unang Hapong nakilala niya nang minsang magawi sa KTV bar ng isa naming kamag-anak. Simula noon ay sa Japan na siya napermi at pabaka-bakasyon na lang sa Pilipinas.

Paboritong pag-usapan ng mga alaga ni Tita ang ari ng mga customer nila. Wala silang pakialam kung nandoon ba ako o wala. Basta kapag nagtitipon-tipon ang mga iyan sa bahay ng tiyahin ko kapag linggo ay walang pigil ang mga bunganga.

"Ano pala'ng nangyari do'n sa Amerikanong nag-take out sa iyo no'ng nakaraan?" narinig kong tanong ni Ate Roselda sa isa niyang kasamahan.

"Hay, naku. Ang lakas ng loob, wala naman palang pera! Sen en (pronounced as seng en – one thousand yen) lang ang naibigay sa akin. Pero---"

"Pero ano, dali?!" pangungulit ng mga kasamahan.

"Ang laki ng ano niya! Grabe, mga sis! Wasak ang keps!" At humagalpak ito ng tawa.

Napahagikhik na rin ako sa kuwarto. Dinig na dinig ko pa rin kasi. Paano parang kasing nipis lang ng papel ang sliding doors na humihiwalay rito at sa sala ng bahay. Natigil lang ako sa kabubungisngis nang katukin ako ni Tita Chayong.

"Pipay! Mag-head phone ka nga! Bwisit na bata ito, a!"

Pinasok ako ni Tita sa kuwarto. Nakaupo na ako no'n sa tataming sahig at nakabuklat ang Minna no Nihongo na Japanese textbook sa ibabaw ng mababang mesa. Para kompleto ang props, nakasuot na rin ako kunwari ng headphone at kumakanta-kanta pa ng Blue Days at mukhang nakikisabay sa awitin ni Ayaka, ang isa sa sikat na Japanese singer, pero ang totoo niyan, hindi umaandar ang Ipod ko.

Nang maramdaman kong lumabas ng kuwarto si Tita, tinanggal ko ang headphone at pinagpatuloy ang pakikinig sa mga kuwento nila. Napag-alaman ko tuloy na hindi basehan ang laki ng katawan para masigurong gano'n nga rin ka-blessed sa pagitan ng mga hita ang isang lalaki. Ang sabi kasi ni Ate Roselda, nadenggoy na siya noon ng isang baseball player ng Hanshin Tigers, ang sikat na baseball team sa Osaka. Na-excite daw siya na sa wakas ay makakatikim na rin ng isang anaconda after a long drought, pero bulate lang pala ang nasagap niya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko sa mga Hapon, gaano man siya ka-guwapo. Halos lahat kasi ng kuwento ni Ate Roselda nagpapatunay na totoo ang haka-haka na pinagkaitan sila ng tadhana.

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon