CHAPTER NINETEEN

10.3K 371 45
                                    

A/N: Merry Christmas everyone!

**********

Matagal nang nakaalis si Kaito pero naiisip ko pa rin ang mga pinagsasabi ko sa kanya. Susko! Paano na lang kung totohanin nga niya ang lahat? Kinatok-katok ko ang sentido. Hindi ka talaga nag-iisip! Nakakainis ka!

Mag-o-ofuro (bath) na sana ako nang nag-ring ang cell phone ko. Bumalik ako sa living room at nagkandakumahog sa pagkuha no'n sa loob ng bag. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil inakala kong tumawag ang hunghang. Para akong lobong nawalan ng hangin nang makita kong si Yamauchi-san lang pala. Sinisiguro lang na nakauwi ako nang maayos sa bahay.

"Tungkol do'n pala sa narinig mong usapan namin ni Fuukawa-san, totoo iyon. O-okay lang ba?" deretsahan niyang sabi. Medyo nagulat ako. Hindi naman kasi ganoon ang mga lalaking Hapon. Naalala ko, hindi nga pala siya puro.

Siyempre, kailangan kong magmaang-maangan. Hindi ko alam pero naasiwa ako bigla. He's a good catch and I should be flattered but my gut tells me I shouldn't believe him. Siguro hindi lang ganoon kalakas ang kompiyansa ko sa sarili na maisip ko agad na ang isang kagaya ni Yamauchi-san who can get any girl he wants ay magkakagusto sa isang Pinay na kagaya ko.

I heard him laugh. Dapat akong kiligin, pero ewan ko ba. Wala iyong dating sa akin.

"Pwede ba kitang ligawan?"

Hindi ako nakasagot agad. Nagtatalo ang isipan ko kung pahihintulutan ko siya o hindi. Alam ko na kasi nang mga oras na iyon na hindi ko siya magugustuhan. Kung napaaga-aga lang sana ang pagkikita naming dalawa, baka nahulog pa ang loob ko. Kaso nga lang...

"Filipa-san---Filipa? Are you still there?"

"P-pasensya na. Nabigla lang ako. Pwedeng saka na lang tayo mag-usap? Dumating na kasi ang Tita Chayong ko at kailangan ko siyang ipaghanda ng hapunan. Hindi pa raw siya nakakain e," pagsisinungaling ko.

"At this hour?" He sounded skeptical.

"Oo. Sige. Kita na lang tayo sa school." At binaba ko na agad ang phone. Napahawak pa ako sa dibdib. Gosh! Paano ko kaya siya pakikiharapan sa eskwelahan? Ayaw ko siyang manligaw. Nakakainis naman, o!

Halos tanghali na kami nagkita ni Tita Chayong kinabukasan. Inumaga daw sila ng pagsasara ng o-mise dahil mayroong mga parokyano roong halos ayaw umuwi. Halos sumalampak na lang siya sa silya sa kusina con kumedor namin. Mukhang patang-pata ang katawan.

"May nangyari ba sa inyo ni Kaito?" bigla na lang niyang naitanong sa akin habang pinaghahain ko siya ng brunch niya. Muntik ko nang matapon ang sabaw ng hawak-hawak kong mangkok.

"Tita naman! Ano naman ang akala n'yo sa akin?"

Nangunot ang noo niya't sinimangutan pa ako.

"Ang advance ng utak mo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin! 'Kako nag-away na naman ba kayo? Ang init-init ng ulo niya nang dumating sa omise at halos ayaw na niyang umalis doon."

"Ah," tangi kong nasabi. Nakagat ko ang labi sa pagpigil ngumiti. I just prayed to God na hindi na-sense ni Tita Chayong ang pagiging defensive ko.

"Nagalit po siya sa akin dahil nag-undertime ako kahapon."

"O ba't ka naman nag-undertime? Pambihira ka! E kung masagad ang pasensya no'ng tao at sisintahin ka na lang bigla? Alam mo naman ang ugali ng mga Hapon. Kaibigan ka sa kaibigan, pero kapag papatay-patay ka sa trabaho'y hindi sila mangingiming palitan ka."

"Actually po, hindi naman talaga undertime. Sa labas ko lang po mineet ang isa kong estudyante dahil hindi niya raw kayang pumuntang school. Bawal pala iyon."

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon