CHAPTER TWO

15K 510 35
                                    

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

Hindi muna ako dumeretso sa omise ni Tita Chayong dahil masama pa ang loob ko. Ayaw pa ring tanggapin ng aking kalooban na tinalo ako ng isang estudyante. Ako, na isang LET passer at top five pa sa board exam ng mga guro ayaw nilang bigyan ng pagkakataon tapos ang Australian na walang tinapos ay sampong kamay nilang tinanggap? English major naman ako, a! 'Asan ang hustisya?

"Pipay!" sigaw ng pamilyar na tinig. Paglingon ko nakita ko si Ate Roselda. Kumakaway-kaway pa ito sa akin. As usual, takaw-pansin na naman ang get-up niya, lalung-lalo na ang maroon niyang Valentino hat at dangling earrings. Pero natuon ang paningin ko sa matandang Hapon na kaabrisyete niya. Mukhang madatung ang lolo!

"Ang saya-saya n'yo yata, Ate Roselda," biro ko. Yumuko naman ako nang bahagya sa kasama niya at kiming bumati ng, "Hajimemashite." na ikinatuwa naman ng lolo.

"Paanong hindi ako sasaya? O!" At tinaas niya ang bitbit na dalawang paper bags na naglalaman ng mamahaling purse. Ang isa ay tatak Chanel at ang isa nama'y Hermes. Siyempre, namilog ang mga mata ko. Napahagalpak naman siya ng tawa.

"Grabe, kakainggit naman kayo, Ate. How to be you, po?"

"Nakows, huwag kang mainggit sa akin. Ito lang ang kaligayahan ko sa matandang ito. Tigang na tigang ako rito, 'no! Hindi na siya tinitigasan kahit anong lapirot ko." Tumawa na naman siya. Napabungisngis naman ako sa sinabi niya. In-imagine ko kasi silang dalawa sa kama. Susko, ang sagwa! Pinilig-pilig ko nga ang ulo para maalis iyon sa isipan ko.

"Baka kasi'y companionship na lang ang habol niya sa iyo."

"Kampanyonshep ka riyan! Ambisyoso ito, ano? Malakas ang payting espirit nito kaso nga lang surender talaga ang batuta niya, Day. Wa na ibuga!"

Nagtakip na ako ng kamay sa bunganga dahil natawa sana ako nang malakas. For a while, nalimutan ko ang kabiguan nang araw na iyon.

"O, ano? Kumusta pala iyong intarbyu mo kanina?"

Nagulat ako. Paano niya nalaman?

"Hay, naku. Alam mo naman si Ate Chayong. Pinagkalat nang magtuturo ka raw ng Ingles sa NOVA. Natanggap ka ba?" kaagad niyang sabi. Nahulaan siguro ang nasa isipan ko.

Si Tita talaga, oo. Tapos kung pigilan ako sa mga pang-aaplay ko, wagas. Nakakainis! Kaya pala nausog ang application ko.

"Hindi po ako natanggap. May kasabayan kasi akong Australian kanina na nag-apply din. Siya po ang kinuha nila," matamlay kong sagot.

Pagkarinig sa Australian, namilog ang mga mata ni Ate Roselda.

"Guwapo ba, Day? Bata? Naku, malaki itits no'n sigurado!"

"Ate Roselda naman." At inginuso ko si Lolo.

"Nakows! Wala namang kaso rito kung maghanap ako ng iba. E sa hindi niya ako napapaligaya, e! Alangan namang magsariling-sikap na lang ako palagi!"

Napailing-iling na lang ako sa kanya. Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil may dumating na kakilala nila ng lolo at nakipagtsika na sila sa mama. Nagpaalam na lang akong papasok na ng Starbucks na nasa kaliwa ko.

Pagkakuha ko ng order na cafe latte, wala sa sariling naglakad ako sa pang-dalawahang upuan sa dulo. Dahil nakapokus ang atensyon ko sa last remaining table, nagulat ako nang bigla na lang may nabanggang pader, este matigas na dibdib pala.

"Kuso!" sigaw ng lalaki. Nagkalat ang latte ko sa puting long sleeves shirt niya. Nang magtama ang paningin namin kapwa kami nagkagulatan. Ang anak ng kaibigan ni Tita Chayong!

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon