Prologo

35.2K 912 188
                                    

Copyright © 2014 All Rights Reserved.
Author: Miss_Ahyenxii

THIRD PERSON'S POV

Ilang linggo pa lang ang nakakaraan matapos manganak si Aimee sa kanilang unang anak na babae nang isinugod nila ang sanggol sa ospital dahil sa taas nang lagnat nito.

"Ikaw na ang umuwi para kumuha ng gamit natin, maiiwan na 'ko dito para mabantayan ko si Haizee," sabi ni Aimee sa asawang si Charlie.

"Ok," tumango ito at humalik sa noo niya bago umalis. Naiwan naman si Aimee na nakaupo sa waiting area na hanggang ngayon ay nag-aalala sa anak. Lumapit sa kaniya ang isang nurse na babae at may inabot na maliit na papel. "Pakipirmahan na lang po ito ma'am para mailipat namin agad kayo sa VIP room." Agad na pumirma si Aimee sa papel na inabot sa kaniya. Nang makaalis na ang nurse, tumunog naman ang kanyang cell phone kaya agad niya itong kinuha sa sling bag na nakasukbit sa kaniyang balikat. Ang asawa niya ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Hello hon," bungad nito sa kaniya, "'yong susi ng kotse nasa bag mo yata, wala sa 'kin." Chineck ni Aimee ang loob ng sling bag niya at nakita niya ang susi roon.

"Nandito hon, nasa'n ka ba? Bababa ako, dadalhin ko na lang sa'yo."

"Sa parking lot."

Pagbaba ni Aimee sa parking lot, agad siyang pumunta sa asawa para iabot ang susi ng kotse. Pero habang kausap niya ang asawa ay bigla na lang silang nakarinig nang malakas na pagsabog mula sa building ng ospital. Pareho silang nagulat dahil bigla na lang nagsigawan ang mga tao. Dumami rin ang lumalabas sa building ng ospital.

"Ang anak ko..." bulong ni Aimee at tumakbo siya pabalik sana sa loob pero hindi na siya makadaan dahil sa dami ng taong nagkakagulo. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makitang nasusunog na ang ospital kung saan naka confine ang kanilang sanggol na anak. "ANAK KO!!!!" Pilit siyang sumisingit sa mga taong nagkakagulo pero hindi pa rin siya nakalusot dahil sa mga guard at pulis na dumating para rumescue at ngayon ay humaharang sa kanila.

"Honey!" tawag ni Charlie sa asawa. Nakita niyang nagigipit ito ng mga tao. "Aimee!" pinilit niyang makalapit dito. Nang mahawakan ang kamay ng asawa, niyakap niya ito nang mahigpit.

"Ang anak ko..." tumingala ito sa kanya habang umiiyak. "Ang anak natin nasa taas, iligtas natin siya parang awa mo na..." pagmamakaawa ni Aimee sa asawa. Nagsimula na rin magtubig ang mata ni Charlie. Hindi niya alam ang gagawin dahil kalat na ang apoy at hanggang ngayon ay wala pang fire fighter na dumarating. "Ang anak natin Charlie nasa taas, pupuntahan ko siya!" Kumawala si Aimee sa asawa at balak na tumakbo para puntahan ang anak pero hinila siya nito pabalik. "Bakit?" umiiyak niyang tanong dito.

Umiling si Charlie habang tumutulo ang luha. "Wag na Aimee..."

"Charlie!" galit na sigaw ni Aimee sa asawa. "Anak natin ang nasa loob! Wala ka bang pakialam?! Mamamatay ang anak natin kapag wala tayong ginawa!" umiiyak pa rin siya.

Hindi na niya mapigilan ang nararamdaman lalo pa at nakita niyang nilalamon na ng apoy ang buong ospital.

"Mapapahamak ka lang kapag pumasok ka pa sa loob, kalat na ang apoy."

"Anong gusto mong gawin ko?! Tumunganga na lang dito habang nasusunog ang anak ko sa loob?!"

"Aimee, makinig ka!" Hindi na rin napigilan ni Charlie ang magtaas ng boses. Alam niyang ikapapahamak ng asawa ang binabalak nitong pagpasok sa loob kaya hindi na niya ito hinayaan sa gusto. Madaming tao ang nag-iiyakan at nagsisigawan kaya hinila na niya ang asawa palayo sa lugar na 'yon. Halos kaladkarin niya ito papasok sa loob ng kotse habang humahagulgol.

"Ang anak ko!" Halos maubusan ng hininga si Aimee habang nakatanaw sa ospital na nilalamon nang nakakatakot na apoy.

6 YEARS LATER...

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now