KABANATA 26

294 24 0
                                    

Jazzmine's POV

Napansin ko si Jenica, pababa ito galing sa rooftop. Ano'ng ginawa n'ya sa taas? Hawak pa nito ang cell phone niya at nakatitig sa screen habang nakangisi.

"Galing ka sa rooftop?" tanong ko, dahilan para mapatigil siya sa gilid ko. "'Di ba bawal pumunta ang mga estudyante ro'n?"

"Ano'ng pakialam mo?" pagtataray nito sa akin. "Hindi lang naman ako ang pumupunta ro'n."

Saglit kong ibinaba ang aking tingin at nahagip ko sa screen niya ang isang larawan na hindi ako sigurado kung sino.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya. Mukhang ang larawan kasi na iyon ang dahilan kung bakit siya nakangisi kanina.

Ngumiti siya bigla. "Ebidensya."

"Ebidensya saan?"

"Wala ka na ro'n." Agad na niya akong tinalikuran at naglakad palayo.

Ano'ng ebidensya naman kaya ang pinagsasabi ng babaeng 'yon?

Sandrynne's POV

Nagising ako dahil sa ingit ni Tristan. Bumubulong-bulong ito at todo ang reklamo na mabigat daw ang aking ulo.

Kaya naman pala. Pareho kaming nakaupo sa semento, nakasandal ang aming mga likod sa pader habang hindi ko namalayang naka-rest na pala ang ulo ko sa kaniyang kanang balikat.

"Buti naman at nagising ka na. Nangawit ang balikat ko sa'yo," reklamo niya nang iangat ko na ang aking ulo. Iginala ko ang tingin at na-realized kong nasa rooftop pa rin pala kami.

"Nakatulog pala 'ko? Bakit hindi mo 'ko ginising agad? Hindi tuloy tayo nakapasok sa last period!" reklamo ko sa kaniya. Tumayo na rin ako pinagpag ang likuran ng aking palda. "At saka, bakit ka nagrereklamong nangawit ka, e, ikaw naman ang nagsandal ng ulo ko sa balikat mo kanina! Inantok pa tuloy ako!" Noong naramdaman ko kasi ang pagyakap niya sa akin kanina habang umiiyak ay agad ko siyang itinulak. Although wala namang makakakita sa amin ay ayoko pa rin na pati iyon ay maging problema pa namin ni Harris. Kaya naman naupo na lamang siya no'n sa tabi ko at hinayaan akong umiyak. Ngunit ilang sandali lamang ulit ang lumipas ay kinabig niya naman ang ulo ko papunta sa kaniyang balikat. At sa pagkakataong iyon ay hindi na ako umapila pa at umiyak na lamang hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Paanong hindi ka aantukin? Ayaw mong tumahan kanina. Daig mo pa 'yung batang inagawan ng laruan." Inirapan pa ako nito.

Kapag nakita na nila ang tunay nilang anak...hindi laruan ang maaagaw sa 'kin. Pamilya.

Napalunok ako bago ko damputin ang aking backpack. "Aalis na 'ko. Ikaw rin umuwi ka na at baka may makakita pa sa'yo rito. Bawal pa naman tambayan 'to." Hindi ko na siya hinintay makatayo. Nauna na akong umalis at iniwan siya roon.

Habang naglalakad ako pauwi sa amin ay hindi ko pa rin maiwasan isipin ang text ni Reb kanina. Paaalisin nga kaya ako ni lola kapag nakita na nila ang tunay n'yang apo?

***

Pagdating ko sa bahay ay napahinto ako sa tapat ng front door dahil naroon si lola. Nakatayo at nakatingin ito sa akin na para bang may ginawa na naman akong malaking kasalanan.

"H-Hi, lola..." mahina kong bati at saka ako bahagyang yumuko sa kaniya.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" Napilitan akong mag-angat ng tingin nang tanungin niya ako. Nakaharap sa akin ngayon ang kaniyang cell phone at nakita ko roon ang picture namin ni Tristan kanina. Iyong sa rooftop.

"S-saan po galing 'yan?" kinakabahan kong tanong. Iyon ang larawan kung saan ay yakap ni Tristan ang ulo ko habang para itong nakaluhod sa harap ko. Ang pangalawang picture na ipinakita niya ay kuha naman noong nakasandig ang ulo ko sa balikat nito.

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now