KABANATA 10

2.5K 83 4
                                    

Sandrynne's POV

Sumilip ako sa pintuan ng kwarto ni Reb. Nakita ko siyang nagsusuot ng medyas. "Alis na 'ko Reb. Magpahatid ka na lang sa driver natin, maglalakad na lang ako."

"Bahala ka sa buhay mo," walang lingon-lingon niyang sagot sa 'kin. Isinara ko na ang pintuan 'tsaka na ako umalis.

Hindi ko alam kung bakit nag-eenjoy akong maglakad kapag papasok. Simula no'ng pumasok ako no'n habang naglalakad, parang hinahanap na 'yon ng katawan ko. Hindi kasi ako nakakapag-exercise kaya siguro parang gumagaan ang pakiramdam ko kapag naglalakad.

Sa north gate ng school ako papunta. Doon ako dadaan dahil mas malapit ang building namin do'n kaysa sa main gate. Pero habang naglalakad ako sa sidewalk, naramdaman ko na parang may sumusunod sa 'kin.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likuran ko pero wala akong nakita kahit isang tao o anino. Ang weird. Nagpatuloy na lang ulit pero maya-maya lang naramdaman ko na naman 'yong mahinang mga hakbang.

Lumingon ulit ako pero wala na naman akong nakita. Naglakad ako nang mabilis at nagtago sa likod nang mataas na halaman.

"Sa'n nagpunta 'yon?" May narinig akong boses kaya sumilip ako para makita kung sino 'yon. At mula sa 'di kalayuan, nakita ko si Tristan na nakatayo, parang may hinahanap. Siya ba 'yong sumusunod sa 'kin? Lumabas na 'ko mula sa pinagtataguan ko at dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya. Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi niya alam na palapit ako.

"Sino'ng hinahanap—" Natigilan ako nang bigla siyang umikot paharap sa 'kin at agad akong hinila para ikulong sa mga bisig niya. Narinig ko pa siyang napamura nang mahina habang nakatanaw sa motorsiklo na dumaan. Sobrang tulin no'n at 'yon ang dahilan kaya n'ya 'ko hinila. Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon bago niya ma-realized na yakap-yakap niya 'ko. Bigla niya 'kong itulak palayo sa kaniya na siyang ikinainis ko. "Tinulak mo pa 'ko! P'wede mo naman akong bitawan nang maayos!"

"Bakit mo kasi ako niyakap?" Nakakatakot ang itsura n'ya, mas mukha pa siyang masungit kay Harris, pero kailangan kong magtapang-tapangan.

"Huh! Ako pa ang yumakap sa'yo ngayon?" Inirapan ko siya 'tsaka na 'ko naglakad palayo. Pero naramdaman ko siyang nakasunod pa rin sa 'kin.

"Hindi pa kita nasisingil sa ginawa mo, baka akala mo nakalimutan ko na 'yon."

"Hindi naman kita tatakasan. Sabihin mo lang kung magkano ang ibabayad ko sa'yo para maging quits na tayo. Marami akong pera, pati ikaw kaya 'kong bilhin."

Natawa siya nang bahagya dahil sa sinabi ko. "Are you kidding me? Pagkatapos mong ipagkalat na bakla ako, sa tingin mo money is enough?" Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Humakbang naman siya at pumwesto sa harap ko habang nakasuksok ang parehong kamay niya sa bulsa. Tumingala ako para tingnan siya. "Marami rin akong pera. Kapag binili mo 'ko, susuklian pa kita," ngumisi siya, "What I need is you..." tinitigan niya 'ko. His gaze is very cold and empty, and you can't see anything but a dark dim forest, "pretend to be my girlfriend."

Napaawang nang bahagya ang bibig ko dahil sa sinabi niya. "A-ano..."

"Bye, girlfriend." Hindi niya na 'ko hinintay makasagot dahil tumalikod na siya sa 'kin at naglakad na palayo.

☆゚.*・。゚

Pagpasok ko sa loob ng room, wala pa si Tristan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta samantalang mas nauna siyang naglakad sa 'kin.

Medyo maaga pa naman, kaya siguro wala pa rin si Honey, pati si Jolo at Jazzmine. Nilingon ko ang upuan ni Harris at Bry sa likuran at wala pa rin sila. Lumabas na lang muna ako sa room at nagpunta sa katapat na bench. I sat there alone.

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now