KABANATA 9

2.5K 77 6
                                    

Sandrynne's POV

"P'wede kang mamatay." Pagkasabi no'n ni Harris sa lalaking kaharap ko, agad niyang nilipat ang tingin sa 'kin. Nagtama ang mga mata namin at tiningnan niya 'ko nang masama. Na para bang malaking kasalanan ang ginagawa namin na pakikipagkaibigan sa ibang lalaki. Humakbang siya palapit sa 'kin at ipinatong ang kamay sa balikat ko. "Babe, ano'ng ginagawa mo rito? 'Di ba dapat may date tayo?" he said in a cold voice. Kumunot naman ang noo ko. Babe? Date? Binalik niya ang tingin sa dalawang lalaki at sinabing, "I'm Harris. Sandrynne's official boyfriend, got a problem with that?" Napaawang nang bahagya ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Official boyfriend?

"Ano ka ba Harris! 'Wag mo nga silang takutin. Nakikipagkaibigan lang naman sila sa 'min," saway ni Honey sa kaniya.

"Una na kami. I will call you later," sabi ni Daniel kay Honey pero biglang sumabat si Bry.

"Don't even think about doing that." Lalong hindi nakapagsalita 'yong dalawa. Tumayo na lang sila at lumabas sa convenience store. Si Bry at Harris naman ang umupo sa harap namin.

"Anong drama naman 'yong 'Sandrynne's official boyfriend' na sinabi mo kay Darius?" sita ko nang makaupo na sila.

"Did I say that?" patay malisya niyang sabi 'tsaka lumingon sa labas.

"Alam mo, naiinis na 'ko sa'yo. Hindi ko alam kung ano'ng balak mo sa buhay mo at pati ako dinadamay mo sa kalokohan mo!" I said in annoyance.

"It's a love sermon. I'd better go," narinig kong bulong ni Honey at saka siya tumayo. "Alis na 'ko. Ayusin n'yo ang problema n'yo ha? Stay strong." Kumaway siya sa 'kin habang nakangiti. Isang makahulugang ngiti. Paglabas niya ng convenience store, sumunod na rin tumayo si Bry para sundan siya.

At ngayon kami na lang ni Harris ang magkaharap. Tumayo na rin ako dahil wala akong balak maiwan kasama niya pero biglang pumasok ng convenience store si Pitchie at nagulat pa siya nang makita niya kami ni Harris.

"Oh my god. It's true then?" Tumaas ang kilay niya. Lumapit siya sa 'kin tapos tumingin kay Harris. "Ya oppa, bwo yah? Micheosseo?!" (Hey brother, what are you doing? Are you crazy?!) Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero halatang naiinis siya. Hindi sumagot si Harris. Binaling naman ni Pitchie ang tingin sa 'kin. "Ano'ng pinakain mo sa kuya ko, ha?"

"Ano ba'ng sinasabi mo?"

"Okay lang sa 'kin ang mga pinagsasabi mo sa comment na inlove ka sa kuya ko. Pero ang hindi ko matatanggap, 'yong naka in a relationship na kayong dalawa!" she said annoyingly and my eyes widened in shocked.

I turned to Harris at seryoso naman siyang nakatingin sa 'kin. "Ano'ng sinasabi ng kapatid mo?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Tumayo siya sa upuan niya at lumabas ng convenience store habang umiiling. Tiningnan ko ulit si Pitchie. "Ano'ng ibig mong sabihin na naka in a relationship kami?" Imbes na sumagot, kinuha niya ang cell phone niya at iniabot sa 'kin. Kinuha ko 'yon at tiningnan. At nagulat nga ako dahil naka in a relationship kami sa isa't-isa.

"Now, what? Ide-deny mo pa rin ba?" baling niya sa 'kin. Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ko lahat ng dugo ko sa katawan sa sobrang inis.

"Baliw na talaga ang kuya mo!" Binalik ko sa kaniya 'yong cellphone niya at kinuha ko 'yong sa 'kin sa bag ko para i-check ang account ko. Siguradong siya ang may gawa no'n. "Teka, bakit...?" Tinry ko ulit i-type ang password ko at nag-log in pero wrong password ang nakalagay. Bakit ayaw mag-open? "Hindi kaya pinalitan n'ya?" baling ko kay Pitchie.

"Ano'ng pinalitan?" kunot-noo siyang nakatingin sa 'kin pero hindi na siya nagawang sagutin dahil agad kong chineck ang notes sa cell phone ko kung saan naka-save lahat ng password ng account ko. "Why are you making that face?" Hindi ko alam kung ano ang itsura ko. Basta ang alam ko para akong maiiyak sa inis dahil alam kong nakita niya 'to kaya napalitan niya 'yong password ko.

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now