KABANATA 5

3.2K 91 10
                                    

Sandrynne's POV

Magkaharap kami ni Honey at nagku-kwentuhan nang biglang sumulpot si Reb sa pintuan ng classroom namin. Kinawayan niya ‘ko para lumapit.

“Bakit nandito siya?” takang tanong ni Honey. “Nag-away na naman ba sila ni Pitchie kaya pinapatawag ka na naman?" biro niya at sabay kaming tumayo para lapitan ang kapatid ko.

“Ate, nasa'n ang kuya ni Pitchie?” bungad sa ’min ni Reb paglapit namin sa kaniya.

Nagkatinginan naman kami ni Honey dahil do'n.

“Bakit mo hinahanap si Harris?” si Honey ang sumagot.

“Si Pitchie kasi umiiyak,” sagot niya. Na naging dahilan para hampasin ko siya sa braso. “Aray! Bakit ba?!” inis niyang baling sa ’kin.

“Nag-away na naman ba kayo, ha?!” Hinampas ko ulit siya nang isang beses. “Pinaiyak mo ba s'ya?!” Isang beses pa ulit.

“Mali ka! Wala akong ginagawa sa kan'ya!” inis niyang sabi while rubbing the part where I hit him.

“Kung gano’n, bakit siya umiiyak?” usisa naman ni Honey.

“Hindi ko alam! Kaya nga ako narito para sabihin sa kuya n'ya na umiiyak s'ya! Hindi ko naman s'ya inaano! Wala naman akong ginawa!" dipensa niya. "Basta pagpasok ko ng room kanina, nandoon na s'ya. Nakadukdok. Umiiyak.”

“Tara,” aya ani Honey at dali-dali s'yang lumabas ng room kaya sumunod kami ni Reb sa kaniya.

☆゚.*・。゚

“Pitchie…” tawag ni Honey sa kaniya nang makarating kami sa room nila. Sakto kasi na wala pa silang teacher kaya nakapasok kami sa loob para lapitan siya. “Anong nangyari?” malumanay na tanong ni Honey pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa pinsan. Nang hindi sumagot si Pitchie ay tinanong niya ulit ito. “Bakit ka umiiyak?” but still no response, “Pitchie, tara sa labas doon tayo mag-usap.” Hinawakan ni Honey ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo. Sumunod naman agad siya. Nang makalayo na kami sa maraming tao, nagtanong ulit si Honey. “Pitchie may problema ba? Gusto mo ba na tawagin ko ang kuya—”

“No!” apila niya na siyang ikinagulat ko. “Ayoko munang makita si Kuya.”

“Bakit?” takang tanong ni Honey pero hindi na ulit ito kumibo. Bumaling sa’kin si Honey at sinenyasan ako na iwan muna namin sila kaya agad kong inakay si Reb palayo.

Honey's POV

Noong makalayo na ang dalawa, tinanong ko ulit si Pitchie. “What happened?” Alam ko kasi na baka nahihiya lang siyang magkwento dahil may iba kaming kasama.

Tumingin siya sa ’kin nang seryoso bago sumagot. “May narinig kasi akong usapan ni Mommy at kuya,” malungkot niyang sabi. Medyo namumula pa ang mata niya. Halatang galing sa pag-iyak.

“Umuwi na si Harris sa inyo?” I furrowed my eyebrows. Ang alam ko kasi ay nakabukod ng bahay si Harris.

“Hindi. Bumisita lang s'ya saglit kahapon at may kinuha lang na gamit n'ya. Umalis din s'ya agad after no'n.” Yumuko siya at naging malungkot na naman.

“Ano ‘yong sinasabi mong narinig mo na usapan nila?” usisa ko. Nag-angat naman siya ng mukha at tiningnan ako.

“May kilala ka bang Mia?” her questioned made me stop. Paano niya nakilala si Mia? “I’m really curious kung sino s'ya.” 

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now