KABANATA 21

310 25 0
                                    

Sandrynne's POV

Nakahiga ako sa kama at yakap ang isang unan. Nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin ang nangyari sa food court kanina.

Ano kaya ang pinag-usapan ni Harris at Jenica?

"Bakit gising ka pa?" Napalingon ako kay Reb nang bigla itong sumulpot sa kwarto ko.

"Kasi hindi pa ako tulog," pamimilosopo ko sa kaniya.

Lumapit naman siya at umupo sa paanan ng kama ko. "Nabalitaan ko 'yung nangyari sa'yo kanina. Na tinisod ka raw."

"Kung pagtatawanan mo lang ako at aasarin, umalis ka na lang."

"Okay ka lang ba, ate?" Saglit akong natahimik sa naging tanong niya. Bakit parang bigla siyang naging concern sa akin?

"Wow! Tinawag mo akong ate? Nilalagnat ka ba? Baka naman may c0vid ka?" Napabangon ako sabay harap sa kaniya. Madalas kasi ay Farrah lang ang tawag nito sa akin o 'di kaya naman ay Sandrynne. Pero ngayon ay seryoso ang mukha niya, tila walang balak mang-asar. Kaya sumeryoso na lamang din ako. Sayang ang moment. "Okay lang ako. Hindi naman masakit 'yung pagkakadapa ko."

"Alam mo, kung naro'n lang ako baka—"

"Oo na. Alam ko namang ipagtatanggol mo ako dahil magkapatid tayo."

"Hindi. Kung naro'n lang ako baka...hinimatay na ako sa kakatawa. Baka tanungin pa kita kung ilan ang nahuli mong palaka." Humagalpak pa ito ng tawa habang palabas ng pinto. At bago pa siya tuluyang makalayo ay binato ko agad siya ng unan.

"B'wisit ka, Reb!"

***

Natapos na naman ang isang linggo. Tapos na rin ang examination week kaya pa-petiks-petiks na lang kami.

"Ano'ng mayro'n?" tanong ni Honey habang nakatanaw sa mga kaklase naming biglang nagtakbuhan papunta sa classroom—habang kami naman ay nasa hallway. "Omg!" Napaawang pa ang bibig nito.

Tiningnan ko siya. "Bakit?"

"'Yung result ng exam lumabas na yata!" Ni hindi man lang niya ako hinintay at agad din tumakbo papasok sa room. At syempre, alangan namang tumanga lang ako.

"Sandali lang!" Sumunod na rin ako sa kaniya upang makigulo. "Sandali po! Paraan! Excuse!" Pilit akong sumingit sa mga kaklase namin na nagkakagulo sa harap ng white board dahil doon nakapaskil ang result.

Pero hindi ko rin naman makita dahil si Bry ang nakaharang sa harap. As in sinakop ng malapad niyang balikat ang papel.

"Sino'ng top 1?" Iyon halos ang tanong ng mga nasa paligid namin.

Si Honey naman ay napansin kong pilit ding sumisiksik para makarating sa harapan. Tumabi siya kay Bry at tiningnan na rin ang papel na nakapaskil sa white board. Ilang beses nagbaba't-taas ang ulo niya bago humarap sa akin at saka tumawa.

Nag-alisan na rin ang iba naming kaklase sa harapan nang makita na nila ang kani-kanilang ranking. Pero ako, hindi ko pa alam kung pang-ilan ako.

"Bakit?" taka kong tanong kay Honey. Ako, si Bry, Honey, Jolo, at Jazzmine na lang ang naiwan sa harapan. Hindi pa nakakasagot si Honey nang biglang dumating si Jenica at tiningnan ang rank niya.

Pagharap niya sa akin, ngumiti ito at tila nagpipigil ng tawa. Si Bry rin, Jolo at Jazzmine, pati na rin si Honey ay nakatingin sa akin at nakangisi.

Ano ba'ng nangyayari sa kanila? Nababaliw na ba mga 'to?

Dumating naman si Tristan, papalapit pa lang ito sa board nang magsalita si Jenica. "Top 1 ka. Congrats."

Dahil doon ay hindi na ito tumuloy sa paglapit at umalis na lamang. At bago tuluyang tumalikod si Jenica sa akin ay muli ako nitong nginisihan na parang nang-aasar.

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now