KABANATA 16

1.8K 111 73
                                    

Sandrynne’s POV

Hindi pumasok si Harris dahil nasa ospital siya at nagpapagaling. Alam na rin ng mga professor namin ang nangyari sa kaniya kaya naman excuse siya ng one week para sa recovery niya. At dahil pa sa nangyari, kinompronta rin ako ni Jenica.

FLASHBACK

Nasa second floor na 'ko at paakyat na sana sa third floor, sa room namin, nang bigla humarang ni Jenica sa harap ko. Matalim ang tingin niya sa 'kin, kasunod no'n ay ang paglipad ng kamay niya at malakas na pagdapo no'n sa pisngi ko.

Nagulat ako sa ginawa niyang pagsampal sa 'kin. Hindi ko 'yon inaasahan.

"Ano ba'ng problema mo?” tanong ko habang nakahawak sa pisngi ko na sinampal niya.

“Ang kapal ng mukha mo para itanong pa 'yan sa 'kin. Ikaw, ano ba'ng problema mo? Pa'no mo nagawang ipahamak si Harris?” Ipahamak? Ipinahamak ko ba siya? “May nakakita kay Harris kung pa'no s'ya bugbugin sa north gate. Ang sabi nila ikaw raw ang may kasalanan dahil ipinagtanggol ka n'ya! At kung hindi dahil sa'yo—"

“Mali ka. Hindi gano'n ang nangyari! Oo, siguro may nakakita sa 'min pero mali ang kuwento na alam nila. Hindi ako ang puntirya ng apat na lalaki kun'di si Harris,” I explained.

“At binabago mo pa ngayon ang istorya? What a good editor!” Hindi muna ako nagsalita dahil may narinig akong yabag ng paa palapit sa amin. Ilang sandali pa, may lalaking huminto sa tapat namin. Si Tristan, na parang paakyat na rin sana. Ako ang una niyang tiningnan bago niya nilipat ang tingin niya kay Jenica.

“Ano'ng ginagawa mo?” takang tanong niya rito.

“E, ikaw, ano'ng ginagawa mo? 'Wag mong sabihing knight in shining armor ka rin ng babaeng 'to?” baling ni Jenica sa kaniya habang ang index finger nito ay nakaduro pa sa 'kin.

“Kung kinakailangan na maging knight in shining armor n'ya 'ko, bakit hindi?” Tiningnan ko si Tristan. Si Jenica naman masama ang tingin sa kaniya. “Nasabi ko na ba sa'yo na pumapatol din ako sa babae?”

“Hah! I can’t believe this!” Pumanewang pa ito saglit at tiningnan kami nang masama ni Tristan bago siya inis na tumalikod at naglakad paakyat.

PRESENT

Hindi ko sinabi kay Honey 'yong tungkol sa pagkakasampal sa 'kin ni Jenica dahil sure ako na magkakagulo lang ang dalawa kaya inilihim ko na lang.

Magkatabi kaming nakaupo ngayon at hinihintay ang pagdating ng professor namin sa last subject nang bigla na naman siyang kumanta.

“Bakit 'di na lang totohanin ang lahat~"

“P'wede ba'ng tumahimik ka Honey!” Naikwento ko kasi sa kaniya 'yung sinabi sa 'kin ni Harris, kaso hindi ako nakasagot pagkatapos no'n. Ewan ko kung bakit, parang na blangko 'yung utak ko.

***

“'Yong pekeng relasyon natin…totohanin na natin.”

“H-Ha? Ah…eh…”

“Ayaw mo?”

“K-kasi…”

“Kasi ayaw mo nga?”

“Ha? Eh…”

“Para kang tanga d'yan! Ah ka nang ah, eh ka nang eh! Kung ayaw mo sabihin mo nang maayos!” pagsusungit niya. “Iuwi mo na nga lang ako sa bahay ko, hindi ko na kaya.” Nag-alala ko sa sinabi niya kaya inalis ko muna ang kamay niyang nakaakbay sa 'kin para humanap ng sasakyan, kaso pagkatanggal ko ng kamay niya bigla na siyang nawalan ng malay at bumagsak.

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon