KABANATA 1

9.7K 219 20
                                    

Sandrynne's POV

Maaga akong gumayak dahil first day of school. Medyo excited ako dahil sa wakas ay college na 'ko. Ang kapatid ko naman na si John Reb ay first year high school.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay agad na akong lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan papunta sa dining area. Doon ay inabutan ko ang parents ko- Aimee at Charlie Delos Angeles. At si Reb na sa tingin ko ay kasisimula pa lang mag-breakfast.

"Good morning, anak," mom greeted me first with a smile. Sobrang ganda talaga ng mama ko, mana sa 'kin. "Buti bumaba ka na, kanina pa kita pinapagising kay Manang Josie, ayaw mo raw bumangon," dagdag ni mommy. She's 39 at mukhang bagets na bagets. Marami ngang nagsasabi na para lang daw kaming magkapatid at hindi mag-ina. Si dad naman ay 40 at mukhang binata lang. Ewan ko ba pero siguro dahil na rin sa maginhawa ang buhay namin kaya para silang hindi tumatanda. Lumapit ako at humalik sa pisngi ni mommy at pati na rin kay daddy bago ako tuluyang maupo sa tabi ni Reb.

Habang kumakain kami ay kinakausap ako ni mommy about sa course na kinuha ko, which is Business Administration. She knew na hindi 'yon ang hilig ko. Noon pa man, during my high school days, nabanggit ko na sa kanila na gusto kong maging isang Fashion Designer or kaya naman magkaroon ng sarili kong beauty brand- kahit ang totoo ay wala naman akong hilig mag-ayos. Hindi sila umapila ro'n, instead, they told me na susuportahan nila 'ko kung saan ako masaya. Pero ang dahilan kung bakit business course ang ending ko, 'yon ay dahil kay lola. She told me na kumuha ako ng business management para raw mapakinabangan ako nila mommy sooner or later sa sarili naming kompanya.

Yes, mom and dad runs an electronic company. We manufactured phones, laptop, home appliances and other gadgets.

"Bakit maga ang mata mo Sandrynne? Umiyak ka ba?" Bakas sa mukha ni daddy ang pag-aalala habang pinagmamasdan ako. Dali-dali ko naman kinuha ang phone ko para tingnan ang sarili ko sa screen. At tama si dad dahil medyo namaga nga ang mata ko sa pag-iyak kagabi.

"I'm okay dad. It's nothing," I said and put my phone down. Pero biglang sumabat si Reb. Sinabi niya na kaya raw namamaga ang mga mata ko ay dahil sa mga nakakaiyak na online novels na binabasa ko. Ang pangit ko na nga raw, mas lalo pa raw akong pumapangit dahil sa pag-iyak ko.

Patuloy sa pang-aasar sa 'kin si Reb, while si mommy at daddy ay nangingiti lang dahil sa 'min. "Huwag kang sasabay sa 'kin, ah! Pumasok ka mag-isa!" I said in annoyance. Sa edad niyang twelve, ang tanging ambag niya lang sa buhay ko ay ang bully-hin ako. May mga oras pa nga hindi niya 'ko tinatawag na ate. Minsan Sandrynne o kaya naman ay Farrah lang ang tawag niya sa 'kin. Depende sa trip at mood niya. Ewan ko ba naman sa batang 'yan!

"Sasabay ako sa ayaw at sa gusto mo," nag belat pa siya sa 'kin. "Kung ayaw mo 'kong isabay, maglakad ka." Binilisan niyang kumain dahil nakita niyang patapos na 'ko. At hindi rin ako naman ako nagpatalo kaya mas lalo ko rin binilisan ubusin ang pagkain ko.

"Careful. Mabubulunan kayo n'yan," sabi ni mommy na kanina pa natatawa sa 'min. Walang sumagot isa man sa 'min ni Reb dahil nag-uunahan kami sa pag-ubos nang pagkain kahit halos mabilaukan na kami pareho. Nauna 'kong nakaubos kaya kahit hindi ko pa nababawasan ang gatas ko, agad na 'kong tumayo at humalik sa pisngi ni mommy at daddy para magpaalam.

"Bye, mom. Bye, Dad!" Tumakbo agad ako para unahan si Reb sa sasakyan na ngayo'y naghihintay na sa amin sa labas.

Narinig ko na rin siyang nagpaalam at hinabol ako. Hinila niya 'yong backpack ko para maunahan niya 'ko sa pagtakbo. At hindi nga siya nabigo dahil mas nauna siyang sumakay sa sasakyan at saka niya 'yon ini-lock kahit hindi pa ako nakakapasok.

Nag-make face pa siya sa 'kin habang nasa loob ng sasakyan. Halatang nang-aasar. Pero ilang sandali pa ay sumunod sa 'min si nommy at daddy kaya sila na ang sumaway kay Reb para pagbuksan niya 'ko ng pinto. Pati ang driver namin na si Kuya Miguel ay natatawa na lang din sa bangayan naming dalawa.

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now