KABANATA 11

2.3K 86 7
                                    

Sandrynne's POV

Ako 'yong gusto niyang kapalit? Gusto niya akong magpanggap na girlfriend niya?

Natulala ako sa sinabi ni Tristan. Bumalik lang ako sa reyalidad no'ng tapos na siyang magbayad.

“Halika, tulungan mo 'kong umubos ng inorder ko.” Naglakad siya palayo kaya napilitan na rin akong sumunod.

"Ayoko. Hindi ako payag sa gusto mo." Umupo ako sa harap niya habang nakasimangot. "P'wede ba naman 'yon? Gusto ko kapag nagkaroon ako ng boyfriend—'yong totoo na. 'Yong hindi panggap-panggap. At saka gusto ko may ligawan na magaganap "

"Edi ligawan mo 'ko," seryoso niyang sabi bago isubo ang nasa kutsara.

"Hu! Patayin mo na lang ako, Mister Arena." Inirapan ko siya 'tsaka na ako naglagay ng pagkain sa plato ko. Habang kumakain kami bahagya ko siyang dinadaldal. Tinanong ko siya kung paano niya nalaman na ako ang nag-post sa social media account niya. Sabi niya after niyang makita 'yong post, bumalik siya sa internet cafe para alamin kung sino ang sunod na gumamit sa desktop na ginamit niya. Dahil mayroon logbook ang mga pumapasok at lumalabas sa internet cafe, kaya madali niya raw nakuha ang pangalan at number ko.

"Bakit ayaw mong pumayag? Dahil ba kay Harris?" Natigilan ako sa pagsubo nang isingit niya sa usapan si San Pedro. Pareho kaming napalingon sa kinauupuan ni Harris na medyo malayo sa amin. Nasa table number 27 kasi kami at nasa number 15 naman siya, kasama si Bry at Honey. Oo nga pala, doon niya 'ko pinapaupo.

"Walang kinalaman si Harris dito. Kahit hindi s'ya nag-eexist sa mundo, hindi pa rin ako papayag na magpanggap bilang girlfriend mo." Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at tinitigan ako. We stared at each other but I didn't see any emotions in his eyes. Nagbaba lang ako ng tingin no'ng biglang mag-vibrate ang cell phone ko. Agad kong binasa ang message na galing sa hindi ko kilalang number, pero alam ko na agad kung sino 'yon.

"Hindi ba sabi ko sa'yo table no. 15? Ano'ng ginagawa mo d'yan?"

Tumingin ako sa direksyon kung saan sila nakaupo ni Bry at Honey. Nakatingin siya sa 'kin at para bang mangangain nang buhay anytime. Grabe siya kung makapag-utos. Ano'ng feeling n'ya? Na kami talaga?

I ignored his message at ibinalik ang tingin ko sa mga pagkaing nasa harapan ko. “Si Harris?" tanong ni Tristan nang magsimula na ulit akong kumain. I hummed as a response. Hindi na rin siya kumibo at kumain na lang din. Ilang sandali pa, nag-ring ang phone ko at nakita ko 'yong number ni Harris sa screen. Napabuntong-hininga ako dahil sa inis. Dinagdagan ko 'yong pagkain na nasa plato ko at saka ako tumayo.

"Wait lang," paalam ko kay Tristan.

“Saan ka pupunta?”

“Sa hell,” tipid kong sagot at nagsimula na akong maglakad papunta sa table kung nasaan si Harris. Paglapit ko sa kanila hindi ako umupo. Nakatayo lang ako at nakatingin sa dalawa. "Bakit?"

“Upo ka,” si Bry ang nagsalita sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ni Harris. Napailing naman ako bago tuluyang maupo.

"Bakit mo pa ba 'ko pinapunta rito? Hindi ka ba makakakain nang wala ako sa tabi mo?" baling ko sa kaniya. Patuloy siya sa pagnguya habang nakatitig sa 'kin.

"Hmm." Tumaas ang magkabilang kilay niyang makakapal bilang pagsang-ayon. "Hindi ako makakain kapag wala ka." Bumaling siya sa plato niya at tinuhog ng tinidor 'yong karne at iniharap sa 'kin. "Kamukha mo pa naman 'tong adobo." Napahawak ako sa batok ko dahil pakiramdam ko maha-highblood ako sa sinabi niya.

"Ikaw naman, mukha kang..." Iginala ko 'yong paningin ko sa plato ni Honey at Bry pero wala akong makita na p'wedeng ihalintulad sa kaniya. Carbonara kasi ang nasa plato ni Honey. Si Bry naman ay rice with sisig. Nabaling ang tingin ko sa table na katabi namin kung saan may isang estudyante na kumakain mag-isa, at agad na tumama ang mata ko sa hotdog na nasa plato niya. "Ikaw naman mukha kang hotdog. Lamog na hotdog!" singhal ko kay Harris pagharap ko sa kaniya.

WHAT IF IT'S ME? (Tagalog)Where stories live. Discover now